Finally!

686 12 3
                                        

JESSICA's POV

Nagising ako dahil sa bisig na biglang humigpit ang yakap sa akin, kaya bigla akong kumapit sa braso niya at chinerish ang mga oras na yun.

Pero hindi din tumagal ng napakatagal dahil sa bigla nalang may pumasok sa kwarto namin kaya naihulog ko si Yuri sa kama.

"Aray!" Tapos hawak niya yung pwetan niya. Bago pako magsalita bigla na nagpakita yung pumasok sa kwarto namin.

"Oh Yuri, Ano ginagawa mo jan sa baba?" Tanong niya. Eish! Buti nalang di niya kami nakita kundi lagot ako.

"Eh, taeyeon! Nanaginip siya tapos nalaglag." Tapos lumapit ako sa kanya at yumakap. Lagot ako neto sa dalawang ito, pero kakausapin ko din mamaya si Taeyeon.

"Taeyeon bat nandito ka pala?" Tanong ni Yuri habang na tayo.

"Tinawagan ako ni Sica e. Kaya nagpakuha agad ako ng ticket papunta dito kay Manager." Napatango tango nalang si Yuri at tumingin sa akin, nginitian ko siya ng bahagya.

"Nga pala, nakasalubong ko yung manager na kasama niyo dito bumaba na daw tayo para makakain ng Breakfast."

Naghilamos muna kami ni Yuri, pero hinintay kami ni Taeyeon na nagliliwaliw sa kama.

Pagtapos namin maglinis bumaba na agad kami nila taeyeon, syempre wala pang alam si Taeyeon kaya sa kanya ako nakadikit at nakakapit. Maiintindihan naman siguro ni Yuri yun dahil hindi ko pa naman sinasabi.

"Sica, maghanda ka pala. May pupuntahan tayo saglit bago tayo bumalik seoul."

"Tek----"

"Osige. Pagtapos ng breakfast punta na tayo doon." Tinignan ko si Yuri at parang sinasabi ko sa mata ko naintindihin at sorry.

Kasi kagabi, sabi niya may gusto daw siyang puntahan kasama ako bago man kami umalis dito sa newyork. Pero need ko narin itong oras na ito para kausapin si Taeyeon.

Kaya wala na siyang nagawa kundi manahimik nalang, pagpumayag naman na si Taeyeon sa desisyon ko magiging okay na ang lahat at magkakaroon na siya ng oras kay Tiffany, naguguilty narin ako.

Dahil sa akin kaya ayaw niya muna magkaayos sila ni Tiff kasi maiiwan ako magisa.



Ng matapos na kami magbreakfast nila Tae, bumalik sa kwarto si Yuri kami naman ni Taeyeon nagpahatid nadoon sa pupuntahan namin.

Malapit lang sa hotel, isang park dito.

Bumili si Taeyeon ng Ice cream at pumuwesto na kami sa swing.

"Ano nangyari sayo kagabi?"

"Nagusap ulit kami ni Yuri, taeyeon-ah. Masyado na ako nagiging burden sayo, dahil sa akin nahihirapan kana. Gusto ko narin maging masaya ka kasama si Tiffany."

"So okay na kayo?"

"Hindi sana, pero hinanap niya ako nung nawala ako. Bigla niya ako hinalikan, taenggu lahat ng sakit biglang nawalan." Tinitigan ko siya habang sinasabi ko yun.

"Jessica, Ayoko pigilan ka maging masaya kung gusto mo na ulit maging kayo hahayaan kita. Pero pag naulit itong saktan ka niya ulit hindi na ako papayag." Seryosong sabi ni Taeyeon, sobrang alaga niya sa akin. Hindi niya ako pinabayaan na kahit sarili niyang kaligayahan binitawan niya para sa akin. Ako na ang pinakaswerteng tao dahil madaming nagmamahal sa akin.

Binitawan ko ang ice cream ko, at tumakbo sa likod niya para yakapin siya. Pumikit lang ako habang nakayakap sa kanya.

Nagumpisa nanaman tumulo ang luha ko, this past few days napakababaw na ng mga luha ko.

"Princess, I'm always here for you. Always." Nakakainis naman tong si taenggu e, mas lalo oa akong pinapaiyak. Mas hinigpitan ko yakap ko sa kanya.

"Gomawo Taenggu-yah..."

Nagistay kami sa ganoong pwesto lang, this may be our last moment na ganito kami kalapit, kasweet pero hindi ibig sabihin na dito narin matatapos ang pagiging kaibigan namin.

YURI's POV

Kunwari lang ako na pumunta sa kwarto namin ni Sica, pero ang totoo sinundan ko sila. Wala nacurious lang ako sa mangyayari sa kanila.

Buti nalang malapit lang sa hotel kaya hindi ako mahihirapan pag gusto ko na bumalik o kaya pupuslit ako sa kotse nila.

Bumili ng Ice cream si taeyeon, tapos naupo na sila sa swing. Malayo lang ako sa kanila pero tanaw ko sila. Gusto ko lang makita sila pero ayoko mapakinggan ang paguusap nila.

Maya maya pa, tumayo na si Sica at niyakap mula si Taeyeon sa likod. Nakaupo parin si Taeyeon sa swing bali sa may bandang leeg niya lang nayayakap ito.

Ano meron? Bakit kailangan niyang yakapin s Taeyeon, nagbreak ba sila. Pero di pwede yun hindi naman naging sila.

Ano kaya yun? Hhhmm, hayaan ko na nga lang sila. Privacy nila yun.

Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula maglakad lakad, ayoko pa sumakay ng taxi. Gusto ko lang muna magisa, magisip. Tignan ang magandang city ng New York sa huling pagkakataon ngayong araw bago ako umalis at bumalik na sa Korea..

"Hay Sica, Ano ba meron sayo at hindi kita kayang sukuan?"

"Kasi mahal moko.." napatigil ako sa paglalakad ng may sumagot sakin, kaya dahan dahan ako lumingon sa likod ko.

At nandoon siya, ang babaeng mahal ko na nakangiti. Para naman bumagal ang mundo ko parang nagislow mo nung nakita ko siya.

Mas lalo ako naiinlove sa kanya pag ganyan siyang nakangiti sa akin tapos dahan dahan nadin siya lumalapit sa akin.

"Bakit ka nandito Yuri-yah?" Napabalik ako sa sarili ng magsalita na ulit siya.

"E-ano k-kasi, wala ako magawa sa hotel. Kaya naglakad lakad muna ako."

"Naglakad ka lang papunta dito? Parang medyo malayo to pag nilakad ah." Medyo taka niyang sabi pero parang may unting pagbibiro.

"Teka, nasaan si Taeyeon?" Pagiiba ko sa usapan atska Kanina magkasama sila, ngayon magisa nalang siya.

"Nakita ka namin naglalakad kaya nagpababa ako dito tapos pinauna ko na sila sa hotel. Tara lakad na tayo." Hinawakan niya kamay ko at nagsimula kami maglakad.

Medyo nalilito ako pero hinayaan ko nalang, hinawakan ko na ng ayos ang kamay niya at naglakad na kami.

Tinitignan tignan ko siya kasi hindi ako makapaniwala na sawakas ayos narin kami. Ng mapatingin siya sa akin nginitian niya din ako.

Ang ngiting pinakahihintay ako, totoo at puno ng pagmamahal na ngiti galing sa kanya.

"Sica, I love you." Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"I love you too Yuri-yah. Sorry kung pinagintay kita." Narinig ko din sa wakas ang I love you niya na kay tagal kong hinintay.

"Wala yun, thank you sa pagtanggap ulit sa akin Sica." Tapos kinurot niya ang ilong ko. Pero nginitian ko lang siya at ganun din siya.

"Tara na, balik na tayo doon."

Masaya ako sa wakas okay na kami ni Sica, kailangan ko nadin makausap si Taeyeon pagbalik namin matagal narin simula nung huli kami nagusap.

Balik na sa lahat ang dati, pabalik narin kami sa Korea. Matutuwa na ang Yulsic Shipper!

-------

Another UD for you Guys! :) Hope you like it!

Bonus yan kasi nalate ako sa pagupdate e.

DarkEclipse_ if you want to know more about me message me! ^^

My Seobang, My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon