JESSICA's POV
Bakit? Bakit bumalik siya?! No, bakit nandito ulit siya? Wala na siya e. Bakit nagbalik siya!? Paano nangyari yun! Nakita ko, nakita kong nawala siya!
Pero bakit nagbalik pa siya!? Paanong nabuhay ulit siya!? Bakit kung kailan masaya na kami saka naman nagsisidatingan yung nga problema!?
Bawal na ba maging masaya!?
Urgh! Hindi ko alam kung nasaan ako, hinayaan ko lang na hilain ako ng humila sa akin. Hindi ko pa alam kung sino ito, basta alam kong hindi si Yuri. Dahil narinig ko pa siyang pinagsalitaan yung lalake. Paano ko ito masasabi kay Yuri? I know naman na alam niya na, pero di niya kilala na siya na yun.
"Sica..." tinaas ko na ang ulo ko, at nakita ko nadin ang humla sa akin.
"Taeyeon*sob* bumalik na ulit siya, nabuhay siya?" Hindi siya nagsalita, niyakap niya lang ako.
Hindi ko mapigilan ang luha ko, hindi ko alam kung bakit nasasaktan parin ako. Hindi ko na siya mahal! Si Yuri ang mahal ko.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang bumalik lahat, yung masasayang araw namin yung malungkot. Yung panahon na sobrang sweet at lambing niya.
Pero hindi sinaktan niya ako! Naghanap siya ng iba, niloko niya ako...
"Sica, Taeyeon." Walang emosyon ang boses niya, kaya nagkalas agad kami ni Taeyeon. Pinunasan ko ang luha ko bago humarap sa kanya.
"Sino siya." Ang cold na aura ni Yuri na ayokong nakikita o ipakita niya sa akin.
"Yuri, this is not the right time." Hindi ko alam ang sasabihin ko pero yan nalang ang lumabas sa bibig ko.
"Yeah Right, tulad ng sabi niya wag nalang daw ako mangealam. Ano mo ba ako? Kaibigan? Para magtago ka sakin. Nasaan na ang pangako natin na magiging open tayo sa isa't isa? Napunta kay Taeyeon na may alam ng lahat ng tungkol sayo?"
"Yuri, hindi sa gan--"
"Hindi sa ganon!? Eh ano!! Sino ba siya!?!?"
"Siya si Clark!! Yung taong minahal ko!! Masaya kana alam mo na?!"
YURI's POV
Hinanap ko sila Sica, sa buong venue ng pinagshoshootingan namin.
Ng makita ko sila magkayakap sila, at halatang umiiyak si Sica dahil sa paghikbi niya hinihimas himas lang ni Taeyeon likod niya.
Hindi na ako nagtakang ganon sila kalapit, na pati mga sekreto ni Sica siya ang may alam. Ano ba ako kay Sica? Akala ko kilala ko na siya, Hindi parin pala andami niyang tinatago sa akin.
"Siya si Clark!! Yung taong minahal ko!! Ano masaya kana alam mo na!?" Napatigil ako, dahil ang alam ko patay na siya pero mas napatigil ako sa pagsigaw niya at sa sinabi niya.
Ano bang nagawa ko para sabihin niya na ikasasaya ko ang pagkaalam ko kung sino yung taong yun? Sa tingin niya ba magiging masaya ako pag nalaman kong nagbalik yung dati niya mahal? Hindi niya ba naisip na ikalulungkot ko yun? Ikatatakot?
Dahil sa pagtahimik ko, at sa iniisip ko naramdaman kong may tumulong luha sa aking mata. Pinunasan ko agad yun dahil ayoko maging mahina sa harap niya.
"Yuri... I'm sorry, I didn't mean it." Sabi niya na medyo may takot sa boses, takot na baka galit ako. Hindi ako galit. Nasasaktan ako.
"No, I'mfine. Babaeng Kaibigan mo lang ako yun ang totoong ibig sabihin nun para sayo diba?" Sandali akong huminto at tumingin ay taeyeon. Alam kong sa kanya lang pupunta si Sica.
"Taeyeon, ikaw na bahala sa kanya habang ganyan siya. Tutal ikaw ang may alam ng lahat." Aalis na sana ako para lumayo na sa kanila nahihirapan na ako magpigil ng luha.
Nakatalikod na ako ng yakapin niya ako mula sa likod ko.
"Seobang*sob* don't leave me please. Stay with me." Please, don't cry. Mas masasaktan ako.
"Yuri, alam ko man ang lahat tungkol sa kanya. Pero hindi ako ang makakapagpagaan ng loob niya, wag mo siyang iwan Yul." Sabi naman ni Taeyeon sabay alis.
Hinayaan ko muna maging ganon ang pwesto namin, hinayaan ko siya yumakap sa akin baka sakaling gumaan nga ang loob niya.
Paano akong makakalayo neto kung ayaw niya ako bitawan? Napayuko na ako, hindi ko na napigilan ang luha ko.
"Yuri, please stay with me." Umiiyak parin siya, basang basa narin ang likod ko.
"If I stay, will you stay?" Napakalas siya sa akin, ibig ba sabihin nun hindi niya kayang magstay para sa akin? Tapos ako pinagsstay niya.
"Sino ba kasi nagsabi sayong iiwan kita? Bumalik siya, pero hindi ibig sabihin nun babalik ako sa kanya." Hinarap niya ako sa kanya, inangat ang mukha at pinunasan ang mata ko. Ngayon at magkatitigan kami.
"Sica, wag moko iiwan please. I love you."
"I love you too Yul. I won't, so please stay with me also."
"Hindi ko hahayaan na makuha ka niya sa akin Sica. Pag nakita ko ulit siya, bubugbugin ko agad. O kaya ibabalik ko sa kabaong!"
"Kanina lang iiyak iyak ka ngayon gaganyan ganyan kana, haha! Hay seobang ikaw lang talaga makakapagpagaan ng loob ko." Sabi niya habang hinahaplos haplos ang pisnge ko. Kaya napangiti na ako.
Wala ng nagsalita sa amin pareho, nagtitigan nalang kami. Gusto ko man siyang halikan di ko magawa dahil sa may makakakita. Mapicturan pa kami at manews.
Dapat ko baguhin sarili ko, parati nalang akong nasuko pag ganito. Dapat maging malakas ako tulad ni Sica, umiiyak man siya pero hindi siya sumusuko.
"Tama na yan uy, andito lang kami pag wala ka hindi namin hahayaan na may makalapit sa kanya." Napalingon kami sa nagsalita at nakita silang lahat na nakangiti sa amin.
"Siguraduhin niyo ha, hoy Im Yoona. Anak ka lang ha, wag kang aaligid. Baliw ka e!"
"Hahahaha! YUL APPA NAMAN! Joker nanaman, seohyun lang sapat na." Sabay tingin kay Seohyun.
"Boom may jejemon dito Hyo, sayaw mo nga! Hahahaha" biro ni Soo, pero sumayaw parin si Hyoyeon. Mga baliw talaga e.
"Nga pala, nacancel nadin yung susunod na shoot kaya pwede na tayo umuwi." Sabi ni Tiff, mabuti nalang nacancel na dahil ang mata namin ni Sica maga na. Pero bakit na cancel.
"Bakit daw?"
"Si clark, pinacancel niya." Ha?! Si Clark bakit sino ba siya para mapacancel niya yung shoot namin.
"Taeyeon, paano niya naman napacancel?" Tanong ni Sica.
"Siya ang isa sa head ng Casio, tinanong ko din ibang staff. Matagal na pala siyang nasa ibang bansa. We need to talk in private, tapos ikaw na magkwento kay Yul." Sabi ni Taeyeon.
"Mamaya na sa dorm. Uwi na tayo, antok na ako."
"Ayun nasaniban na si Sunny ni Sica. Hahaha!"
"Tara na."
Hinawakan ko na kamay ni Sica, at umalis na kami sa venue halatang di parin siya okay pero gagawin ko ang lahat wag lang yun makalapit sa kanya.
Hindi ko hahayaan na masaktan pa siya ulit.
Stay with me Sica, And I will stay for you.
----
Lame UD
tataka na siguro kayo kung bakit puro ayaw sila after ng masasayang araw nila.
Well, ganun naman sa real life diba? At may dahilan din ako, yun ay para magkaroon tayo ng Book 2 kung gusto niyo! :D
![](https://img.wattpad.com/cover/48684656-288-k288798.jpg)