She's Finally Awake

681 13 0
                                    

JESSICA's POV

Isang buwan, isang buwan ang hinintay ko para sa iyong pag gising Yuri.

Papunta na ako ngayon sa hospital, dahil gising na daw si Yuri. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Sawakas gising na siya.

"Manong, pakibilisan po gusto ko na po makita si Yuri."

"Pero Miss Jung, baka naman tayo ang maaksidente niyan."

Hindi na ako sumagot, tama dapat safe kami mkarating doon baka ako naman ang mahiga doon at matulog.

medyo bumalik narin sa dati ang katawan ko, pinilit ko kumain at magpahinga para sa araw na ito.

Ilang minuto pa nakadating na kami sa hospital, dali dali akong umakyat papunta sa room ni Yuri.

ng makarating ako, binuksan ko agad ang pinto sa kwarto niya. Niyakap siya ng mga member namin. Ibig sabihin naaalala niya kami? Hindi niya kami nakalimutan.

Tinignan niya ako sa mata ng nakangiti, siya naman pagpatak ng luha ko. Masaya ako, masaya akong makita muli ang ngiti niya.

"Sica, Bakit ngayon ka lang? At bakit naiyak ka? Diba sabi ko ayoko ng naiyak ang bestfriend ko. Halika nga dito." Be-bestfriend??

Nawala ang saya ko, at ang luha na tumutulo sa mata ko. Luha na ng nasaktan. Tinignan ko sila, Yumuko silang lahat.

Ang sakit, pero lumapit ako sa kanya. Hindi ako nagpapahalata na nasasaktan.

"Hey, Don't cry. I'm fine now."

"Namiss lang kita. Pero dumaan lang talaga ako, may sched pa kasi ako e. Sorry."

"No it's okay. At least dumaan ka, kanina pa kita hinahanap e. Akala ko di nagaalala sakin ang bestfriend ko e."

"A-ano k-kaba, a-ako pangbe-best.... friend mo" ang hirap banggitin na bestfriend niya ako, ngumiti lang siya sakin at pinunasan ang luha ko.

Nagusap sila nila hyoyeon at sooyoung. Masaya ako gising na siya at maayos, kaso kapalit nun ang saya ko. Ang alaala namin dalawa wala na sa isipan niya. Ang pinagsamahan namin wala na.

"Asan pala si Hara? Bakit wala siya dito? Girlfriend ko pa talaga ang wala. Nakakalungkot naman."

Yun, yun ang pinakamasakit na narinig ko. Okay na sana yung bestfriend lang ang naaalala niya sa akin pero bakit ang naaalala niya na girlfriend niya si Hara.

Kwon Yuri si Jessica Jung ang Girlfriend mo at  hindi si Goo Hara!

Hindi ko na kayang pigilan pa ang luha ko, mabilis akong lumabas at napaupo sa sahig sa tapat ng kwarto ni Yuri.

Sobrang sakit!! Mas masakit pa sa pagiwas ng taong mahal mo sayo, Mas masakit mahirap ang makalimutan ng taong mahal mo.

"Princess." Hindi ko siya tinitignan, ayoko makita niya ulit akong ganito.

Dahil sa hindi ko pagsagot sa kanya niyakap niya na ako, na mas lalong kong kinaiyak. Mas humagulgol ako sa yakap ni Taeyeon.

"Ang sakit taeyeon, s-sobrang s-sa-sakit d-dito...." sabay turo sa puso ko. Habang naiyak pa.

"Magiging okay din ang lahat Sica, Tahan na. Tara hatid na kita sa dorm."

Nagnod nalang ako kay Taeyeon, kahit saan na niya ako dalhin ayos lang. Gusto ko muna makalimot.

YURI's POV

Nung nakita kong umiiyak si Jessica kanina, para ako nanghina. kahit alam ko yung iyak niya tears of joy kasi gising na ako.

Pero may iba akong nararamdaman na emosyon sa mga mata niya e. May mali ba ako na nasabi?

"Yuri, wala kana ba ibang maalala?"

Hay, Oo tama kayo nagkaamnesia ako. At medyo madami ako nakalimutan sa mga nangyari sa nakalipas ng taon at buwan.

May parte lang daw sa utak ko ang nakalimutan ko hindi lahat, kaya ayos narin. Pero feeling ko may gusto silang ipaalala sa akin. Hindi ko lang maalala.

"Wala talaga Soo e, ano ba kasi yun?"

"Ah wala, pag medyo malakas ka nalang saka mo na alalahanin lahat. Sa ngayon magpahinga ka muna."

"Nga pala, Nasaan si Hara? Bakit wala siya dito? Girlfriend ko pa talaga wala, nakalalungkot naman." 

Bat kaya wala yun dito? Hindi niya ba alam na naaksi--

Nagulat ako sa pagkalabog ng pintuan, biglang lumabas si Jessica e, ano nangyari doon? Tinignan ko si Soo at Hyo, nagkibit balikat sila. Ganun din yung iba, Pati si taeyeon tapos lumabas na siya ng kwarto para sundan siguro si Jessica.

"Ah, Yuri paano ko ba sasabihin to?" Sabi ni Soo. Hinintay ko nalang sila magsalita kaya tinignan ko nalang sila isa isa. Pero walang nagsasalita.

Si Tiffany huling kong tinignan at finally may sasagot na sa akin.

"Ah, Yul. Wala na kayo ni Hara. Matagal na."

Nagulat ako sa sinabe ni tiffany, kaya natahimik ako. Kung ano ang kailangan ko kalimutan yun pa ang naalala ko.

Pero bat ganun hindi ako ganun nakakaramdam ng sakit? Parang ayos lang sa akin, nagulat lang ako.

"Ah ganun ba? Hahaha! Oh e bat ganyan itsura niyo?"

"E akala namin masasaktan ka? Iiyak o ano e." Sabi ni Yoona.

"Akala ko rin e, pero parang wala lang."

Sagot ko sa kanila, totoo naman e. Pero parang gusto ko talaga makita si Sica, hindi ako mapakali. Gusto ko siya mausap.

Kaso hindi ko naman mapasabi sa kanila na gusto ko makausap si Sica, baka kung isipin nila mga baliw pa naman sila.

Nakwento din nila sa akin na couple couple na daw sila, ayos lang naman sakin as long as happy sila.

Kami kaya ni Jessica kailan kami magiging couple? Ay ano ba yan Yuri! Ano ba iniisip mo? impossible naman ng iniisip mo e.

"Hoy Yul ano iniisip mo jan?! Si Sica ba?" Paano niya nalaman na si Sica iniisip ko, medyo nagblush tuloy ako sa sinabe ni Hyo e.

"Uy! Nagblush ang Kkab Yul natin! Gusto mo si Sica no? Ayyiiieee!" Asar ni Soo sakin.

"H-hindi a-ah!" Mautal utal kong sagot.

"Eh bat ka nauutal? Hahahaha!" Sabi naman ni Yoona, lalo ako nagblush.

"Tigilan niyo nga ako! Umuwe na kayo, magpapahinga na ako!"

"Asus, naiwas ka lang sa amin kasi nahuli ka namin. Ayos lang naman sa amin yun Yuri e. Hahahaha!"

"Che! Shooo!"

Umalis sila ng tumatawa, mga baliw talaga yung mga yun e. lakas mangasar e, buti nalang wala si Sica baka nairita na yun sakin. Baka iniwasan na ako nun.

Pero totoo kayang gusto ko si Sica?

--------

Makalimutan man ng utak natin ang taong mahal natin, pero mananatili sila sa puso natin.

My Seobang, My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon