Conditions

677 12 0
                                        

YURI's POV

Nandito na kami ni Taeyeon sa Rooftop, dahil gusto niya daw ako makausap. Ganon din naman ako gusto ko siyang makausap para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.

Naupo kami sa papag dito nakaindian seat kami tapos magkatapat kami, I can tell that she is really serious now by just lookingat her eyes.

I know she really cares about Sica. Kaya ganyan nalang niya kaprotektado si Sica at kaalaga.

"Kumusta na?"

"Ayos lang, masaya dahil na ayos nadin ang lahat." Tapos na higa ako para tignan ang langit na puno ng bituin. Ngayon lang ako nagkaroon ulit ng oras para tignan ang makinang na bituin.

Masasabi kong okay na nga ang lahat.

"Yuri, alam ko ayos na kayo. Pero may hiling ako at sana tuparin mo." Tinuon ko sa kanya atensyon ko.

"Ano yun?"

"Una sa lahat, mahalin mo si sica ng buong puso. Pangalawa, ayoko makita pa ulit siyang umiyak at Pangatlo wag na wag mo siyang sasaktan."

Tinitigan ko siya, ramdam ko sa kanya ang malamig na aura niya nung sinabi niya yun. At alam kong gusto niya matupad ko yungmga sinabi niya. Pero ano meron bakit ganito siya? Pero isa lang masasabi ko.

"Taeyeon, Hindi na mauulit yun. Pero teka naguguluhan nadin ako. Bakit ka ganyan makapagbigay ng condition? Na parang may nangyari."

"Ayoko na ako ang magsabi sayo ng nakaraan niya. Wag mo rin siya pilitin, hayaan mo magkusa siya na sabihin iyun sayo."

Ano kaya yun? Pero tama siya hahayan ko nalang si Sica kasi privacy niya parin yun kahit paano. Hindi ko dapat siya pilitin.

"Taeyeon Sorry sa lahat ha. Salamat sa pagaalaga kay Sica, and now that she's mine again ako na bahala sa kanya." Tapos nahiga ulit kami dalawa sa papag, si tiffany parin pala roommate ko hanggang ngayon.

"Ayos lang yon, naiintindihan ko."

Hindi na kami sumagot, nanahimik nalang kami at tinignan ang kalangitan na sobrang dilim at tanging buwan at bituin lang ang liwanag neto.

Una, Pangalawa at Pangatlong kahilingan ni Taeyeon. Tatandaan ko yun, at ayoko rin makitang umiyak o masaktan pa ulit si Jessica.

Mahal ko siya, katumbas ng pagmamahal ko sa pamilya ko. SiJessica ang babaeng nagparamdam sa akin kung ano ba talaga ang totoong pagmamahal.

---------

Umaga na pala, nagising ako sa sinag ng araw dahil sa nakabukas na kurtina. Unti unti ko binukas ang mata ko.

Hay, natagalan pa kasi kami ni taeyeon kagabi e. Kundi pa kami sinundo nila hyoyeon, siguro inabot na kami ng umaga doon. Masyado kami nagenjoy sa pagkwekwentuhan na hindi na namin napansin ang oras.

"Unnie?.." sabi ni Yoona na nakasilip sa pintuan ko.

"Oh Yoona bakit?"

"Ah Unnie, maglunch na kasi e. Labas kana daw sabi ni Sica Unnie."

"Ah osige, lalabas na ako."

Umalis na si Yoona, hala ka buy. Tanghali na pala akala ko umaga palang.

Pumasok ako sa Banyo at naghilamos tapos tinali ko buhok syempre hindi ba ako nakapaglilinis ng ulo e. Pero mabango parin ako no.

Bumaba na ako, at nakita ko si Sooyoung papasok palang ng dorm. Saan kaya galing to?

My Seobang, My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon