JESSICA's POV
Nakakapagod itong araw na ito, sobrang saya namin. Dito parin ako umuwe sa bahay namin. Miss ko na si Seoba---
Sh*t! Sa sobrang busy ko ni isang text wala na akong nasend na kanya. Kinuha ko cellphone ko, isang text lang galing kay Yuri natanggap ko. inoff niya ba talaga phone niya?
Bahala na nga, binuksan ko na yung text niya.
Fr: Seobang
I saw your pictures on the internet with him, and you look totally fine. At mukhang masaya ka naman kaya hindi na ako nagaaalala, Ingat sa paguwe niyo.
Pabo Jessica! Bakit ba sa dinami daming taong pwede mong kalimutan si Yuri pa?! Yung taong mahal mo pa ang kinalimutan mo!
At paanong may picture kami ni Suho sa internet, e wala naman akong napansin na kumukuha ng litrato sa amin at nakadisguise ako paano nila ako nakilala!? Anu bayan!
Nagmadali akong magreply sa kanya.
To: Seobang
Yuri-yah~ still up? Sorry, I'll make it up to you. Promise. Goodnight. Saranghae.
Tinitigan ko phone ko, nagiintay sa reply niya. Pero imbis na reply matanggap ko tawag mula sa kaniya kaya sinagot ko kaagad.
"Yuri, Mianhe."
(No, It's okay. Busy ako bukas kaya di tayo makakapagkita.) Ang cold ng boses niya, parang iniiwasan ako.
"Sama nalang ako sayo?"
(Andwae, Matulog kana. Need ko narin matulog, Goodnight. I'll hang up. Bye.)Binaba na niya agad yung call, galit ba siya? Nagseselos? Ano? Kung ano man lumabas sa news, sa net alam niya naman na hindi totoo yun kase siya naman mahal ko.
Ano na gagawin ko? Hindi pa naman ako marunong manuyo. At mahirap po suyuin ang Kwon Yuri ko. Hay bahala na nga!
------
(Kinabukasan)
Umuwe na ako sa dorm namin, pero pagkadating ko wala si Yuri. Ang taeny lang at si hyo ang nandito, maski sila alam na yung scandal na kumakalat. Kaya pinaliwanag ko sa kanila.
Nakwento pa nila na hind daw nila nakausap ng ayos si Yuri kanina, siguro selos na selos daw. Yung picture daw kasi nakaakbay sakin si Suho tapos ang saya namin may isa pa doon nasaktohan na nakakapit ako sa braso niya. Papasok kami sa restaurant, pinakita narin nila sakin yung comments. Yung iba masaya, yung iba hindi.
Isa ako sa hindi masaya syempre! Magkaaway kami ni seobang dahil sa media na yan, at dahil narin sa akin. Kundi naman ako gumanon kay suho at nagtetext parin ako sa kanya hindi magkakaganun si Yuri.
Hindi nila alam din kung nasaan si Yuri, tinanong daw nila ayaw naman sabihin. Tinawagan nila si Manager Oppa, wala naman schedule si Yul ngayon. Baka nasa Yuchiri siya, kaso wala ako kasama wala si Soo at Sunny. Hays!
To: Seobang
Seobang, Sorry na. Uwi kana please. Ayusin na natin to oh. Miss n kita, andito ako sa dorm wait kita. I love you, ingat ka kung nasaan ka man.
"Jessi, Pahinga ka muna sa kwarto niyo." sabi sakin ni tiffany na kanina pa ako sinasamahan dito.
"I'm fine Tiff, sige na baka may gagawin pa kayo ni Taeng ayos lang ako."
"No princess, di ka namin iiwan dito. diba baby fany?" sabi ni taeng.
"Oo Jessi, dito lang kami ni Tae tae ko."
hindi ba nila alam dahil sa presence nila mas namimiss ko si Yuri ko? :( tama ba naman kasi na maglambingan pa sa harapan ko. mga baliw naman itong dalawa e.
tinext ko ulit si Yuri nagbabaka sakali lang.
To: Seobang
Seobang-ah~~ Where are you? I'm still waiting here, hope you'll reply. PLEASE?
sent.
beep beep
From: Seobang
Hi Sica. Pauwe na ako.
waaahhh! pauwe na ang seobang ko. kaya napangiti na ako, makikita ko narin yung Kkab Yul ko!
"Hoy ang creepy mo! wag ka ngumiti ng magisa jan!" sabi ni hyo.
