Start

1.1K 24 0
                                    

CHAPTER 6

JESSICA's POV

Nakabalik na ako ng dorm, magaling naman na ako kaya ko na gumalaw kaso kailangan parin ng alalay. 1 week din ulit nawala si Yul dahil sa activity niya sa Japan.

Pero nakabalik na siya kahapon. Hindi pa kami naguusap ulit pero I'll make sure na makapagusap na kami pag kagising niya.

"Urgh, sakit ng ulo ko. Hay!" Sabi ng bagong gising na si Yuri.

"Inom ka ng gamot." Napatingin siya sakin bigla, nakalimutan siguro niya na roommate kami.

"A-ah e-eh, di na. Okay lang ako."

"Yuri, pwede naba tayo bumalik sa dati? Sorry, sorry talaga. Nagalit ako sayo sa bagay na di mo naman ginawa." Biglang tumulo luha ko,siya hindi parin nagsasalita.

Kaya tumalikod nalang ako baka ayaw niya na talaga magkaayos kami.

Patuloy lang ako sa pagiyak, hangga't sa naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.

"Hindi naman ako galit, ayos lang. Tahan kana ayoko ng nakikitang umiiyak ang Princess ko." Malambing niyang sabi, nagblush ako bigla sa sinabe niyang Princess niya ako at sa pwesto namin.

"Sorry Yul."

"Ayos lang. Pwede bang magstay muna tayo ng ganito, kahit 5minutes lang. Sobrang namiss kasi kita, hindi ko man lang nagawang alagaan ka."

"Umalis ka kasi e, atska feeling ko hindi ka rin naman dadalaw. Dahil sa nangyari."

"Sica, lahat ng sinabe ko totoo. Hanggang ngayon mahal parin kita, pero pilit ko ng kinakalimutan ayoko na masira pa ulit pagkakaibigan natin. Isipin mo nalang na wala nangyari at bumalik na tayo sa dati. Miss ko na ang Yulsic at sigurado ako pati Fans natin miss na tayo."

"Gagawin ko lahat Yul, just give me time to adjust."

Hindi na siya sumagot inalis niya na ang pagkakayakap sa akin at tumayo na. Mas mali ba akong nasabi, at bigla siyang nagkaganyan. Ano nanaman ginawa ko?

YURI's POV

Okay na kami ni Sica, pero kailan kami babalik sa dati? Puro nalabg hintay ang ginagawa ko ah.

Hindi na ako sumagot sa huli niyang sinabe, inalis ko nalang yakap ko sa kanya at tumayo. Lumipat ako sa kama ko at dumapa. Wala naisip ko lang baka may biglang pumasok makita kaming ganon, baka kung ano pa isipin.

"Bakit ka umalis sa tabi ko?"

"Baka may biglang pumasok makita pa tayong ganun, ano pang isipin. Sige na, lumabas kana pala doon kumain kana. Matutulog lang ako."

"Hhmm.. okay."

Maya maya pa ay nakatulog na ako.

Yurii... Dito!

Sabi ng batang babae sa kabilang dulo ng kalsada.

Naghaharutan kasi kami, habulan ba. Pero ako taya ngayon. Kaya ako ang nahabol, nakakapagod naman to. Bilis kasi tumakbo.

Tumakbo ako papunta sa kanya, siya ang bilis parin ng takbo ng bigla siyang tumawid at sa di inaasahan may biglang sumulpot na kotse at nabunggo siya.

Tumilapon siya sa malayo, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam gagawin ko, nakita ko lahat ng pangyayari.

Dahan dahan ako lumapit sa kanya at lumunod sa harap niya, nagsimula ng pumatak ang namumuong luha sa mata ko.

Tinitigan ko siya. Duguan siya.

Hanii! Gumising ka, wag mo akong iwannn.... lakasan mo loob mo dadalhin kita sa hospital! Tulungan niyo ako!!!!

Yuri wag na, di ko na kaya. Magpakabait ka ha? Nasa tabi mo lang ako palagi.

Yun ang huli niyang sinabe sa akin at pumikit na.

"HAANNNIII!!!" bigla kong gising, at napaupo ako agad, Hani? Hani, bestfriend ko. Miss na kita.

Napasapo ako ng ulo ko, umiiyak na ako namiss ko na siya. Siya yung unang babae na minahal ko bago ko makilala si Sica. Dahil kay Sica bumalik ako sa dati. Pero walang makakaalis kay Hani sa puso ko...

"Yuri! Ayos ka lang ba" biglang pasok nila Soo, lahat sila nandito na sa kwarto ko. Ang bilis ah?

"Ah Oo, nanaginip lang ng masama pero ayos lang ako."

"Kala ko kung ako na nangyari sayo e, Tara sa sala nanunuod kami ng movie." Sabi Hyo.

"Sige sunod ako, maglilinis lang ako katawan."

"Osige, sunod ka kaagad Unnie ha?" Sabi ni Seo, ngumiti lang ako at umalis na sila.

Pagkalabas nila, pumasok na ako sa CR. Hinayaan ko na umagos sa katawan ko ang malamig na tubig.

Hani-yah, miss na kita. Sana nandito ka sa tabi ko nga yon o sana hindi mo nalang ako iniwan, edi sana hindi ako masasaktan ng ganito kasi diba pangako natin walang iwanan hangga't buhay tayo. Pero ang aga mo naman akong iniwan e.

Gusto mo ba na sundan na kita jan? Pero syempre ayaw mo diba, sasabihin mo sakin may dahilan para ipagpatuloy ko ang buhay ko. Ganyan ka naman e. Pero basta kahit di kita nakikita, dito ka lang sa tabi ko ha?

Hay how I wish na nandito ka parin, papakilala ko sayo sica ha? Pero di pa ngayon. Nexttime!

Lumabas na ako ng CR at sinuot ang favorite shirt ko na bigay ni Sica, may nakaprint na Mickey mouse.

Dumeretso ako sa sala at naupo sa tabi ni Yoona. Tumingin siya sakin at nginitian ako. Ganun din ginawa ko.

"Yul anjan ka na pala! Natapos na namin yung isang movie ganda kamo." Sabi ni Hyo.

"Oh talaga Hyo! Galing nun ahh!!" Pangaasar ni Soo. Walang hiya talaga to! Nakatikim tuloy siya ng unan ng wala sa oras. Loko loko kasi e, Hahahaha!

"Tumigil ka Soo! Baka sabihin ko kay Sunny na wag ka pakainin ng isang linggo!!"

"Bunny di mo kaya gawin yun diba?" Sabi ni Soo kay Sunny, tapos nakapout pa. Kadiri, pero nakangiti ako.

"Tigilan mo kakapout mo, mukha kang palaka." Cold na sabi ni Sica.

Silenceeee~~~~~

"Huwaw! Para ako napunta ng library saglit ah, library sa gitna ng antartica!" Asar nanaman ni Soo.

Hahaha! Lakas mambwisit to e, nakaglare na si Sica sa kanya ayaw parin tumigil.

"Tama na yan, mukhang gusto ka ng balatan ng buhay ng Ice princess natin oh!" Sabi ko.

"Natin o Mo? Hahahaha!" Letseng Soo ito! Ano ba nakain neto.

Binato ko siya ng una, pero dalawa ang lumanding pati pala si sica binato siya.

"Ay soulmate, sabay bumato! Hahahaha!"

"Soo tumigil ka na nga. Hindi na natin naintindihan yung palabas!" Saway ni Taeyeon.

Tumigil na siya sawakas, focus at tahimik na ulit ang lahat. Pumunta ako saglit sa kusina para uminom ng tubig.

Makatambay nga saglit dito, nakakaantok yung palabas e. Sinubsob ko yung mukha ko sa lamesa.

Nakakainis si Soo, lakas mangbwisit e. Nahihiya na ko kay Sica. Ewan ko ba bakit! Ang awkward parin namin. Argh!

"Huy, sa kwarto mo na ikaw matulog sasakit likod mo jan." Sabi ng Prinsesa ko, kahit hindi ko siya makita boses niya palang alam ko ng siya iyun.

Kaya inangat ko ang mukha ko at tumingin sa mata niya, ang mga mata niya na bumihag sa puso ko ang labi niyang gusto ko titigan lalo na pag nakangiti at pisnge niya na gusto kong hinahaplos.
I miss touching her face.

Tumayo ako sa harap niya, at kinuha kamay niya dinala ko siya sa kwarto namin.

"Sica, I love you."

My Seobang, My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon