*bago pa man yumao ang ama ni Dawn ,magkaibigan na talga sila ni Richard,lalo silang naging malapit sa isat'isa dahil nakatira na sila sa iisang bahay,maganda ang pakikitungo nila Fancis at Claire kay Dawn itinuturin na nila itong tunay na anak kaya walang naging problema si Dawn sa pagtira sa Mansyon ng mga Gomez,hanggang sa tumuntong na sina Dawn @ Richard sa High School)..
(kakauwi lang ni Dawn galing sa Skwelahan)
Dawn: good evening mommy!! ( humalik si Dawn sa pisngi ni Claire na kasalukuyang nagluluto ng kanilang hapunan)
Claire: good evening too my babygirl,how's your school?
Dawn: okay naman po mommy,tulungan ko na po kayo dyan
Claire: huwag na anak,umakyat ka na at magbihis ,sya nga pala nasaan si Richard?
Dawn: nasa School pa po mommy may praktis daw po sila sa basketball kaya pina una nya na ako
Claire: aba lokong bata iyon hindi man lang nagpaalam sa akin
Dawn: huwag na po kayong magalit kay kuya Richard mommy malaki na po yon (yumakap siya kay Claire)
Claire: ang sarap naman ng yakap ng baby ko,sige na nga hindi ko na sesermonan Ang kuya mo
Dawn: mommy hindi na po ako baby 13 years old na po ako
Claire: para sa akin baby ka pa rin,sige na anak magbihis ka na at ng makakain ka na
Dawn: okay po.
*Inabot na ng alas 10pm bago nakauwi si Richard sa bahay nila mabuti na lang at nakumbinsi niya si Dawn na pagtakpan siya dahil ang totoo nag date sila ng girlfriend niyang si Lucy,dahan-dahan pa si Richard sa pag akyat sa hagdan nila,baka kasi magising ang mommy niya tiyak na sermon ang abot niya kapag nagkataon*
Dawn: k-kuya!(tinawag ni Dawn Si Richard,hindi kasi napansin ni Richard na nasa sala pala si Dawn nagbabasa ng libro)
Richarrd:SHHHHHHHH!!!! baka magising si mommy(suminyas siya kay Dawn na hinaan ang boses,bumaba siya ulit ng hagdan at naupo sa tabi ni Dawn)
Dawn: bakit ngayon ka lang? sabi mo hanggang 7pm lang kayo ni lucy?
Richard: napasarap kasi ang kwentuhan namin ni babe ko,tska hinatid ko pa sya sa bahay nila quiet ka lang kay mommy ha (kinindatan nya si Dawn)teka,teka bakit gising ka pa talo mo pa si mommy
Dawn: ha??? a-ano kasi nagrereview ako may exam kami bukas(palusot niya,pero ang totoo sinadya nya talagang hintayin si Richard)
Richard: pwede ka namang sa kwarto mo magreview
Dawn: eh sa gusto ko dito bakit ka ba nakikialam?(tinarayan niya ito,nagseselos kasi siya dahil puro na lang si lucy ang bukang bibig ni Richard,hindi na nga sila masyadong nakakapagbonding na dalawa mag mula ng magka girlfriend ito)
Richard: ang sungit naman,sige na pretty aakyat na ako good night(hinagkan ni richard si Dawn sa noo,bigla na lang nakaramdam ng kakaibang tensyon si Dawn hindi nya alam kung bakit,noon naman kahit hinahagkan siya sa noo ni Richard wala iyong epekto sa kanya pero ngayon meron na syang kakaibang nararamdaman para bang kinilig siya ng mga sandaling iyon)
Dawn: s-sige good night( napabuntong hininga na lang si Dawn pagka alis ni Richard,ilang saglit pa'y umakyat na rin siya.)
comment&vote. . :)
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...