*Pagkarating nila sa lugar kung saan sila magcacamping hindi pa rin pinapansin ni Dawn sina Richard at Lucy ewan ba niya kung bakit naiinis siya kapag nakikita nyang magkasama ang dalawa*
Richard: nandito na rin tayo sa wakas!!(inalalayan ni Richard si Lucy sa pagbaba ,samantalang si Dawn halos hindi na maipinta ang mukha)
Anton: tara na Dawn bumaba na din tayo(naunang nakalabas ng bus sina Richard@Lucy)
Richard: babe dito ka muna ha,babalikan ko lang si Dawn hindi pa kasi sya bumababa
Lucy: sige (pa akyat na sana si Richard kaya lang nasalubong niya si Dawn kasama si Anton)
Richard: akala ko hindi ka na bababa ,akin na nga yang gamit mo(kinuha ni Richard ang backpack na dala ni DAwn pero hindi ito binigay sa kanya)
Dawn: huwag na kaya ko namang buhatin yong bag ko,yung gamit na lang ni Lucy ang dalhin mo!
Richard:akin na nga ,nag iinarte pa kasi
Dawn: ayoko nga kasi!!!! ,anton tara na nga .
Anton: osige .
Richard: saan ka pupunta dawn? (hindi siya sinagot ni Dawn ,pumunta ito sa mga kaibigan niyang mga babae,sinundan na lang siya ng tingin ni Richard)
*Nagsimula na silang maglakad papunta sa camping area ,sumama si DAwn sa mga kaklase at mga kaibigan niya naiinis lang kasi siya kapag nakikita niya ang kasweetan ni Richard kay Lucy*
Vivian: Dawn bilisan mo na dyan naiiwanan na tayo eh..(napakamot na lang ng ulo si Vivian habang hinihintay si Dawn naupo kasi ito para magpahinga sumasakit na kasi ang paa niya sa kalalakad)
Dawn: mauna ka na Viv.susunod na lang ako di ko na kayang maglakad
Vivian: sure ka? alam mo ba ang daanan?
Dawn: oo ,sige na mauna ka na
Vivian: sabi mo yan ha,sumunod ka kaagad baka mahiwalay ka samin
Dawn: oo nga
Vivian: maiwan na kita(tumango lang si Dawn)
*Kanina pa lingon ng lingon si Richard hindi nya kasi makita si DAwn,halos lahat kasi ng mga kasama nila ay nakarating na pero si Dawn wala pa rin kaya nag alala na si Richard kaya nilapitan na niya ang isa sa mga kaklase ni DAwn na si Vivian ito kasi ang nakita niyang kasama ni Dawn kanina lang.)
Richard: Vivian si DAwn?(lumingon lingon din si Vivian sa paligid)
Vivian: hala!bakit wala pa si Dawn?
Richard: diba ikaw ang kasama nya bakit hindi mo alam?
vivian: oo ako nga ang kasama nya kanina akala ko kasi sumunod na sya sa akin nagpaiwan kasi sya para magpahinga saglit
Richard: Ano???? bakit mo sya iniwan sinong kasama nya?( kinabahan na tuloy si Richard,nagsisi tuloy siya kung bakit hinayaan niyang humiwalay sa kanila si Dawn tyak na malalagot talga sya sa mommy niya )
Lucy: babe anong problema?
Richard: hindi pa kasi dumadating si DAwn,baka kung napano na sya
Lucy: relax lang baka parating na yon
Richard: hindi ako makakapag relax hanggat hindi ko nakikita si Dawn hahanapin ko sya..
update ako ulit later...:D
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...