YURI's POV
Maaga akong gumising para ipagluto si Sica, pero dinamay ko na silang lahat sabihin pa nila puro nalang ako Sica. Pero alam naman na nila na bumalik na alaala ko kasi kinausap ko sila na okay na ang lahat.
Si Jiyeon, tinawagan ko narin para sabihin na naaalala ko na siya. As a result ayun sobrang saya niya. Pupuntahan niya daw ako pag maluwag ang schedule niya, hindi na ako tumanggi kasi naginsist siya kaya hinayaan ko nalang kesa mag maktol pa. Hahaha!
"Goodmorning Amnesia Gi--- este yuri!" Kakagising lang asar na agad ang bungad netong bansot na to.
"Hoy bansot, maganda gising ko wag moko simulan." Pananakot ko sa kanya pero binelatan lang ako, naghanda siya ng plato para sa amin lahat. Si hyoyeon po pala yung bansot.
Nagsunuran na sila sa paggising at pagbaba, kailangan na pa kasi namin magrehearse para sa dream concert na magaganap mamayang bandang hapon. At syempre lahat kami kasama doon, sabay sabay nanaman ulit kami makakain.
Huling dumating si Taeyeon at Sica, nasa likod si ni tae si sica na tila inaantok pa. Ang cute niya talaga pag bagong gising.
"Sica, upo kana dito." Sabi ko sa kanya pero pinigilan siya ni Taeyeon.
"Di kami sasabay sa pagkain, mauuna kami sa pagpunta sa venue kung saan gaganapin yung dream concert." Bakit kailangan mauna pa sila? Iisa lang naman pupuntahan namin, ang kontrabida naman neto ni Taeyeon e.
"Bakit Unnie?" Tanong ni Yoona.
"May kailangan daw idiscuss samin si Manager Oppa at ibang staff."
"Pero Taenggu, gutom na ako." Tapos nagpout si Sica sa harap ni taeyeon habanh nakahawak sa braso, tinignan siya ni taeyeon para ngitian at pinat yung ulo.
Nagiinit yung buong katawan ko sa selos galit at inis, parang gusto kong hilahin si Jessica sa kanya at sabihin na Girlfriend ko yun kaso hindi na e. Pero hindi ako susuko makuha ulit siya.
"Gutom na siya Taeyeon pakainin mo muna." Seryoso kong sabi sa kaniya, binaling niya ulit tingin sa akin at ngumiti.
"Hindi na, magbreakfast kami sa labas. Let's go princess?" Tumango si Jessica ka sa kanya, at umalis na sila. Nakaayos naman na pala kasi sila sadyang inaantok lang mukha ni Sica na para bang bagong gising.
Naupo ako sa upuan kung saan ko pinapaupo si Sica, wala ng uupo edi ako nalang.
"Ah close na nila no? Baka sila na." Sabi ni hyo. Hindi pwede maging sila! Sakin si Jessica..
"NO!!!" Nagulat sila sa amin, oo sa amin kasi pati si Tiffany sumigaw kasabay ko.
"Oh Chillax naman! Nagbibiro lang si Hyoyeon e. Masyado kayong hot." Sabi ni soo.
Mga loko e, hindi kaya magandang biro yun. Hindi pwede mapunta si Sica ko kay Taeyeon.
Tinapos namin yung kinakain namin at nagsimula ng maayos dahil malapit na daw dumating si Oppa. Hindi parin mawala sa isip ko yung pagkasayang ng effort ko gumising ng umaga para ipagluto siya, ang nangyari pinagluto ko yung member e. Astig talaga!
-----
Andito na kami sa Venue, nadatnan nadin namin si Taeyeon at Jessica na kausap yung ibang crew. Busy silang kausap ito, ang aga pa para mastress ang baby ko dapat sa kanya nagpapahinga e.
humingi ako ng tubig sa isang staff dito, tapos hinintay ko na matapos yung usapan nila ng crew para maibigay ko sa kanya itong tubig baka naubusan na ng laway e. Joke! Baka napagod lang sa pagsasalita.
