JESSICA's POV
Medyo tanghali na ako nagising, kasi anong oras na kami natulog ni Yul. Pati si Soo at Sunny kasabay namin.
"Oh gising na pala prinsesa ko." Sabi ni Yul na kakapasok lang, ang lapad ng ngiti niya. Dahil sa ngiti niya napangiti nalang din ako.
"Goodmorning Seobang." Bati ko sa kanya ng nakangiti.
"Goodmorning Baby, lika na labas na tayo nakapaghanda na kami ni Sunny."
Tapos kinuha niya yung kamay ko para tulungan ako tumayo. Hinigit niya ako ng mabilis, para makanakaw ng halik!
Hinampas ko siya, pero nakangiti parin siya. Napakadork e. Hahaha!
Lumabas na kami sa kwarto niya at dumeretso sa Kusina. Nakaupo na yung dalawa nagkukulitan din, ang cute din nilang tignan ha. Hahaha!
Napatigil sila ng makita kami.
"Goodmorning Yulsic Couple! Hahaha." Sabay nilang bati.
"Goodmorning SooSun Couple!" Bati naman namin.
"Hindi ba nagtetext sayo si YoonA, Soo?" Tanong ni Yuri kay Soo.
"Hindi buds e, baka nagtampo. Ikaw kasi di mo sinama dito. Naturingan Appa e." Aw, oo nga appa siya ni Yoong at Umma ako ni Yoong tapos sa special event sa buhay namin ni Yul wala siya. Hay!
Napayuko nalang si Yul, kasi siguro nakonsensya. Hhhmm, kinuha ko cellphone ko para tawagan si Yoong.
Calling Yoong ....
(Hello Unnie!)
"Hi Yoongie, Gwaenchanayo?"
(Ne Unnie, Waeyo?)
"You sure? Pauwe na kami ni Appa mo.."
(Really? Okay! Wait ko kayo, wala naman ako sched e. Take care! Bye.)
"Bye." Tapos binaba ko na. Napansin ko nakatingin silang lahat sakin.
"She's not mad, so don't worry soo and My Seobang. Okay?" Tapos hinawakan ko mukha niya, ang cute ng seobang ko.
Pagkatapos namin kumain nagsiligo na kami at nagayos para makauwe na, dahil ako ang na unang maligo, ako din unang natapos sumunod si Sunny. Kaya may kasama na ako ngayon. Yung dalawa naman naliligo palang.
Nakaupo lang kami ni Sunny habang nanunuod ng Music Bank. TaeTiSeo ang nagMC today. Kim Family. Hahaha, ang liit ni Taenggu. Napatigil ako sa panunuod ng magsalita si Sunkyu.
"Sica, nasuprise kaba kagabi?"
"Oo naman pero feeling ko mas nasuprise ka. Hahahaha! Sobrang pula mo kahapon e."
"Yah Jung Sooyeon!!" Sigaw niya sakin.
"Wae Lee Sunkyu!? I'm just saying the truth! Hahahahaha." Lumalayo na ako sa kanya kasi mukhang babatuhin na ako. Tinawag ko siyang sa korean name niya e. Ayoko din ng tinatawag ako sa korean name ko no! Kaso wala akong pambato sa kanya.
Pero sakto, dumating ang knight and shining armor ko. Nakatingin siya sa akin at sinenyasan ako na lumapit ako sa kanya. Kaya ng makakuha ako ng tsempo tumakbo ako sa kanya at pagharap ni Sunkyu, boom! Hahahahaha!
"Aray ko naman Bunny! Bakit moko binato ng ganun?" Reklamo ni soo.
"Hala Sorry Soo! Bakit naman kasi bigla kang dumating e." Tapos hinimas himas ni Sunny yung natamaan kay Soo.
Si soo natamaan kasi saktong pagharap niya imbis na si Yul ang matamaan biglang sumulpot si Soo, kaya ayun sakto sa mukha niya yung Unan na binato ni Sunny ng may pwersa. Hahahaha!
"Oh tama na yan, hahaha! Tara na. Princess tama narin ang tawa baka kabagin kana." Pagpapahinto sakin ni Yul, kaya huminto na ako at kumapit sa kanya.
