Yuri's POV
2 years later
Nadisband na ang grupo namin, and 2years ago nung araw na umalis ako sa dorm hindi ko akalain na mas makakapagpalala pa sa sitwasyon. Nagalit si Yoona at Sooyoung kay Jessica.
pero hindi namin alam kung isa yun sa dahilan ng pagalis niya sa grupo kinabukasan. Kaya naguiguilty yung dalawa nung una.
Si Taeyeon, medyo tumahimik nung umalis na si Sica. Pero alam ko may contact parin siya kay Sica. Dalawang taon narin ang nakaraan simula nung huli ko siyang nakita. Hindi ako alam kung saan siya nagpunta, tinatanong ko minsan si Taeyeon pero hindi niya sinasabi.
Naging padalos dalos ako sa desisyon ko noon. Nasaktan ko siya, at nasira ko din ang pangako ko sa magulang niya.
Pero mukhang okay naman siya, naitayo niya na ang fashion line na gustong gusto niya. Blanc and Eclare, at nagkaroon narin siya ng instagram na lagi kong iniistalk kung saan saan na siya nagpupunta pero hindi ko parin siya mahahanap o makita. Ganon parin siya, walang pinagbago.
"Tahimik mo Yul ah." Sabi ni Sooyoung.
Nga pala, nagkaroon kami ng Reunion. Si Taeyeon Solo Artist na pati rin si Tiffany, At tuloy parin ang TaeTiSeo. Minsan nalulungkot daw sila pagcomeback nila dahil kulang na kulang daw sila kaya minsan napagiisipan na nila magdisband din pinipigilan lang namin. Si Sunny ayun tuloy tuloy parin ang pagiging Radio DJ. Si Yoona at Sooyoung into acting parin sila, si Hyoyeon naman naengage na sa sport. Ako, host/mc sa mga music bank. Kaya minsan namimiss ko ang pagpeperform.
"Huy!"
"Sorry."
"Ano ba iniisip mo ha?" Tanong ni Hyoyeon.
"Wala naman, pagod lang ako."
"Nakakamiss magperform no?" Sabi naman i Sooyoung.
"Oo nga e." Pagsasangayon namin lahat.
Bago pa may makapagsalita, biglang bumukas yung pinto ng resto. At parang isang instinct lahat kami napatingin sa pumasok, hindi ko alam kung bakit kami napatingin lahat basta nalang parang may nagbaling ng ulo namin sa papasok.
Nung nakatingin na kaming lahat, ramdam kong lahat kami nagulat natahimik sa nakita namin. Hindi ko akalain na dito pa tayo pagtatagpuin ng tadhana, napatingin siya sa amin siguro dahil sa napansin din niya kami.
Pero ni ngiti hindi niya ginawa, talagang tinignan niya lang kami walang emosyon. Sobra namin siyang nasaktan, dahil wala man lang nagpigil naghanap sa kanya. Tinignan ko si Yoona at Sooyoung, may luha ng kumawala sa mata nila siguro lahat ng ginawa nila bumalik nanaman.
"Princess!" Sigaw ni Taeyeon, at tumayo para lumapit kay Sica. Nginitian siya neto na ikinagulat namin lahat.
Hinila niya papalapit si Sica, sa table namin. Nagkatitigan kami pero umiwas din siya agad at tumingin sa ibang member.
"Hi, kumusta kayo? I didn't expect to see you here."
"We're fine Jessica. You? How's your fashion line?" Tanong naman ni Tiffany sa kanya.
"Thanks God, Maganda ang sales." Ramdam ko sa boses ni Sica na CEO na talaga siya ng isang business dahil sa pagsasalita niya.
"Unnie..." sabay na sabi ni Yoona at Sooyoung, dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanilang dalawa.
"If you're going to say sorry, Don't do it. I forgive you." Ngumiti nadin siya ng bahagya sa dalawa, yumuko naman yung dalawa. Halatang pinagsisihan na talaga nila ginawa nila.
"I need to go, It's nice seeing you guys again."
"Wait, Can I go with you?"
"Yea Sure."
Si taeyeon yung sumama sa kanya, nagpaalam siya kay Tiffany at humalik sa labi nito. Sila parin pero hindi mahigpit si Tiffany dahil kahit ganyan si Taeyeon alam niya di siya sasaktan sadyang miss niya lang ang bestfriend niya.
Hindi man lang niya ako kinausap pero masaya kong makita ulit siya.
Napabugtong hininga nalang ako. Hhmm!
Masaya narin naman ako ngayon sa meron ako, pero balang araw sa tamang panahon babawiin kita ulit Sica. alam ko pagtatagpuin pa tayo ni Lord. At pagdumating na yung araw na yon sisiguraduhin ko ng maibabalik ko ang nakaraan, at babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sayo.
See You Again Jessica Jung.
