JESSICA's POV
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako, o totoong may nakayakap sa akin. Feeling ko naman kasi gising diwa ko pero ayoko dumilat.
Kinapa ko nalang yung katawan ko, at may nakapaka ako. Kaya bigla akong napadilat!
Nilingon ko nung may ari ng braso, at nawala yung pag kaOA ng reaksyon ko kasi si Yuri lang naman. Nakalimutan ko roommate ko pala siya.
Chinerish ko nalang yung ganitong moment, hindi ko siya ginising kasi feeling ko matagal pa bago maulit ulit ito.
Tinitigan ko lang siya, namimiss ko na ang labi niya. Ang ngiti niyang matamis na para sa akin lang, ang hawak ang mukha niya.
Yung isiksik ying ulo ko sa leeg niya bago kami matulog, ang dami ko ng namiss na gawin o gawain namin ni Yuri.
Hay, Yul. Bilisan mo naman kasi no! Masyado ka ng natutuwa sa pagkawala ng alaala mo e. Makapikit na ng lang ulit, para mas may feels!
Pero maya maya pa naramdaman ko na humihigpit ang yakap ni Yuri, nararamdaman ko na ang hininga niya. Medyo nagbablush narin ako.
Kaya imbis na itulog ko ulit, gigisingin ko nalang siya.
"Yuri-yah?~"
"Hhhmm?"
"Ah ano kasi e... hindi na ako makahinga sa yakap mo." Palusot ko lang yun pero kinikilig lang ako. Parang iba kasi eto e, parang yung naguumpisa palang kami. Tapos naaappreciate ko lang agad ngayon.
"Ha?" Dinilat niya mata niya, medyo nagfroze siya saglit tapos gumalaw din at napalayo sa akin.
"S..sorry Sica. D-dko alam." Medyo nahihiya niyang sabi.
"Lagi ka nalang nagsosorry, ayos lang yun no."
Yung ayos ng kama kasi namin magkadikit na, kaya magkatabi na talaga kami. Hindi na namin inayos kasi ayos lang naman daw sa kanya na ganito nalang kami.
Medyo lumayo na siya sakin, nakapikit parin siya. Di ko alam kung tulog o sadyang pumikit lang e.
"Sica." Bigla niyang salita, nakapikit nga lang siya.
"Bakit?"
"May dapat ba ako maalala? Kasi sila soo lagi nalang ako tinatanong kung may naaalala na ako e?" Tanong niya, hindi alam kung ano isasagot ko. Kasi gusto ko sabihin na, oo yul. Madami kang dapat maalala.
Pero ayoko na ipaalala sa kanya ng sapilitan, kung di na niya maalala. Wala na ako magagawa. Pero umaasa ako.
"Wala naman Yuri, Siguro nagtatanong lang sila talaga. Alam mo na para siguro mapagusapan niyo mga kalokohan niyo dati."
"Pero Jessica, may napaginipan ako nung nasa hospital pa ako. Nagpropose ako sa isang babae." Nagulat ako sa sinabi niya, parang gusto ko na yakapin siya at sabihin ako yung babaeng yun. Gusto ko umiyak.
"At kahapon nung nahimatay ako, may babae din akong napanaginipan. Sobrang sweet namin, lagi kaming magkasama. Kaso kasi ang blurred nung mukha nung babae. Gusto ko malaman kung sino yun."
"Yurii...." tumingin siya sa akin, di ko alam kung sasabhin ko naba. Kaso pag sinabe ko ba tatanggapin niya pa, o gusto niya lang talaga makilala kung sino yung babaeng yun. Pero paano kung wala naman na. Bahala na nga.
Magsasalita na sana ako ulit, kaso biglang bumukas yung pinto. Tinignan ko agad kung sino, at nakita ko si Taeyeon.
Tumayo ako agad para yakapin siya. Doon na tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung luha ng saya ito dahil kahit paano may naaalala siya kaso di niya alam na ako yun. Oo luha ng lungkot kasi hanggang ngayon hindi niya alam na ako yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/48684656-288-k288798.jpg)