CHAPTER 11
SOOYOUNG's POV
Napapadalas na ang pagkikita ni Hyomin at Sunny. May something naba sa kanila?
Pero bakit di man lang nagsasabi sa akin si Sunny, akala ko pa naman bestfriend din kami.
Lumabas ako sa kwarto namin, dahil wala naman siya sa kwarto baka umalis para sa reunion nila ng Invincible Youth. Ibig sabihin kasama nanaman niya si Hyomin. Hay!
Pumunta ako sa sala, at naabutan ko si Yuri and Sica na nanunuod. Aba aba! Ang sweet nila nakasandal si Sica sa balikat ni Yul tapos hawak ni Yul kamay niya. Bawal PDA dito lalo na't broken ako! Eish.
"Hoy wag nga kayo PDA!" Tumingin sila sa akin.
"PDA talaga buddy? E nasa dorm naman tayo." sabi ni Yul.
"Kahit na, wala akong lovelife e. PDA parin!"
"Puro kasi pagkain iniisip mo Soo e." Sabi ni Sica.
"Oo nga, ayaw pa kasi umamin kay---" napatigil si Yuri kasi biglang pumasok si Sunny. Tapos ang lapad ng ngiti.
Kaya naman pala, kasama si Hyomin e. Masaya talaga siya.
"Hi Guys, ano pala yung hindi mo natuloy sabihin Yuri? Anong umamin?" Sabi ni Sunny, si hyomin na nasa likod niya nagbabow sa amin. Nagbow din kami pati ako ayoko maging rude sa kanya. Wala naman siya ginawa sakin e.
"Ah wala yun, upo kayo. Maghanda lang kami ni Soo ng maiinom at pagkain. Teka lang sica baby ha." Sabi ni Yul. Ayaw paawat neto! Sabi bawal pda sa harap ko!! Hinila ko na siya papuntang kusina.
Pumunta kami sa kusina, kumuha ng mga ingredients si Yul ako naupo. Wala naman ako maitutulong dito e. Ako pa ang sinama dito, sana si sunny nalang para mailayo kay Hyomin.
"Kesa magisip ka jan ng kung ano, umamin kana kasi!"
"Mahirap umamin Yuri! Alam mo naman yun e."
"Wala naman mawawala kung aamin diba? Sooyoung naman. Isipin mo, paano kung sa pabagal bagal mo maunahan kana. Or worst malaman mo sila na!"
"Yah Kwon Yul! Di pwede maging sila."
"Kung ayaw mo maging sila, make your move! Bahala ka jan lalabas na ako dadalhin ko na ito doon."
urgh!! Ano ba kasi, hindi ko naman akalain na dadating sa buhay namin si hyomin.
ano ba dapat kong gawin? Hay, bumalik nalang din ako sa sala para makipagkulitan sa kanila.
Grabe, napaka OP ko naman dito parang ako lang yung walang kapartner. Aray lang beh!Krrriiinnngg krrinnngg..
Tumingin sila sakin dahil nga tumutunog cellphone ko."Sorry. Sagutin ko lang." Nagnod sila di na ako lumayo.
"Yoboseoyo?"
(Yah Choi Sooyoung!! Bogoshipoyo!!)
"Wait, who's this?"
(So you really forget me huh? It's me Gyuri.)
"Oh mianhe! How are you?"
(I'm fine, can I go there?)
"Yea Sure. Bye See you!"Binaba ko na yung phone lahat sila nakatingin sa akin. Ano nanaman ginawa ko? Kung makatingin sila ah.
"Wae?"
"Sino yun?"
"Ah, si Gyuri. She's back." Masigla kong sabi.
SUNNY's POV
So she's back. The girl she love.
Ang saya niya sa tuwing si Gyuri ang magiging usapan o mababanggit o makikipagkita.Pero pag sa akin para siyang inis!
Bahala nga siya jan, Hindi ko dapat siya iniisip e. Andito naman si Hyomin, di ako iniiwan.
"Sunkyu, kwaenchanayo?"
"Ah, Oo ayos lang ako Hyomin-ah~~" tapos ngumiti lang siya. Nagdadrawing siya ngkung ano e. Pinapanuod ko lang siya.
Tahimik lang siya pag may nakapaligid na iba o pag hindi niya close gaano ang mga kasama niya. Pero pag ako kasama niya napaka kulit niya.
