35

2.1K 38 2
                                    

Pagkalabas ng opisina ni Richard nahinto siya sa paglakad nang makasalubong ang isa sa pinakamamatalik niyang kaibigan na si Felix bihis na bihis ito aakalain mong meron itong party na pupuntahan.

"bro!mabuti't naabutan kita" bulalas nito pagkakita sa kanya

"oy Felix ikaw pala anong ginagawa mo dito may kailngan ka ba?" 

"oo bro. sinadya ko talagang puntahan ka dito para personal kang ayain"

"saan naman?" namulsa siya

"nakalimutan mo na ba?birthday ngayon ni Aldren!" isa sa mga kabarkada nila ang tinutukoy nito

"oo nga pala naku! nakalimutan ko"nasapo na lang ni richard ang kanyang noo nang maalala na kaarawan nga pala ngayon ng barkada niyang si Aldren.Dahil sa pagiging abala niya sa buhay may asawa at sa trabaho bibihira na lang siyang makasama sa jamming ng dati niyang mga kabarkada.

"oh ano sasama ka na ba?"

"pasensya na bro.pass muna ako nangako ako sa misis ko na uuwi ako ngayon ng maaga " tinapik-tapik niya ang balikat nito bilang paghingi ng paumanhin

"ano?papalagpasin mo ang birthday ni Aldren baka naman pwedeng gawan natin ng paraan bro. minsan na nga lang makumpleto ang barkada eh dali na sumama ka na hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama kung gusto mo ipapaalam kita kay Dawn" pagkasabi niyon dali-daling dinial ni Felix ang numero ni Dawn upang tawagan ito.

"teka anong ginagawa mo felix?"

"ano pa nga ba edi tinatawagn ko ang asawa mo"

"akin na nga yang cellphone mo ako ang kakausap sa misis ko" saktong pagkakuha ni richard sa cellphone ni felix nasagot na iyon ni Dawn

"hello felix napatawag ka?" iyon ang narinig ni Richard pagkadikit niya ng cellphone sa kaliwang tenga niya,napangiti siya pagkarinig sa boses ni Dawn.

"honey!! good evening" na eexcite na sabi niya

"honey??? bakit number ni Feix ang gamit mo?"halata sa boses nito ang pagtataka pagkarinig ssa boses niya

"ito kasing si Felix hon.pinuntahan ako dito sa office pauwi na nga sana ako eh,hindi ko alam na dinial nya na pla yung number mo kaya kinuha ko kaagad ang cellphone nya namimiss ko na kasi ang boses mo"

"sus may pamiss miss ka pang nalalaman dyan nahuhulaan ko na kung anong kailngan mo honey,magpapa alam ka sakin kung payag ba akong sumama ka sa kanya tama ba ako?"

"woah! galing ng honey ko ah ibig bang sabihin nyan hon. pwede akong sumama ? birthday pala ni Aldren ngayon eh"

"oo naman pwedeng pwede mabuti naman at naisipan mong mag paalam sa akin anong nakain mo?"

"anong nakain ko? syempre yong ano mo honey "pamimilosopo niya 

"chee! pervert ka talaga "

"joke lang i love you honey, gusto mo rin bang sumama susunduin kita dyan" napatingin siya kay felix tahimik lang itong nakikinig sa usapan nilang mag asawa

"hindi na hon. kayo na lang basta huwag kang magpapa umaga i greet mo na lang ako ng happy birthday kay Aldren"

"sure, matulog ka na lang huwag mo na akong hintayin ayokong napupuyat ka"

"okay enjoy the party i love you"

"i love you too"

"ibaba ko na hon."

"teka lang yong kiss ko?"

"mamaya na lang pag uwi mo"

"osige na nga basta maraming kiss ha bye hon". Nakangiti pa rin si Richard kahit na naputol na ang usapan nila ni Dawn daig pa niya ang penguins kong kiligin.Inabot niya kay felix ang cellphone nito 

"alam mo bro. nilalanggam na ako dito habang nakikinig ako sa inyo"

"ewan ko sayo puro ka kalokohan tara na nga" nauna siyang lumakad kay felix kaagad naman itong sumunod sa kanya

"seryoso ako bro. ang swerte mo talaga dyan kay Dawn" sabi nito habang naglalakad sila

"oo naman ako na yata ang pinakswerteng lalake sa buong mundo dahil napangasawa ko ang pinaka caring,understanding,maganda,sexy,mabait at pinakamasarap magmahal na babae sa balat ng lupa!" pagmamalaki niya kay dawn

"oo na ikaw na ang maswerte,pero bro kung sakaling makipagbalikan sayo si lucy papayag ka ba, diba dati patay na patay ka sa kanya?" parang gustong batukan ni Richard ang kaibigan niya paano isingit ba naman nito sa usapan ang ex niya?

"pwede ba bro. hangga't maari ayoko ng pag usapan si lucy?"

"ito naman kung sakali lang naman eh"

"gusto mong sagutin kita ng sapak?"

"ito naman di na mabiro,tara na nga baka mabugbog mo pa ako ng wala sa oras" inakbayan niya si Richard palabas ng gusali....

readers pasensya na ha medyo bored itong chapter na 'to kailngan kasi sa story ko heheh :D

Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon