Break Up

772 9 1
                                    

JESSICA's POV

Nang makarating kami ng dorm, dumeretso kami ni Taeyeon sa Roof para pagusapan yung dapat namin mapagusapan.

Syempre tungkol kay Clark yung paguusapan namin, nagulahan ako lalo kasi nung sinabi ni Taeyeon na matagal ng nasa ibang bansa si Clark.

"Sica, may isang bagay kang hindi alam tungkol kay Clark." Huh? Ano naman yun? Lahat ng tungkol kay clark alam ko.

"May kambal si Clark, at yung namatay ay yung kambal niya. Which means yung taong nakita mong nakipaghalikan sa ibang babae hindi si Clark, nagpanggap na clark yun. Dahil simula nun nasa ibang bansa na si Clark, ayaw niya ipaalam sayo para hindi kayo magkahiwalay. Para pag kabalik niya ayos parin kayo." Paliwanag ni Taeyeon.

So ibig sabihin, hindi ako niloko ni Clark. Dahil hindi siya yung taong yun hindi rin siya yung nanakit sa akin? Pero bakit di nalang niya sinabi sa akin na umalis siya? Hindi ba niya alam na nahirapan akong ihandle yung kambal niya?

"Anong pangalan nung kambal niya?"

"Clarence."

Ano na gagawin ko ngayon? Na nagbalik na siya. Ngayon alam ko na ang totoo, na hindi niya ako sinaktan.

"Ano balak mo ngayon Sica?"

"Hindi ko rin alam taengoo, ayoko saktan si Yuri. Mahal ko siya pero naguguluhan na ako ngayon."

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong maguluhan? Parang bumalik yung nararamdaman ko para kay Clark, lalo na ngayon alam kong inosente siya. He really support me in everything.

Pero mahal ko din si Yuri, yung babaeng hindi sumuko na mahalin ako, suyuin ako. Legal din kami ni Yuri tanggap siya ng pamilya ko.

Kaso wala akong kinabukasan sa kanya, may dead end ang relasyon namin. Urgh ang gulo. Ayoko masakatan si Yuri.

"Kailangan mo na pumili Sica, hindi pwedeng dalawa."

"Ang hirap taeyeon e.."

"Hindi ka na mahihirapan, diba sabi ko sayo ayoko ng nahihirapan ka? Ako nalang isuko mo Sica, wala kang future sa akin. Sa kanya meron, mahal kita Jessica kaya ko ito ginagawa. Gusto ko maging masaya ka at hindi nahihirapan."

"Yurii.."

Kanina pa ba siya nandyan? Bakit ba ganyan ka Yuri? Bakit ba napakabait mo, lagi mo nalang ako iniintindi? Puro nalang ako ang iniisip mo?

Flashback

"Sica baby, I love you."

"Sica baby, hindi kita iiwan."

"Sica baby, hindi kita hahayaan mapunta sa iba."

"Sica baby, Sumagot ka naman."

Ang cute niya, hahaha! Nanlalambing nanaman ang seobang ko. Hindi ko siya sinasagtot kasi ganyan siya, tuloy tuloy magsasalita ng mga sweet words.

"Eh seobang, gusto ko pa makarinig ng sweet words mo e."

"Ikaw talaga. Araw araw mo naman maririnig yun, pero sumagot ka naman kasi isang beses." Tapos nagpout siya.

"Opo na Seobang." Tapos kiniss ko lips niya at ngumiti.

END

Paano ko bibitawan ang isang tulad niya? Hindi niya deserve ang masaktan, hindi ko narin ba deserve ang pagmamahal niya?

"Iwan ko muna kayo." Sabi ni Taeyeon.

"Dito ka lang Tae, bantayan mo si Jessica. Ako ang aalis. Sica, pag nasaktan ka ulit kukunin kita sa kanya agad. At hindi ko na hahayaan na masaktan ka niya ulit." tapos umalis na siya.