Ang Yulsic ayun di na natapos sa pagiging sweet sa isa't isa. Hindi pa kasi kami nagcocomeback kaya di pa kami busy. Pero kaming apat lang nandito.
Si SeoYoonHyo nasa Mall nagshoshopping ang TaeNy naman nagdedate.
"Sunny-ah~ pwede paabot ng remote? Ayaw ako pakawalan netong itim na to e."
"Yah Sooyeon! Pasalamat ka mahal kita." Nagbleh lang si Sica kay Yul, tapos inabot ko na sa kanya yung remote.
Happy ako for them kasi maayos na ulit sila. YULSIC SHIPPER kaya ako.
Dingdong!
Anjan na ata si Gyuri. Kaya nagmadaling tumayo si Sooyoung. Atat na atat makita Gyuri?
Nangmakapasok na ng tuluyan si Gyuri, nagbow siya sa amin. Hawak ni Soo kamay ni Gyuri, sila ba para maging ganyan sila. Nakakairita ha!
"Ah Sunkyu, pinapauwe na ako ni Eunjung Unnie. Bye Yuri, Sica, Soo. Sorry Gyuri di tayo nakapagusap need ko na umuwi e babye! Bye Sunkyu." tapos nagwave siya ng kamay sa kanila. Hinatid ko siya sa baba.
Wala pa manager niya kaya sinamahan ko muna siya maghintay. Wala naman akong ginagawa e, gusto ko sana sumama sa kanya kaso di naman ako nakapagpaalam kay Sica.
Siya sunod kay Taeyeon kaya sa kanya magpapaalam, kung wala siya sa bahay di ko na kailangan magpaalam. Magtetext nalang ako Tae na umalis ako.
"Sunkyu, kailan ka aamin kay Soo?" Di ako nakasagot agad, nabigla ako sa tanong niya e.
"Ah Eh Hyomin, d-di k-ko alam e. Mukang masa---"
"Sinong nagsabi masaya ako sa kung sino man babanggitin mo?" Napalunok ako ng laway ko, kinakabahan ako.
Di ko muna siya pinansin kasi dumating na Manager ni Hyomin, nagbabye na siya.
Umalis na rin ako, aakyat na sana akong humarang siya sa harap ko. Antangkad niya ha!
Kasama niya si Gyuri sa taas e, bat siya napunta dito? Asar nama e!"Ano tutunganga ka lang jan?"
"Ano ba kailangan mo?"
"Ikaw. Kailangan kita, kailangan kita sa buhay ko. Oo ng cold ko minsan sa iyo, nanjan naman kasi so Hyomin para pasayahin ka e. Pero hindi mo alam kung gaano ako nagseselos! Gusto ko ako lang e."
"Soo...."
"Mahal Kita Sunny, Mahal na mahal!"
"Mahal din kita Sooyoung."
Pagkasabi ko nun niyakap ko siya.
Tears of joy.
"Di ko alam na pati pala ikaw nagiintay ng tsempo na umamin. Iba talaga charisma ko e. Hahahaha!"
"Gusto mo bawiin ko yung sinabe ko?! Yabang neto."
"Joke lang Sunkyu! Hahaha. Tara na sa taas." Aya niya sakin kaya sumunod na ako sa kanya.
Ay teka lang! Nasa taas pa si Gyuri. Napahinto ako kaya nagtaka siya at tumingin sa akin.
Hindi parin ako nagsasalita kaya niyugyug niya ako."Yah Stop it!" pagpapatigil ko sa kanya, kaya tumigil siya.
"Ano ba kasi iniisip mo?"
"Nasa taas pa si Gyuri e. Ayoko makita kayong sweet sa roof muna ako." Tapos binitawan ko kamay niya. Pero hinawakan niya rin.
"Hmp babo, kaya nga nasa baba rin ako hinatid ko si Gyuri biglang tumawag manager niya may emergency meeting daw. Maya di mo siya nakita kasi may dala siya kotse so sa Carpark kami. Tapos pinuntahan lang kita sa labas."
Ah! Kaya pala. Nagpatuloy na kami ulit sa paglalakad namin, hindi na niya ako hinintay sumagot basta hila nalang. Porket mas malaki siya sa akin. Hmp!
Masaya ako kasi hindi lang pala ako ang nagkakagusto sa amin. I mean hindi lang ako pati siya gusto ako.
I love you Shikshin. I love you Danshin.
