YOONA's POV
Kakabalik ko lang sa dorm namin, isang linggo na mahigit ng tulog si Yul Unnie. Namimiss na namin kakulitan niya.
halos lahat kami walang gana sa mga sched na pinupuntahan namin. Pag may interview kami ang halos na sagot lang si Taeyeon Unnie, mas lalong hindi mo kasi makakausap ni Jessica Unnie kaya minsan di na siya sinasama sa Guesting namin, ayaw niya umalis sa tabi ni Yuri Unnie e.
Nahiga ako sa kama ko, wala man lang ako magawa para mapasaya si Jessica Unnie. Dahil maski ako hindi ko mapangiti ang sarili ko. Yuri Unnie, kailan kaba gigising? Miss ka na namin. Pero sana sa pag gising mo maalala mo pa kami.
Tok tok tok!
Napaupo ako dahil sa katok, binuksan niya na yung pinto kaya di na ako tumayo.
"Yoona?" Sabi ng babaeng kakapasok lang.
"Oh Seobaby, bat ngayon ka lang?" Bago siya sumagot lumapit muna siya sakin at naupo.
"E kasi, puro ako mali. Hindi ko maiwasan maisip si Yuri Unnie." Malungkot na sabi niya.
Niyakap ko siya at hinimas himas ang likod niya, apektado siya sa nangyari isa kasi si Yuri Unnie na inaalala siya lagi.
"Yoong puntahan natin siya. Jaebal.."
"Okay, punta tayo sa kanya." Nagliwanag ang mata niya at mabilis na tumayo para magayos.
Yuri Unnie, you better wake up now. Can't you see our maknae is so sad and so do I.
JESSICA's POV
Nandito ako sa room ni Yuri, pinupunasan ko siya lagi hindi na ako umalis sa tabi niya. Minsan nagaalala nadin sa akin si Tita kasi di ako nakakakain ng maayos, nababawasan nadin timbang ko
Lagi narin ako pinapagalitan nila Taeyeon kaya minsan napapakain ako kahit ayoko.
"Yuri-yah~ Gising kana oh, Miss na miss na kita. Pupunta pa tayo ng busan diba? Maalala mo pa kaya yun? Maaalala mo paba ako?"
FLASHBACK
Last night here at Jeju Island.
Nandito kami sa kwarto namin ni Yuri, nakahiga na ako siya naglilinis pa katawan. Kasi nga nabasa kanina. Ayun inuubo narin siya ngayon.
Ang kulit kasi sa dagat pa tumak----
"BOOOOO!!!"
"Kyaahhhh!!!"
Feeling ko lalabas na yung puso ko sa gulat ko, argh!
"Kwon Yuri!!"
"Hahahahaha! Mianhe Sica baby."
"Hmp!"
Tapos tumabi na siya sakin at nahiga, niyakap niya ako.
"Baby, Punta tayo Busan pag tapos ng mga sched mo sa photoshoot mo ha?"
"Sige, tayong dalawa lang?"
"Oo, Ikaw at ako lang Sica."
END OF FLASHBACK
kaya yuri, please. Gising kana! Gusto ko na pumunta sa Busan.
"Unnie?" Napatingin ako sa nagsalita.
"Oh Yoona, Seohyun."
"Ikaw nanaman naabutan namin dito Unnie, Hindi kana nagpapahinga." Sabi ni Yoona.
"Paano ako makakapagpahinga? Pag makatulog man ako biglang lilitaw sa isip ko si Yuri."
"Unnie, magpahinga kana. Hindi gusto ni Yuri Unnie na makita kang ganyan sa pagkagising niya." Sabi mi Seohyun.
"Seobang oh, pinapagalitan ako ng maknae natin. Pero tama sila, papahinga lang ako saglit ha? Babalik ako. I love you, gising kana sana pagkabalik ko." Hinalikan ko sa labi si Yuri. Sana pag hinahalikan kita gumigising ka. Tulad ng ginagawa mo sa akin.
"Kayo muna bahala sa kanya ha, tawagan niyo ako pag may nangyari."
"Sige unnie, ingat ka ha?"