"Eh pauwe na si Yuri, nagtext narin siya sakin."masaya kong sabi.
"Buti naman, oh iwan ka na namin dito. anjan naman si hyo." sabi ni taeyeon, tapos umakyat na sila ni Tiffany sa kwarto nila. gagawa ng milagro yung dalawang yun.
"Sica, paano pag nalaman na ng public itong mga relasyon natin? handa ka ba isakripisyo yung relasyon niyo ni yuri para sa career mo?" biglang tanong ni Hyo, nagulat ako sa tanong niya.
hindi ako nakasagot agad, iniisip ko pa kung ano nga ba talaga gagawin ko? pag binitawan ko si yuri tuloy ang pagiging member ng GG for sure ganun din si Yuri, at ganon din sa iba. kaya pwede parin namin ituloy kaso mas mahihirapan kami kung hindi magkakaintindihan.
Pero mas ayokong mawala sa akin si Yuri, handa na siguro ako naabot ko na ang pangarap ko na maging singer. ang pangarap ko na ngayon ay ang makasama si Yuri habang buhay.
"Hindi, mas handa na akong isakripisyo ang career ko para kay Yuri. Siya na ngayon ang pangarap ko. Mas gugustuhin ko makasama siya habang buhay kesa sa maging singer habang buhay."
Sigurado na ako doon.
YURI's POV
Bumalik na ako ng dorm, kasi sabi ni sica naghihintay daw siya sa akin doon. Oo na may selos parin ako, kailangan ko parin ng explanation galing sa kanya.
Pumasok ako ng dorm tapos narinig ko na may naguusap sa sala, kaya di muna ako nag pakita. dahan dahan lang ako para di nila marinig na andito na ako.
"Hindi, mas handa na akong isakripisyo ang career ko para kay Yuri. Siya na ngayon ang pangarap ko. Mas gugustuhin ko makasama siya habang buhay kesa sa maging singer habang buhay." kilala ko ang boses na yun, paano ba naman hindi ko makikilala boses ng babaeng mahal ko yun. bigla akong nakaramdaman ng kung ano sa puso. Yung pakiramdam ng galak na galak.
Pumasok na ako sa loob at nagpakita sa kanila, tumingin agad sila sa akin. tinignan ko si sica at nginitian ng bahagya, lumapit siya sa akin at yumakap.
medyo pakipot pa ako kaya hindi ko pa siya niyayakap, kahit gusto ko dahil namiss ko rin siya no. Lalo na yung panlalambing niya sa akin, yung pagiging clingy.
"Yuri-yah~ Galit ka pa ba sa akin?" tanong niya sa akin.
"Sa kwarto tayo mag usap, Hyo akyat lang kami ha." pinilit ko na maging cold sa harap niya pero nung nakayuko siya ngumiti ako kay hyo. alam niya na yun.
"Sige, pag may kailangan kayo dito lang ako sa baba." nakangiti niyang sabi.
hinala ko si sica papunta sa kwarto namin, hindi parin siya natingala tahimik lang. natatakot ata e, iba naman kasi ako pag nagalit ako e. hindi naman na ako galit sa kanya e, dahil sa narinig ko.
ng makapasok kami. hinarap ko siya sa akin, inangat ko ang mukha niya, inilagay ko ang kamay niya sa leeg ko at hinawakan ko ang bewang niya. medyo nag tataka na yung mukha niya.
Hinalikan ko siya sa labi, hanggang sa pareho ng gumagalaw ang mga labi namin. humigpit na ang kapit niya sa leeg ko.
Ng maubusan na kami ng hininga, pinaglayo na namin ang labi namin at nagtitigan.
"Akala ko galit ka seobang e." malungkot niyang sabi.
"Hindi ako nagalit, nagtampo lang at nagselos. pero nung narinig ko yung sinabe mo kanina nawala lahat. at scandal lang yun, rumors to be exact.'Coz you are mine, only mine."
"Paano mo narinig? nakita kita nung tapos ko na sabihin yun ah."
"Dahan dahan ako pumasok kasi nung bumukas yung pinto narinig ko na may naguusap sa sala tapos yun nung medyo lumapit ako narinig ko lahat ng sinabe mo." nakangiti kong sagot sa kanya.
"I love you Kwon Yuri."
"I love you too Jessica Jung."
![](https://img.wattpad.com/cover/48684656-288-k288798.jpg)