YURI's POV
Ang sarap matulog pagkomportable, at pag may nakayakap sayo na parang bata na ayaw pakawalan yung unan niya. Hahaha!
NagCheck In lang kami sa hotel ni Sica, kasi anong oras narin kahapon ayaw na niya umuwi sa dorm delikado na daw. Kaya eto kami ngayon.
Paano kaya ako makakagalaw? Paano ko ito mapaghanda ng breakfast. Magising na nga lang tutal anong oras narin.
"Baby, Gising na po." Tapos inalog ko siya ng medyo dahan dahan lang.
Pero wala, di man lang gumalaw. Para siyang patay na e. Pero syempre hindi patay baby ko. Sadyang sleepy head lang.
Kiss ko nalang baka magising. Kiniss ko siya ng kiniss medyo gumagalaw na siya pero di parin nadilat, aba aba oh. Gustong gusto niya talaga ng kinikiss ko siya e.
"By, alam ko gising kana. Adik ka na talaga sa halik ko ha. Paano pagnawa--- aray! Kakagising mo lang nananakit kana." Kasi naman, kinurot yung tagiliran ko kung saan nakayakap yung kamay niya.
"Sino kasi nagsabi sayo na mawawala ka ha?" Nakapikit niyang sabi.
"Joke lang e, pakawalan mo na po ako."
"Bakit ko gagawin yun? Baka kunin ka ng iba." Ano ba to? Magluluto lang ako, kiniss ko siya sa noo muna.
"Magluluto lang ako Baby, hindi ko sinabeng pakawalan moko na as in break. Ayoko nun. Hahaha!" Tinignan niya ako, tapos kumalas na. Tinalikuran pa ako. Baliw talaga ito. Kiniss ko muna ulit ng ilang beses.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina, nagluto ng breakfast ham and bacon. Tapos magfried rice nalang din ako.
Beep beep...
Sino naman kaya magtext ng ganitong oras.
From: Taeyeon
Yuri, what time kayo babalik? May schedule pa tayo. Si Jessica kumusta?
She really cares about Jessica, iba talaga si Taeyeon pero masaya ako anjan siya nung panahon na wala ako sa tabi ni Sic kahit na napakastrict niya noon sa paglapit ko kay sica.
To: Taeyeon
Pabalik narin kami, magbreakfast lang kami. Ayun tulog pa ayaw magising.
Sent.
Beep beep.
From: Taeyeon
Okay, Ingat sa pagdrive ha.
Tinapos ko na yung pagkain namin ni Sica, para makauwi na kami may Sched pa kami. Photoshoot para sa Casio G shock.
Nilapag ko yung mga plato sa lamesa tapos inayos ko narin yung mga pagkain.
"Seobang...." sabi niya habang naka yakao sa likod ko.
"Hhmm?" Ang lambing nanaman neto, kinalas ko yakap ko sa kanya para makaharap ako sa kanya. Tapos hinawakan ko yung mukha niyang nakapout na ngayon.
Sabi sainyo napaka adik na neto e. Binigyan ko nalang siya ng smack.
"Upo kana By. Para makakain na tayo."
"Parang ansarap ah.." habang umuupo niyang sabi.
"Ikaw lang naman ata di marunong magluto sa atin e. Hahaha!"
"Yah!!"
"Joke lang, sige na kumain kana jan. Pinapabalik na tayo ni Taeyeon."
Nagnod nalang siya at nagsimula ng kumain. Tinitigan ko lang siya habang nakain, ano kayang gayuma pinainom sa akin neto at sobrang inlove ko sa kanya. Hay Jessica. Iba ka talaga e!
JESSICA's POV
Napapansin ko si Yuri, nakatingin lang sa akin habang nakain ko. Pero hindi ko na muna siya pinansin kasi nagugutom ako.
Ang saya namin kagabi at ngayon syempre, umpisa palang ng araw ko puro na halik galing sa kanya natanggap ko.
Oo na adik na ako sa halik niya, pero atleast doon ako naaadik at hindi sa illegal na gamot diba?
Beep beep... aba may nakakaalala pa pala s amin kahit paano? Haha. Tinignan ko ung nagtext.
From: Soojungie
Tumingin ako kay Yuri, at sinabeng si Soojung. Tumango siya at kumain na ulit.
Unnie, nasabi mo na pala kay Mom at Dad. Congrats. I love you Unnie, See you tmr? Please!
Lambing nanaman ng Dongsaeng ko oh.
To: Soojung
Thank you Soojungie, Okay See you tmr. Nado Saranghae. Mall tayo magmeet ha.
Sent.
From: Soojung
Gomawo Unnie! Annyeong.
"Ano daw yun?"
"Nalaman niya na kasi na alam na nila Dad yung about satin, at gusto makipagkita sa akin bukas."
"Ah. Oh ubusin mo na yan ha. Ligo na ako."
Umalis na siya at nagtunggo sa CR.
Taeyeon Calling...
"Taeyeon-ah~~~"
(Easy there Princess, You better hurry up. Okay?)
"Ne Taenggu, naliligo na si Yuri."
(Okay, See you Princess.)-----
Nakabalik na kami ni Yuri sa Dorm, lahat sila nakaayos na. Nagpalita lang kami ni Yuri ng damit papunta sa Venue kung sa kami magshoot para sa Baby G. Couple couple nanaman ang magkakasama.
Nakwento ko narin sa kanila na pumayag si Mom sa amin, masaya silang lahat dahil hindi kami tinutulan. In fact pa nga daw nauna pa silang bumanggit ng kasal. Dahil dun nagtawanan kami.
"Umma, kami ni Seo papayagan mo na ba magpakasal?" Tanong ni Yoona, nanahimik kaaing lahat sa biglaan niyang tanong. Tapos tinignan namin si Seo namumula. Pero natawa din kami dahil sa sumagot.
"Yoona naman, di mo naman sinabe sa akin na gusto moko pakasalanan. Kaso di pwede e. May Sunny ako. Sorry..." Walang hiya talaga itong si Sooyoung! Hahahaha.
"Hindi ikaw! Si Seohyun ang tinutukoy ko. Kadiri ka!"
"Makakadiri! Lugi ka pa ba sa akin ha!"
"Oo pag nagsama tayo ubos pera natin sa pagkain kaya ayoko sayo!"
"Hoy! Shikshins tumigil na kayo. Mga orangutan kayo." Sabi ni Yuri.
"Huwaw musta naman ang kabayong itim?" Sabi ni Soo!
"Hahahahahahhah! Bwisit, Kabayong Itim!" Sabi ni Hyo.
"Hoy pandak!!" Pagkasigaw niya nun nanahimik lahat, tapos apat kaming nagglare sa kany, well 4 kami na danshin dito napasama pako sa kanila kasi mas matangkad ng unti sakin si Tiff kaya si Tiff ang nasa gitna.
"Ayusin mo yang bunganga mo Yuling ha!" Sabi ni taeyeon sa kanya. Haha. Inaway na, napakamot nalang si Yuri e.
Magsasalita pa sana sila para mangasar kaso dumating na si Manager.
"Nasa tapat palang ako rinig ko na asaran niyo. Tara na mga pasaway."
naglakad na kami palabas ng dorm, nagaasaran parin sila. Napakaingay e. Ako nakahawak lang ako sa braso niya pero nangingiti ngiti ako sa kanya dahil ang cute niya pagnakikipagasaran sa shikshin at dancing queen.
Ang swerte ko sa grupo ko at syempre kay Yuri.
Mawawala ang saya ko pag nawala sila sa akin.-------
Hi Guys! Di na sabaw utak ni Author niyo.
Nafefeel ko na ang pagtatapos neto. Thank you sa dalawang reader ko na laging nahinge ng UD.Sana tangkilikin nyo din yung Love or Hate na bagong storya ko. Uumpisahan ko na siya pagtapos nito. :)
Gomawo!