Lumabas ako ng kwarto na mabigat ang paa, ayoko iwan si Yuri pero kailangan ko ayusin sarili ko. Di pwedeng sa pag gising niya ganito ako.
Pero saan ako pupunta? Umuwe nalang kaya muna ako sa amin? Kaso baka tanungin ni Mommy bakit ako nangayayat.
Ah, kay krystal nalang.
To: Soojung
Soojung-ah~, may sched kaba? Pwede ba tayo magkita? Oh pwede ba ako pumunta sa dorm mo?
Fr: Soojung
Unnie, andito ako sa dorm. Sakto wala ako kasama dito lahat sila may Sched, sunduin kita. Nasaan ka?
To: Soojung
Dito ako sa hospital kung nasaan si Yuri.
Fr: Soojung
Osige hintayin mo ko jan, Mabilis lang ako.
Hindi na ako nagreply, naupo ako sa bench. Ang tagal na niyang tulog. Di ko na alam kung gigising pa siya. Ayoko naman mawalan ng pagasa dahil alam ko malakas si Yuri.
Isa lang ang kinatatakutan ko ang makalimutan niya ako o ang pinagsamahan namin kung magising siya. Pero pipilitin ko maging maayos basta alam kong buhay siya.
Hindi pa ako nakakabawi sa mga sakit na naidulot ko kay Yuri, Please Lord wag mo muna siya kukunin sakin. Kailangan ko pa siya, hindi ko kaya mawala siya sa akin. Wag muna ngayon.
"Unnie." Narinig ko boses ni Krystal, kaya tiningala ko siya at niyakap.
"Unnie, be strong. Tara na sa Dorm, ang laki na ng pinayat mo at ang laki na ng eyebags mo. Magpahinga ka na doon."
Hinala niya ako pasakay sa kotse niya, tahimik lang kami walang may balak magsalita. Alam niya na yung tungkol sa amin ni Yuri, hindi naan siya against dahil gusto niya rin si Yuri dahil boyfriend material ito at kilala niya si Yuri alam niyang di ako sasaktan ni Yul.
Pagkarating namin sa dorm nila andun na si Amber, nagbow sa akin si Amber.
"Oh, aga mo ata?" Sabi ni Soojung sa kanya.
"Tapos na shoot ng Shake that brass e." Magsosolo debut na siya, kasama niya sa MV si Taeyeon. Ibig sabihin nakauwe na si Taeyeon sa dorm, baka dumalaw narin yun kay Yuri.
"Ahm, Amber kasama mo ba si Taeyeon kanina?"
"Ne Unnie, umuwe po siya agad. Pupunta po ata kay Yuri Unnie."
Tama nga ako, nagaalala din siya hindi lang kay Yul pati sa akin. Alam niya kasing andoon lang ako pero baka magulat at wala ako doon.
Nagnod nalang ako kay Amber, kumain narin kami pinilit ako ni Soojung di na ako tumanggi kailangan ko narin magpalakas.
Kailangan mo na gumising Yuri, alam mong tamad ako magwork out. Pero gagawin ko ito para pagkagising mo maayos ako.
Natigil ako sa pagkain ng magring ang phone ko. Nagexcuse ako sa kanila at sinagot yun.
"Hello."
(Sica! Nasaan ka? Sabi ng maknae umuwi ka ng dorm, nanggaling ako sa dorm wala ka naman.)
"Taenggu-yah~ relax okay? Nandito ako sa dorm ng Fx. Wag kana masyado magalala, magpapahinga lang ako."
(Hay, Sica. Osige sunduin kita jan mamaya. Baba ko na ito. Magpahinga kana.)Grabe talaga magalala ang kid leader namin.
Nagpaghinga ako sa kwarto ni Soojung, pag nasa dorm naman ako sa tabi ako minsan ni Tiff o ni Yoona o kaya kay Sunny natutulog.
Dahil pag nasa kwarto namin ako natulog hindi ako makakatulog, maalala ko lang si Yul. Kaya napapabalik ako sa hospital ng di nila alam, nagpapasundo ako kay manager minsan ako lang magdrive papunta kaya mas nagagalit sila sa akin.
Yuri, Gising na oh. Please?
![](https://img.wattpad.com/cover/48684656-288-k288798.jpg)