JESSICA's POV
This is it! Malapit na kami ni taeyeon sa Seoul. Madaling araw kami umalis ng busan, pero ngayon palitaw na ang araw. Nandoon na daw si Oppa niya, dala kotse niya kaya deretso kami sa dorm.
Kinakabahan ako na parang ayoko na bumalik parang gusto ko na kay Mom nalang ako umuwi talaga. Ayaw lang ako payagan ni Taeyeon.
"Wala ka naman masamang krimen na ginawa pero kung kabahan ka parang meron. Kriminal ka ba? Hahah-- Aray ha! Ikaw kahapon ka pa." Nakatikim siya ng hampas, hinimas himas niya yung pinalo ko.
"Ikaw kasi e, lakas mo pa mangasar. Di ako katulad mo na malakas magtago."
*Next Station Seoul*
Ayan na malapit na talaga kami. Ay teka nabuksan na nga ang phone ko.
Kinuha ko phone ko tapos inopen ito. Biglang nagnotif lahat ng text message nila. Kaya binuksan ko na.
Sunny : Sica, pag di ka pa nakauwe ngayong araw wag kang lalapit na sakin.
Tiffany : Jessi, kailangan balik niyo?
Yoona : Umma! Miss na kita. Uwi kana pl---
Yuri Callingg....
Ooppss, ang aga pa para magising siya ah. Sasagutin ko ba o hindi? Tinitigan ko lang yun. Di ko alam gagawin ko kinakabahan ako.
Hanggang sa nakita ko si Taeyeon kinuha yung phone at sinagot.
"Hello, Si Taeyeon to...Oh?..Sinabihan na kita diba? Intindihin mo din siya... Malapit na kami.. hindi! Ibaba ko na ito." Tapos binaba niya na para naman siyang galit e. Binigay niya sa akin yung phone ko.
"Taeyeon ano ba yun?" Tanong ko sa kanya, curious ako e.
"Gusto ka niya makausap, pinagbawalan ko siya. Sa kwarto ko na ikaw matutulog magkasama kayo ni Tiff. Ako na sa kwarto mo. That's final."
Leader parin siya kaya pag sinabi niya na ang final decision niyo wala kami magagawa kundi sundin nalang iyon.
Dumating na kami ng Seoul, nakita namin agad si Oppa niya. Sumakay agad ako sa kotse pero sila nagkwentuhan pa saglit.
Pero di naman nagtagal nagpaalam narin siya, sumakay nadin siya at umalis na kami.
Tahimik buong biyahe namin ngayon dahil sa hindi ko malaman na dahilan, siguro dahil makikita na ulit namin yung mga taong nakasakit sa amin ng hindi naman sinasadya.
Nakadating na kami sa dorm, nagpark muna si Taeyeon. Tapos kinuha yung gamit namin, bumili nalang kami doon dahil wala naman kaming dala nung panahon na yun.
Dala niya yun bag lang dala ko, ang gentlewoman e. Ang alaga pa. Sarap ibaon sa lupa dahil sa kasweetan! Hahahaha.
Sumakay kami sa elevator at pinundot niya yung floor namin. Kinakabahan ako pero kailangan ko na ipakita sa kanila ang pagiging cold ko ulit.
Ting!
Lumabas kami ni Taeyeon tapos pinindot ko naman ngayon yung password ng dorm, simat na ang araw sigurado ako gising narin sila.
Pumasok na kami ni Taeyeon at nakita namin silang lahat nasa dinning area. Tinanggal namin sapatos namin tapos tumingin ulit sa kanila. Ngayon nakatingin narin sila sa amin. Tumayo agad sila pwera sa dalawang tao.
"Unnie! Saan kayo galing? Namiss namin kayo. Huhuhu!" Sabi ni Yoona.
"Sa busan lang Yoona. Namiss din namin kayo." Sagot ni taeyeon, ako hindi nagbabago expression ng mukha ko.
"Ah sica, ayos ka lang ba?" Tanong ni Soo. Tumango lang ako.
"Pagod siya, pagpahingahin niyo muna. Sige na pumasok kana sa kwarto natin. Tiff si Yuri na roommate mo."
Tinignan ko siya, kanina ang sabi niya sila ni Yuri kami ni Tiffany? Ang gulo naman niya e. Tinignan ko yungib ganun din sila nabigla. Hinayaan ko nalang sila, dumeretso na ako sa kwarto namin. Nahiga ako sa kama ni Taeyeon. Ayoko sa higaan ni Tiffany, masyadong pink. Bagay sila ni Yuri mahilig sa pink. Meant To Be.
YURI's POV
Dumating na sila, pero di ako makalapit kay Sica. Bantay sarado ni Taeyeon e.
"Simula ngayon walang makakapasok ng kwarto ko, namin ni Jessica ng walang pahintulot. Tutulungan nalang kita sa paglilipat Tiffany." Pareho na sila ni Jessica ngayon, napakalamig ng aura.
Nasaktan ko sila, Napakacareless ko. Sa dinami dami pa ng pwede kong saktan kagrupo ko pa.
"Taeyeon-ah~~" mangiyak ngiyak na sabi ni Tiffany. Tumingin sa kanya si Taeyeon, di ko alam gagawin ko.
"Maguusap tayo mamaya, Rooftop 7PM. Kailangan ko na magpahinga." Tapos umalis na siya at pumunta na sa kwarto nila ni Jessica ngayon.
Tumayo ako at nilapitan si Tiffany, Iyak siya ng iyak. Nasasaktan ako, kasi ang dami kong nasaktan yung mahahalagang tao pa sa buhay ko yung nasaktan ko.
"Fany-ah~ Sorry. Aayosin ko to. Promise! Gagawin ko lahat mabalik lang kayo sa tabi ni Taeyeon. Sorry, sana mapatawad moko." Nakayuko kong sabi sa kanya. Imbis na sigaw ang marinig o matanggap ko sa kanya, isang mahigpit na yakap na ikinagulat ko.
Nandoon parin ang mga kagrupo namin parang mga nunuod ng Live Show e.
"Wag kana magsorry, alam ko maayos ang lahat. Kilala ko si Taeyeon."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo papunta sa kwarto namin, tumayo nadin ako at naupo lang sa sofa. Ganun din yung ibang member.
Pati sila apektado sa nangyari e. Dahil sa akin ito e. Kaya ako din ang dapat umayos, kung di lang ako nadisgrasya at nagkaamnesia di sana magkakaganito.
"Yul wag kang aalis kahit ano mangyari, harapin niyo itong problema na ito." Seryosong sabi ni Hyo tapos umalis din.
"Wag mo na siya intindihin Yul, alam mo naman ma mahalaga din sa kanya si Sica."
"I know Soo. Aayusin ko itong gulo na ginawa ko. Madami ako nasaktan pati kayo nadamay na."
"Tutulungan ka namin Unnie." Sabi naman ni Seohyun. Nginitian ko siya.
"Sige na magsiakyatan na kayo. May mga schedule pa kayo magayos na kayo."
Wala parin ako schedule dahil hindi pa ako fly recover. Kaya dito lang ako sa dorm.
Paano ko ba aayusin ito? Text ko nalang kaya si Sica baka gising.
To : Sica-baby
Sica, Usap naman tayo. 7PM sa coffee shop sa baba. Hihintayin kita doon.
Sent.
Wag na kayo magtanong about sa pangalan niya, nung nagamit ko ulit phone ko yan na yan. Hindi ko na pinalitan.
Atska diba sabi nila Girlfriend ko siya? So, ayos lang na ganyan pangalan niya sa phonebook ko.
Beep beep.
Fr: Sica-baby
I'll try, pag nakapuslit ako kay Taeyeon. Pagtapos ng usap na to, Please wag mo na ako guluhin.
Nalilito na ako sa nararamdaman ko, last na usap? Hindi pwede yun. As in hindi! para akong mababaliw. Ang sakit ng ulo ko!!
Argh, Hawak hawak ko ang ulo ko sa tindi ng sakit ng ulo ko!
Seobang-ah~~
I love you Seobang!
I love you too Sica-baby.
Nakangiti kong sabi kay Sica tapos hinalikan ko siya sa labi...
Totoo? Totong Girlfr...iend ko si s...si..sica?
------
Magkakaayos na kaya sila? Bumalik narin ba talaga ng buo ang alaala ni Yuri?
Oh dahil nalang sa nararamdam niya para kay Sica kaya may possibilidad na bumlik sila sa dati?
PERO!! Tatanggapin pa kaya siya ni Jessica?
Namimiss ko narin angYulsic Feels, Yulsic Moments.
Abangan ang next chapter. Please Vote! :)))
