YURI's POV
nang mawala na sa paningin ko sila Jessica, napahawak ako sa ulo ko. Feeling ko babagsak nanaman ako anytime pero hindi nangyari dahil sa naalalayan agad ako at inupo sa sofa.
Pinahinga ko ang ulo ko sa sofa at pumikit. Ano ba nangyayari sa akin? Anong meron kay sica? Bakit sa tuwing naalala ko siya sumasakit ang ulo ko?
Nung araw na nakita ko ang larawan namin nahimatay ako at nagumpisa na magflash lahat ng hindi ko malaman na event na nangyari sa buhay ko.
Ano ba meron sayo Sica? May kinalaman ba sayo yung mga alaala na dapat kong maalala?
"Yuri-yah? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tiffany sa akin. Dinilat ko ang mata ko at tinignan siya, bakas sa mata niya na nagaalala siya. Tumingin ako sa ibang parte ng sala wala na sila kaming dalawa nalang natira.
Hinawakan ko ang mukha niya na ikinabigla niya, hindi ko alam kung ano meron sa akin pero gusto ko lang hawakan ang mukha niya.
Nginitian ko narin siya, ngumiti din naman siya ng bahagya na parang kinakabahan.
"I'm fine Tiffany, don't worry. Can you stay with me for a while?"
"Sure." Pumikit ako at humiga, Ginawa kong unan ang hita niya habang siya pinapadaan ang kamay sa buhok ko na parang sinusuklay ito.
Naging komportable na ako sa pwesto ko, nawala narin ang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko kamay ni Tiffany, hinayaan niya na ako na hawakan iyon.
I have this feeling, that she's the one who appears in my dreams. I think I just conclude that it is Jessica dahil sa mga kinikilos niya. After all, I like tiffany.
Kung hindi lang sila ni Taeyeon siguro naligawan ko na si Tiffany, pero ayoko siya agawin kay Taeyeon.
Selos lang siguro ng bestfriend ang naramdam ko kanina kay Sica at Taeyeon. Teka si tiffany hindi ba siya nagselos sa dalawa?
"Tiffany."
"Hhmm?"
"Hindi kaba nagseselos kay Taeyeon at Jessica?"
"Nagseselos syempre, pero may tiwala ako kay Taeyeon at Jessica. Alam kong hindi nila ako sasaktan. Mahal ako n----" Natigil siya dahil sa ginawa ko.
Tumayo ako na para bang may nagpagalaw sa akin para akong kinontrol ng kung sino at bigla siyang hinalikan sa pisnge. Pero ng marealize ko ang ginawa ko, lumayo ako ng dahan dahan at tinignan siya halata sa mata niya ang pagkagulat.
"Tiffany, I'm sorry. I did not mean it. But I think I like you Tiffany."
"Yu-yuri, mali ito. Kami ni taeyeon siya ang mahal ko, siya lang."
Para akong nasaktan, pero naglakas loob ako na halikan siya. Pilit niya akong tinulak pero di nagtagal huminto din siya at nagresponse sa akin. Naguguluhan man ako pero ayoko matapos ang oras na ito.
Pero bigla kaming napatigil ng marinig ang familiar na boses.
"Nakabalik na ka---" nahinto siya sa sasabihin niya ng makita kami bigla kami napahiwalay ni Tiffany. Tinignan namin sila. Halata sa mata niya na nagpipigil lang siya ng galit.
"Tae..."
TAEYEON's POV
Hindi namin inaasahan ni Jessica ang nadatnan namin sa pagdating namin sa dorm.
Si Yuri at Tiffany na naghahalikan, hindi ko alam kung anong expression ang ipapakita ko. Sakit ba? Galit? O lungkot? Hindi ko alam.
"Tae..." that voice, the voice of the girl that captures my heart. The girl that broke my heart.
![](https://img.wattpad.com/cover/48684656-288-k288798.jpg)