17

2K 35 1
                                    

*Gaya nga ng napag usapan nila hinayaan muna ni richard si lucy na lumayo muna sa kanya,tiniis nya hindi ito makita ng ilang linggo kahit tawag hindi nya ginawa baka kasi mainis lang si lucy kapag ginawa nya yun.Ang hindi alam ni richard wala na talagang balak si lucy na makipag ayos pa sa kanya tuluyan na syang iniwan nito,mas pinili ni lucy ang career nya kaysa kay richard kung kaya't sobrang nasaktan si richard sa ginawa sa kanya ng babaeng pinakamamahal niya ,hindi nya aakalain na sa ganon matatapos ang mahigit  limang taong pinagsamahan nila masakit kay richard ang kinahinatnat ng relasyon nila lalo pa't mahal na mahal niya si lucy,sinuyo nya ito pero wala na talaga pilit siyang iniiwasan ni lucy at tinataboy.Halos gumuho ang mundo ni richard hindi nya alam kung papano magsisimula ulit ng hindi kasama si lucy,wala na syang ibang ginawa kundi ang magpakalunod sa alak iyon na lang kasi ang alam niyang paraan para panandaliang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya.

       -Nalaman na rin ni Dawn ang kalagayan ni richard sa manila kaya kaagad niya itong pinuntahan-

claire: anak ikaw na ang bahala kay richard tulungan mo syang makapagsimula ulit,masakit din para sakin bilang ina nya na nakikita syang nahihirapan

dawn: opo mommy gagawin ko po ang lahat para matulungan si richard

claire: osige mag iingat ka sa byahe mo,susunod ako sa manila kapag naayos ko na ang lahat dito

dawn: opo mommy salamat po..

- - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 *Pagkarating ni Dawn sa tinutuluyang condo ni richard naabutan nyang puro basag na bote ang nasa paligid  nito at wala itong malay na nakahiga sa sahig marahil iyon sa sobrang kalasingan*

 

Dawn: richard gumising ka ! (niyugyog niya ang balikat nito para magising ito)

richard: lucy??ikaw ba yan? (nakapikit si richard habang nagsasalita,pilit na bumangon si richard kahit nahihirapan siya kaya inalalayan siya ni dawn sa pagbangon)

dawn: ako ito si dawn,tumayo ka para makalipat ka sa kama mo (pinilit ni dawn na maitayo si richard kahit pa hirap na hirap siya inakay nya ito patungo sa kwarto nito at nang makarating sila ni richard sa kwarto inihiga nya ito pero masyadong mabigat si richard kaya pati tuloy siya ay napadapa sa katawan nito)

------------Dawn's POV----------------

pinilit kong bumangon mula sa pagkakadapa sa katawan ni richard pero mahigpit nya akong niyakap kaya napasandal ang mukha ko sa dibdib niya,ini angat ko ang ulo ko kaya lalong nagkalapit ang mga labi namin ni richard napapikit na lang ako noong dumampi na sa mga labi ko ang labi ni richard,para akong nakuryente dahil sa halik ni richard,gustuhin ko mang ilayo ang labi ko pero hindi ko magawa para bang gustong gusto ko rin iyon,naging mas mapusok ang pag halik sa akin ni richard kaya nadala na rin ako it was my first kiss pero parang napaka expert ko na sa pakikipaghalikan,tumugon ako sa halik ni richard at para bang nawala na rin ako sa katinuan ng mga sandaling iyon.matapos kong marinig na sinasambit ni richard ang  pangalan ni lucy,kaagad kong inilayo ang labi ko sa labi niya.

dawn: matulog ka na (parang nagbalik si dawn sa katinuan,hindi nya lubos maisip kung bakit siya nagpadala sa kanyang emosyon,ang akala pala ni richard si lucy ang nasa harapan niya)

richard: lucy mahal na mahal kita pakiusap bumalik ka na sa akin (masakit para kay dawn na marinig iyon na sinasabi ni richard,mabuti na lang at nakatulog na ito)

dawn: sana naman richard maramdaman mo rin na minamahal kita,masakit para sakin na makita kang nagkakaganyan ng dahil lang kay lucy nandito pa naman ako mamahalin kita ng buong buo sana naman dumating din yong araw na matutunan mo rin akong mahalin (habang sinasabi iyon ni dawn tumutulo ang kanyang luha,hinaplos niya ang pisngi ni richard at tinitigan ito habang natutulog,napakasarap nitong titigan para kasi itong inosenteng bata .)

*noong masigurado na ni dawn na mahimbing ng natutulog si richard lumabas na siya ng kwarto nito saka nilinisan niya ang mga nagkalat na basag na bote at mga gamit na nakakalat sa sahig,para kasing dinaanan ng bagyo ang lugar na iyon*

 

end of chapter 17 :)...

ayiee si dawn nanamantala porket lasing si richard hahaha :D

magiging exciting na po ang mga susunod na mangyayari :D ABANGAN....

Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon