Mysterious Guy

626 9 2
                                        

JESSICA's POV

Andito na kami sa Venue. Nagaayos na at nagpapalit na para makapagumpisa na kami sa pagshoshoot. Gold and Black ang motif ng damit namin ngayon, pero simple lang sadyang mangingibabaw ka talaga.

Inaayusan ako ngayong ng stylist namin, ng lapitan ako ni Taeyeon.

"Hi Princess." Bati niya, yung salamin ang naging way para magkatinginan kami. Tapos nakangiti siya na parang nagpapahiwatig na gusto niya ako bigyan ng lakas.

"Hi Taenggu." Nginitian ko rin siya.

"Namiss mo ako no? Abot tenga ngiti mo e. Hahaha!"

"Bakit di mo ba ako namiss?" Malungkot kong tanong sa kanya.

Nakangiti parin siya, at sinenyasan si Unnie na tumigil saglit pinagbigyan naman siya at umusog unti. Pumunta naman siya sa likod ko at niyakap ako, she's so sweet right?

"Ako paba hindi ka mamimiss?" Nakatingin niyang sabi sa akin pero sa salamin parin.

Napangiti nalang ako, at bahagyang pinalo ang braso niya. Medyo nagsmirk lang siya at kumalas na. Nagpaalam narin siya agad kasi humiram lang siya ng saglit na oras kay Yuri at Tiffany para makausap ako. Bakit kailangan pa niya gawin yun? Yung danshin na yun talaga.

Ng nawala na siya sa paningin ko, inayusan na ulit ako ni Unnie. Malapit na kami magumpisa magshoot kaya tinapos na agad ni Unnie yung buhok ko at make up.

Simple lang make up ko, ayoko ng masyadong heavy. Naka gold skirt ako then black tank top na may polkadots na design.

"Hi." Isa pa itong, nagpapalakas ng loob ko at nakakapagpangiti sa akin wala pa siyang ginagawa niyan. Boses niya lang makita ko lang siya mapapangiti nalang ako.

"Let's Go?" Sabi niya, kaya tumayo na ako. Hindi na ako kumapit sa kanya magkasabay nalang kaming naglalakad.

Lumingon siya sa akin kaya nginitian ko, ngumiti din siya tapos lumapit sa akin. Nagblush ako bigla kasi ang lapit ng mukha niya sa akin tapos ang dami pang tao.

"You're so beautiful Baby." Gahd, ang husky ng voice niya tapos ngumiti pa siya sa akin bago lumayo. Hindi ko alam kung nangaakit ba e.

Hindi ko nalang muna pinansin, kailangan ko magfocus sa shoot.

YURI's POV

Natapos nadin ang shoot na kaming lahat, ngayon isa isa naman. Nakakaenjoy ang mga shoot lalo na pagkasama mo buong grupo. At yung taong mahal mo. Hahaha!

Alam niyo ba na napakaganda niya? Grabe! Nangingibabaw siya, idagdag niyo pa yung nakaw pansin niyang S Line. Uwaahh!

Siya pala nakasalang ngayon, every pose she does makes me drool. Grabe, wala talaga ako masabi sa girlfriend ko hindi ko maalis ang mata ko sa kanya.

oh! That's good. Let me see the fierce Jessica.

Sabi ng Director, iba talaga ang baby ko.

"Nakapagipon na ako ng isang basong laway mula sa bibig ni Yul! Ano gagawin natin dito?" Sabi ni Soo, nakakunot noo naman ako.

"Painom mu ulit sa kanya. Hahahaha!" natatawang sabi ni Hyoyeon.

Aba mga walang hiya, ako nanaman napagtripan ng mga ito. Tinitigan ko silang dalawa, pero wala tawa parin ng tawa. Tapos nakaramdam ako ng braso sa balikat ko kaya nilingon ko kung kanino iyon.

"Ganda niya no?" Sabi nito habang nakatitig kay Sica ko. Hindi ako sumagot kasi nagsalita ulit siya.

"Ligawan ko na kaya siya? Papayag naman siya siguro, After all I resemble you." Seryoso nitong sabi, hindi niya tinatanggal titig niya kay Sica. Naguguluhan tuloy ako sa sinasabi nito parang totoo kasi e.

Nang makakuha na ako ng lakas at natauhan nagsalita na ako.

"Yah Im Yoona!" Sigaw ko sa kanya, na nakapagpatigil sa shoot ni Sica at napunta sa akin ang atensyon.

Shit lang, napalakas sigaw ko.

"Ah, he he he! Sorry."

"Let's take a break guys!" Saktong sigaw nadin ng director.

Tinignan ko si Yoona, tawa ng tawa kasama yung dalawa na naunang mangasar. Mga bwisit talaga ito, lakas ng mga topak lagi e. Lagot kayo sa akin pag nakatsempo ako ng ganti.

Natigil na ako sa pagiisip ng may humawak sa kamay ko, at tinignan ako sa mata para tanungin kung ano ang nangyari.

Makita ko lang mukha niya nawawala na inis at badtrip ko at nakakalimutan ko pangttrip ng mga baliw na yun. Nawala nadin sila sa paningin ko ng dumating si Sica.

"Wala yun, pinagtripan nanaman ni---"

"Hi Jessica." Napalingon kami sa boses na tumawag sa kanya.

Pagharap namin lalake ang nakita ko, akala ko si Yoona nanaman na manttrip o kaya isa doon sa dalawa kanina. Sino naman kaya itong isang to.

Tinignan ko si Sica, na medyo gulat ang mukha. Medyo malala pa nga e, parang nakakita ng multo.

Bago pa ako makapagsalita at tanungin yung lalake, bigla ng dumating si Taeyeon.

"Huy, tara sa dressi----" napatigil din si taeyeon ng makita niya yung lalakeng nakatayo sa harap namin ngayon.

What the hell is happening here?

Hindi nadin nagsalita si Taeyeon, pero hinila niya si Sica palayo doon. Di ko maintindihan kung bakit niya ginawa yun, ano ba meron?

Tinignan ko yung lalake, ngayon nakayuko na siya at tumalikod na handa ng umalis. Pero hinabol ko siya at pinigilan.

"Who the hell are you? Bakit nagkaganon sila nung nakita ka nila?!" Medyo nataasan ko ang boses ko nung natanong ko siya, I don't want to be rude pero ng makita kong ganon si Sica. Paiyak na siya e. Ano ba niya ito?!

"You don't know me."

"That's why I'm asking!" Tanga lang! Kaya nga tinanong ko e.

"Kung ako sayo wag kana makisali."

Tapos umalis na siya, na lalong mas nagpagalit sa akin dahil sa sinabi niya. Sino ba siya? Ano ba connection niya kay Sica!?

At paanong di ako sasali, Girlfriend ko ang involve dito tapos wag na ako makasali. Kung pwede ko lang isigaw sa mukha mo na Girlfriend ko siya ginawa ko na, pwe!

Wag ko lang makikitang lumapit o malapit ka kay Sica. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, kahit hind ko pa alam ano ang meron kayo ni Sica. Hindi ko hahayaan na may manakit sa kanya.

--

Sino kaya yung lalakeng nagpakita kay Jessica? At tila napatigil siya. Ano relasyon niya kay Sica?

Bakit pati si Taeyeon nagulat ng makita niya rin yung lakake, kilala niya din kaya ito?

Stay tune! :)

----

Sorry now lang nakapagupdate si Author Busy, Birthday ng Lola kahapon e. Sorry for making you wait guys!

#SEMBREAKNANIAUTHOR! :)

My Seobang, My BabyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon