YURI's POV
Months had passed, at kami ni Sica ganun parin mas lalo siya nagiging sweet, clingy. Syempre gusto ko naman siya na ganun. At medyo busy din dahil sa mga photoshoot niya.
Ang Taeny at si Seo naman focus ngayon sa taetiseo comeback nila kaya si Yoona ayun laging mag isa. Wala naman na kasi siyang drama ngayon tapos ni.
Ang SooSun Couple, parehong busy si Sunny sa pagiging Radio Dj tapos si Soo lead actress sa isang korean drama.
Si Hyoyeon ba ka nyo? Ayun busy sa mga sports activities niya nagsSki siya ngayon, pero minsan imbis na training ang puntahan si Min ang pinupuntahan kaya napapagalitan ng coach niya. Landi kasi e. Hahaha!
Ako abala ako ngayon kay Sica!
"Baby! Gising na, dadalhan na kita jan ng Cucumbers na favorite mo sige ka!" Sigaw mula sa baba, Oo sa totoo lang minuminuto ko na ginigising yan simula kanina.
May photoshoot kasi siya ulit para sa cosmopolitant. Pag di pa siya gumising ngayon sure akong late na siya.
"Gising na ako Yuri! Magaayos na ako! Promise wag mo lang ako dalhan ng cucumber!" Sigaw niyang sagot.
"Siguraduhin mo lang kundi, aakyatin na talaga kita jan. Bilisan mo na!!"
Hindi na siya sumagot baka nagayos na, takot kasi yun sa cucumbers.
"Aga aga nagsisigawan kayo." Medyo pagod na sabi ni Soo na kakadating lang mula sa shooting niya.
"Oh Soo, kain ka muna madami naman ako nailuto kung sakaling biglang may dumating."
"Talaga!? Grabe, kanina pa ako gutom." parang batang di pinakain ng ilang linggo kung magsalita e. Hahaha!
"Salamat sa pagkain!" Tapos kumain na siya. Hay this shikshin will never change.
Habang kumakain si Sooyoung, bumaba na yung Baby ko kaya kumain narin kami.
Ihahatid ko siya sa photoshoot niya tapos dederetso na ako sa MBC, mag MC ako doon.
Ng matapos kami kumain inihatid ko na agad siya sa pagshoshooting nga niya dahil malapit na siyang malate.
"Sica baby, di na ako bababa. Kailangan ko narin dumeretso sa MBC."
"Ganun ba Seobang? Osige, Ingat ka ha." Pagkasabi niya nun, pababa na siya kaso pinigilan ko siya.
"Sica, I love you. Tandaan mo palagi yan ha? Kahit ano mangyari."
"Yuri para ka naman mawawala. Pinapakaba moko, sige na. Baka mahuli ka pa, I love you too. Ingat ha!" Nagnod nalang akonsa kanya at bumaba na siya.
Nagdrive na ulit ako, Chill lang naman ako magdrive di ako mabilis. Para sa safety ko narin.
Pero di ko inasahan ang 100% safety, syempre kahit gaano ka kaingat meron parin na hindi maingat sa pagdadrive.
Stop, Go! Pinaandar ko na ulit ang kotse ng biglang may sumulpot na isa pang kotse sa gilid ko.
No one's POV
Tumilapon ang sinasakyan na kotse ni Yuri, nagpaikot ikot ito. Pero iisa lang ang nasa isip ni Yuri, yun ay si Jessica.
Tinulungan ng mga dumaan si Yuri, nung una nagulat sila dahil isang Idol ang nainvolve sa aksidente.
Pero nagmadali silang dalhin sa malapit na hospital si Yuri, sugatan ito walang malay pero nahinga pa.
Nabalitaan narin ng buong member ang nangyari kay Yuri, kaya nagmadali silang lahat. Maski si Sica na itinigil ang photoshoot makapunta lang agad kay Yuri. Iyak siya ng iyak.
TAEYEON's POV
Nandito nanaman kami sa hospital, nung nakaaraang buwan andito kami dahil si Jessica ang nabungo. Pero hindi tulad ng kay Yuri ang tinamo niya.
Napagalaman namin na ang kotse na nakabunggo kay Yuri ay kotse ng nagnakaw sa Jewelry Shop kaya ganun kabilis ang pagpapaandar at tumilapon ang kotse ni Yuri.
Sa ulo napuruhan si Yuri kaya natatakot kami baka makalimutan niya kami, lahat ng pinagsamahan namin baka makalimutan niya.
"Yuri! Kakasabi ko lang, magingat ka. Pero di mo ginawa." Sabi ni Sica habang naiyak, kanina pa siya naiyak simula nung dumating siya dito. Ginawa na namin lahat para patahanin siya pero wala parin e.
Nasa loob pa ng emergency room si Yuri. Hindi pa namin alam ang nangyari, Dumating nadin naman ang magulang ni Yuri hindi sila naiyak, pero alam ko na nagpipigil sila.
Yuri, alam ko malakas ka at hindi ka susuko. Please lumaban ka, andito kami nagiintay para sayo.
"Baby, dalhin mo muna sa roof si Jessi." Sabi ni tiffany sakin, nag nod ako sa kanya.
"Jess, tara sa roof. Pahangin tayo." Hindi siya sumagot, kaya inakay ko na siya papunta sa roof ng hospital na ito.
Wala na siyang lakas, nanghihina na siya.
Pagkadating namin sa roof, inupo ko siya saka niya naman ako niyakap agad.
"Taenggu, bakit ganon? *sob* Kung kailan okay na okay na kami masaya na kami*sob* saka naman nangyari ito."
"Princess, magtiwala ka kay Yuri. Magiging maayos ang lahat. Mabubuhay si Yuri. Tumahan kana, ayaw niya makita ka ng ganyan paggising niya. Mas magaalala yun."
Beep beep.
Fr: Mushroom
Tae, Nasa recovery room na si Yuri. Room 512, pakainin mo muna si Sica bago mo siya dalhin dito, baka lalo soya manghina pag nakita niya lagay ni Yuri at pag nalaman niya ang lagay ni Yul.
Nagstay pa kami ng sandali dito sa roof, ayaw pa umalis ni Jessica e. Dito palang hinang hina na siya paano pag nakita na niya si Yuri ulit?
"Princess, kain na tayo tapos punta na tayo sa kanila."
"Ayoko Taeyeon, Hindi ako gutom."
"Magagalit si Yuri! Makinig ka naman Jessica!! Pag gumising si Yuri, sa tingin mo ba gusto niya na namayat ka?! Sisisihin niya sarili niya pag nakita niya lagay mo!"
"T-tae." Medyo kabado niyang sabi. Aish! Bat ba kasi di ako nakapagpigil!? Ayoko lang naman makita siyang ganoto e.
"Sorry Sica, kung nasigawan kita. Ayoko lang ng nagkakaganito ka, nahihirapan din ako at nagaalala pero ayoko muna intindihin ung akin. Andito lang kami. Please kain na tayo."
Nagnod nalang si Sica, kumain na kami at pumunta kay Yuri.
Ng nasa tapat na kami ng room ni Yuri, Huminto si sica halatang ayaw niyang makita si Yuri na ganun ang lagay.
Tumingin siya sa akin, sinenyasam ko na okay lang. Kayanin niya. Binuksan ko ang pinto at pumasok kami, nakayuko pa si Sica.
Nakita ko na si Yuri, nanghina tuhod ko. Ang dami niyang galos sa katawan at mukha. Kung titignan mo siya para na siyang walang buhay.
Tinignan ko si Sica, Nagulat ako ng nakaluhod na siya at yakap yakap ni Yoona.
"Unnie, Everything will be fine." Sabi ni Yoona habang naiiyak, Umiiyak nanaman si Sica.
Lumapit sakin si Tiff at yumakap sakin kaya niyakap ko din siya, lahat sila malungkot at di mapinta ang mukha.
"we still don't know kung kailan siya gigising, hindi rin alam ng doctor kaya pwedeng macoma siya. At may possibility na magkaamnesia daw siya." Sabi ni Sunny ng nakayuko.
Wala magulang niya umuwe para kumuha ng gamit. Bakit nangyari ito? Hindi pwedeng makalimutan ni Yuri ang lahat, kami at lalong si Jessica. Mas mahihirapan na siya.
Yuri please be okay.