Is this really the end of us? Wala man lang ako nasabi bago siya umalis. Gusto ko siya habulin kaso wala na siya sa paningin ko at hindi ako makagalaw sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Wae?! Bakit ganito kahirap ang sitwasyon ko ngayon? Bakit kailangan ko masaktan at makasakit? At ang malala siya pa ang nasaktan ko.
Yung taong sobrang minahal ako, you really don't deserve her Sica. Babo!

"Princess, umiiyak ka nanaman." Sabi ni taeyeon sabay yakap saakin. Yumakap din ako sa kanya dahil hindi ko na kaya pigilan pa ang iya ko, humagulgol na ako.

maya maya pa, biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Yoona naparang nagmadaling umakyat dito. Medyo hinihingal pa.

"Aalis na si Yul Unnie, Hindi namin siya mapigilan. Ano nanaman ba ginawa mo Sica Unnie!? Bakit sinaktan mo nanaman siya?!" Sigaw ni Yoona sakin, hindi ko magawang magalit sa inasal niya dahil kasalanan ko naman.

"I'm sorry Yoona. Hindi ako ang nakipaghiwalay, siya. Pero ako din dahilan bakit siya nakipaghiwalay."

Beep beep.

From: Seobang

I won't leave the Group, so don't worry. kay umma lang ako titira na. Take care of yourself Sica. I love you.

"She didn't leave us."

"How can you say that!?" Sigaw nama ni Sooyoung, hindi ko alam kung kailan siya nakarating dito.

Sila nanaman yung galit sa akin, yung buddy at anak namin. I deserve this, ang kamuhian nilang lahat dahil sinaktan ko ang kaibigan nila.

"Nagtext siya sa akin. Sorry for hurting her, You can hate me I deserve this."

"Yes you deserve it!" Sigaw ni Soo.

"Yah Choi Sooyoung! Umayos ka ng pagsasalita mo!!" Sigaw ni taeyeon, akmang susugurin niya na si Sooyoung pinigilan ko na agad siya baka lumala pa ang lahat.

"Tumigil na kayo, umalis lang ng dorm si Yuri hindi sa grupo." Sabi ng kadadating na si Tiffany.

Hindi na nagsalita yung dalawa kasi takot talaga sila kay taeyeon, dahil halos si taeyeon na nagaasikaso sa kanilng dalawa kaya pag siya na ang nagsalita wala ng laban yung dalawa.

Umiyak nanaman ako, ano ang dapat kong gawin. Dapat naba akong umalis sa Grupo. Galit na sila sa akin. Hindi na ako karapat dapat dito.

"Jessi, stop crying." Sabi ni Tiff at niyakap ako.

"Sorry Tiff, Sorry Taeng dahil sa akin nagkakagulo tayo. Kundi lang magulo tong puso ko hindi mangyayari ito."

"Don't be sorry Jessi, hindi mo naman ginusto diba?"

"Tiff, pwede bang ihatid niyo ako sa bahay."

"Osige. Tara na." Sabi niya.

Uumpisahan ko na ang balak ko bukas, hindi na ako dapat magstay dito. Kanina lang ayos lahat, hindi na nga yata maayos ito. Hanggang dito nalang siguro talaga kami. Eto na siguro ang dead end ng pagiibigan namin ni Yuri.

To: Seobang

Yul, Always remember that whatever happen I still love you. Sorry sinaktan nanaman kita, hindi ko babalikan si Clark tulad ng sabi ko pero siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Sorry.

Sent.

Pinatay at inilagay ko na sa bag ang phone ko. Nung bumalik ka Clark, nasira mo agad ang lahat. Dahil nanaman sayo nasasaktan ako dahil iniwan ako ng mahal ko ni wala man lang akong nagawa, at nasaktan din siya.

Pero eto narin ang finish line namin.

Bye Yuri.

-----

Tatapusin ko na po ito ngayon. Para maumpisahan na ang book 2. :)

Hindi lahat ng pagmamahal ay may Happy Ending, ang iba Sad Ending.

My Seobang, My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon