Best Day!

662 13 1
                                        

YURI's POV

Goodmorning Sunshine! Ganda ng gising ng KkabYul niyo, kahit sobrang napagod kahapon kaso pero nawalan din dahil sa hindi inaasahan na pangyayari.

Gusto niyo ikwento ko? Hhm! Wag nalang kaya. Baka kiligin din kayo e. Ako hanggang ngayon kinikilig! Pero makwento na nga lang :)

FLASHBACK

Ending na, lahat ng idols naglabasan na. Kami yung last na medyo lumakas pa yung cheer ng mga fans or fandoms dito.

Ang katabi ko ngayon si Sunny tapos nasa likod niya si Sooyoung, tapos nakaakbay sa kanya si Soo. Siguro nagaabang na pag biglang nagkafireworks. Diba nga takot si Sunny sa mga paputok dahil sa war na naabutan niya sa kuwait.

Tulad ng inaasahan ng lahat, nagsimula na magfireworks. Si tinignan ko si Sunny ayun protektado na masyado ng Shikshin niya.

Pero alam niyo yung pinakahindi ko inaasahan yung may biglang yumakap sa akin, sinilip ko at pansin ko si Sica.

Dug dug! Pero ngayon nalang ulit ito, sulitin na niyakap ko narin siya. Napatagal ng halos 2minutes yung yakap hanggang sa kumalas siya, kumuha narin ako ng lakas para kausapin siya.

"Okay ka na ba Sica?"

"Yuri?..." medyo mahina niyang sabi pero narinog ko parin kaya nginitian ko siya.

"Ne? Sorry kung napayakap nadin ako, kasi gisto lang kita maprotektahan din." Medyo hiya kong sabi.

"Eh... Ayos lang. Thank you, una na ako punta ako kay taeyeon." Aalis na sana siya ng pinigilan ko siya.

"Thank you lang?" Medyo nagtatala na siyang tumingin sa akin.

"Isang ngiti naman Sica oh. Miss ko na ang ngiti mo e, yung ngiti na para sa akin lang."

"Thank You Yul.." tapos ayun, ngumiti na siya ng hindi fake ha.

Kung hindi lang masyadong madami tao dito nagtatatalon na ako kasabsy ng puso ko!

END

Oh panis kayo diba, grabe namiss ko ngiti niya na hanggang sa panaginip niya nagpaulit ulit iyun. Yung matamis niyang ngiti.

Feeling ko nasa heaven na ako nung oras na yun e, hay Jessica! Hindi kita susukuan talaga, sakin lang ang Ice Princess.

"Daydreaming ka nanaman Yuri." Sabi ni Tiffany na kakagaling lang sa CR.

"Ikaw ba naman yakapin kagabi kahit hindi sadya, kung yung taong mahal mo naman. Aba! Nginitian pa ako, Nasa cloud 9 na ako." Sabi ko with feelings at yakap sa unan.

"Kalandi mo, tara na kakain na tayo."

Tumayo na ako sa kama ng may buong sigla, sana magtuloy tuloy na ito. Para lagi ko na siya makitang nakangiti ulit.

Pagdating namin ni Tiffany bungi bungi na yung upuan, wala na si Hyoyeon, Sooyoung at Sunny.

Pero hindi na kami nagtanong halata naman na sa schedule nila sila pumunta e. Ako wala pa schedule ngayon bukas pa, photoshoot sa 1stlook.

"Kayo na bahala dito sa maiiwan, may comeback stage pa ako para SM Ballad." Bilin ni taeyeon tapos tumayo na sa upuan niya, pero bago umalis tumingin pa kay sica. Ano nanaman gagawin niya?

"Pag naboring ka, tumawag ka kay oppa. Pasundo ka tapos pahatid ka doon. Alis na ako bye." Tapos humalik pa sa noo, kailangan humalik pa ha! Napahigpit ako sa hawak kong kutsara at tinidor e.

"Okay Taenggu, Ingat ka." Nginitian nalang siya ni taeyeon saka umalis nalang. Tinignan ko siya tumahimik na at nagpatuloy sa pagkain.

Tapos bumaling narin ako kay Tiffany na halatang nagseselos narin.

"Unnie, alis narin kami ni Seohyun." Sabi ni Yoona.

"Teka, sabay na ako." Walang gana na sabi ni Tiffany. Napatingin ako sa natira dito. Paktay tayo jan uy! Kaming dalawa lang naiwan.

Teka lang, gusto ko to mangyari pero hindi ako handa uy! Bumalik kayo dito, paano ba ito?

Magsasalita na sana ako kaso wala na sila, ang bilis naman nila magsialisan. Madaling madali lang ang peg?

Ingay ba guys? Ganun talaga kami ni Sica pag kami natira sobrang ingay namin tapos sobrang awkward din ng atmosphere! Ang saya no?

Palihim ako tumitingin sa kanya para naman hindi niya alam na tinitignan ko siya, baka sabihin oa neto naiinlove ako sa kanya. Pero totoo naman!

"May sasabihin ka ba?" Ha? Ako ba kausap neto? Malamang yuri! Kayong dalawa nandito sa dorm niyo ngayon. Babo!

"Ah?eh? W-wala." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Wala? E kanina ka pa tingin ng tingin." Paano niya nalaman yun, aba ibig sabihin tinitignan niya din ako.

"Ah wala yun, may gagawin ka ba?"

"To be honest, wala." Medyo ang cold niya makipagisap sakin, pero ayos lang atleast kinakausap! Hahaha.

"Gusto mo manuod ng movie?"

"Okay lang."

"Osige tara nood tayo."

Tumango nalang siya tapos sabay kami pumunta sa sala, sinet up ko yung papanuorin namin siya nakaupo lang sa sofa.

Hindi ko nga alam mung saan ako uupo e, kung sa sofa kami baka imbis na sa movie ako magfocus mapunta sa kakaisip na katabi ko siya.

Kaya sa huli, sa baba niya nalang ako naupo.

Ang movie na papanuorin namin Insurgent, wala na kami ibang mapili na palabas e. Pumayag narin naman siya na kahit ano lang basta daw may magawa.

Plinay ko na yung movie ng maramdaman kong gumalaw siya para mahiga yata, yung ulo niya nasa bandang ulo ko lang. Kasi nararamdaman ko ng medyo medyo yung hininga niya kasi nakasanda din yung ulo ko sa sofa na paranhmg ginawang unan.

Kinakabahan ako na hindi malaman, umiwas na nga ako na tumabi sayo mas malalaman naman yung nangyari.

Pero choosy pa ba ako? Minsan nalang kami magkalapit ng ganito e. Tska miss na miss ko na siya gusto ko na siya halikan yakapin at makatabi sa pagtulog. Makita mukha niya bago matulog at pagkagising sa umaga.

"Yuri, bat niya pinatatanggol yung babae?" Bigla niyang tanong? Ha? Eh? Hindi ko alam isasagot hindi ko naman maintindihan kasi iniinvade mo utak ko.

"Ah siguro mahal niya?" Medyo di ko sigurado sagot ko.

"Kung ganon ang swerte nung babae."

"Sobra, pero mas swerte ako kasi binigyan ako ng chance ng babaeng mahal ko na patunayan sa kanya na mahal ko siya." Bigla kong sagot sa kanya, totoo naman swerte ko kasi nagkaroon ako ng pagkakataon ulit.

Aba hindi na sumagot, dahan dahan ako lumingon palikod. Nagtama ang mga mata namin wala na kahit sino ang sumisira sa titigan na nagaganap sa amin ngayon.

"Jessica, Mahal kita. Mahal na Mahal Kita. Wag moko susukuan please, patutunayan ko na karapat dapat moko bigyan ng second chance."

"Yuri, kahit na hindi tayo. At iniipon mo pa ulit tiwala ko kahit binabalewala kita, Hindi ko maitatagong mahal padin kita." Sumagot siya pero umalis na din.

feeling ko nagstop yung oras at nagpaulit ulit sa utak ko yung sinabi niyang mahal padin niya ako.

Mahal padin kita.
Mahal padin kita.

"OH YEAH!" Napatalon na ako sa sobrang saya ko.

Isang pang dahilan para hindi sumuko.
Ipaglalabam ko itong nararamdaman ko para sayo Jessica Jung! Babalik din tayo sa dati Baby ko.

---------

Oh hanggang dito na muna! Hindi ko na maeedit kasi gustong gusto niyo na ng UD e. At antok narin ako Kakauwe ko lang galing debut. Medyo banggag pa ako.

Btw, hope you like my UD!
GOODNIGHT!

My Seobang, My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon