YURI's POV
Anong oras na nakabalik sila Taeyeon kagabi, tulog narin si Sica, kay sooyoung niya pinabuhat. Hindi ako ang tinawag niya. Pero inihiga parin sa kama namin.
Hindi parin ako naalis sa tabi niya, tagal gumising e. Anong oras na. Umikot siya paharap sakin at niyakap ako.
Kung gising siguro ito kanina pa ito wala sa tabi ko, Oo na nakalimutan ko na siya nung anjan si Jiyeon. Minsan lang naman kasi kami magkasama e.
"Sicababy, Gising na tanghali na po oh" malambing kong gising sa kanya. Nagunat na agad siya at unti unti minulat ang mata.
Nang marealize niya ako katabi niya, tatayo na sana siya agad. Kaso pinigilan ko siya.
"Baby Sorry na, Minsan ko lang siya makasama e"
"Edi doon kana, bitawan mo na ako."
"Ayoko, Sorry na. Hindi na po mauulit. Promise! Sorry na talaga baby ko."
"Alam mo, kung hindi lang kita mahal. Di ako magseselos e. Oo na bestfriend mo siya, mas nauna siya. Pero alam mo ba najan din tayo galing ha?" Seryoso niyang sabi. Nakatalikod parin siya sa akin. Hinigpitan ko yakap ko sa kanya. Nagsisisi na ako e.
"Sorry na po Baby, Please? Mahal na mahal kita. Wag kana po magalit, o magselos."
"Oo na, Sige bumaba na tayo baka hinahanap na tayo." Seryoso parin siya. Cold ng baby ko, may selos parin na natitira ito e.
Bumaba na kami pero hawak ko na kamay niya, dumeretso kami sa dinning area. Mukhang okay na silang lahat, kami nalang hindi. Hawak ko man kamay niya pero ramdam ko may natitira pang galit.
Nagkatinginan kami ni Jiyeon, ngumiti lang siya mukhang gets niya naman na e.
Naupo kami, katabi ko sa kanan si Sica sa kaliwa si Jiyeon. Doon sana ako sa upuan ni Sica na katabi si Taeyeon pero inunahan na ako agad e.
"Taenggu, salamat kagabi." nakangiti niyang sabi.
"No worries Princess. Kumain na kayo. Una na kami, libot ko lang Asawa ko. Bye Princess, bye guys. Tara na?" Princess talaga? Yung totoo, bestfriend lang e. Princess na talaga so ano siya prince? Anak naman ng tipaklong yan.
Umalis na sila, kaming natira dito kumakain naguusap usap kami pero si Sica di nakikisali.
"Baby, ano magsasalita ka lang pag nanjan si Taeyeon?"
"Eh ikaw masaya ka lang pag anjan si Jiyeon." Napatingin silang lahat sa amin.
"Eish, Sorry na nga kasi Baby. Kanina pa ako nagsosorry e." tapos nagpout ako sa harapan niya.
"Ewan ko sayo Yuri." Tapos tumayo na siya sa upuan niya at umalis.
Ano ba gagawin ko sa babaeng yun? Hirap naman amuhin e. Buti pa sila bati bati na kami hindi parin.
"Ikaw naman kasi Yuri, Porket andito lang ako kinalimutan mo siya. Baka pati sakin galit na yun. Kung ako din nasa lagay niya selos din ako. Pinilit kita kahapon na puntahan siya ayaw mo." Oh ayan, pinagalitan na ako ng Nanay ko. Hahaha!
"nagsosorry na nga ako e, jan nga muna kayo puntahan ko lang siya."
Hinanap ko siya sa buong bahay, pero wala siya. Wala naman ibang sasakyan dito. Hindi pwede makaalis siya at nandito pa lahat ng gamit niya. Saan na kaya yun?
Lumabas ako ng Villa, pumunta ako sa tabing dagat. Hinanap ko siya doon, tinignan ko sa kubo wala naman. Pumunta ako sa dulo ng shore dito. At yun, doon ko nga siya nakita nakaupo. Nakatingin sa malayo, Naguiguilty na tuloy ako e.
lumapit ako ng kaunti sa kanya, pero hindi pa ako nagpapakita sa kanya nagtago ako si likod ng puno. Maya maya pa sumigaw siya.
"Uuurrrgggghhh! Kwon Yuri! Eish!! I hate you!!!!" Galit talaga ang baby ko.
Lumapit na ako sa kanya at niyakap siya, nagulat siya sa ginawa ko kasi nga naman magisa lang siya tapos biglang may yayakap sa kanya.
"Sica-yah~~ Do you mean it? Do you really hate me?"
"babo." Tumulo luha niya sa braso ko, hinarao ko siya sa akin at pinunasan ag luha niya.
"Mianhe SicaBaby. Bawi ako, sorry na. Bati na tayo ha?" Tapos niyakap ko siya, niyakap niya narin ako pabalik.
"Balik na tayo doon? Tagal mo na nawala e, baka nagaalala na sila."
Tumayo na siya at kumapit sa bewang ko, inakbayan ko naman siya. Mabagal lang kami maglakad. Chinecherish namin yung moment syempre, iba pala pakiramdam pag nagaway kayo tapos nagkabati. Parang sobra ko siyang namiss..
Mas hinigpitan ko akbay ko sa kanya dahilan para mas mapadikit siya sa akin. Tiningala niya ako at nginitian ako. Nginitian ko din siya. Namiss ko agad ngiti niya. Kahapon habang tinitignan ko sila na naglalaro sa tubig nagselos ako kaya ganun lang din ako nagalit.
"Sica, I love you." Bigla ko nalang nasabi sa kanya yun.
"I love you too." Tapos hinalikan ko siya sa kabi ng matagal. Tapos inulit ulit ko, siya naman lumalayo na pero lumalapot parin ako. Sarap kaya halikan ng labi niya ang lambot.
"Se-seobang! Stop na." Syempre sabi ni commander tigil na edi tumigil ako.
"Ay baby, may itatanong ako." Naalala ko yung paano kung ipublic namin itong relasyon namin.
"Ayos lang ba sayo na ipublic natin relasyon natin?" Halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Yuri, di pa kasi ako handa e. Sorry." Malungkot niya sagot ng nakayuko.
Huminto ako at hinawakan ang mukha niya at inangat ang ulo niya para makita ko ang mukha niya, pero di niya ako tinitignan parin.
"Look at me baby." Tumingin naman siya. "Ayos lang kahit hindi natin ito mapublic, basta akin ka lang. Basta alam mo at alam ko na mahal natin ang isa't isa masaya na ako. Hindi kita pipilitin. Wag kana malungkot. I understand you."
"Thank you seobang."
Naglakad na ulit kami, wala rin naman ako magagawa kung ayaw niya o hindi pa siya handa.
Hindi rin naman mahalaga yun e, basta alam niya na mahal ko siya at alam kong mahal niya ako. Ayos na yun!
Hangga't nasa tabi ko sya wala na akong hihilingin pang iba, hangga't sa akin siya masaya na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/48684656-288-k288798.jpg)