*Nagising ang diwa ni Dawn ng maramdaman ang paghaplos ni richard sa kanyang balikat,tumihaya siya buhat sa padapang pagkakahiga.Ngumiti siya at iniwas ang bahagi ng kanyang balikat na hinahalik-halikan nito dahil may kasamang kiliti at init ang hatid ng halik na iyon.
"happy?" tanong ni richard na nakangiti at titig na titig kay dawn
"very" sagot ni dawn
mula sa kurtina ng bintana unti-unti ng sumisilip ang bukang liwayway
"no regrets?"
"no regrets, eh ikaw?" natatawang sagot niya kay richard
"my only regrets is yong inaway pa kita para lang masabi ko yong totoong nararamdaman ko sayo im so sorry mahal ko"
"okay na sa akin yon,kung yon lang ang tanging paraan para magkaroon ka ng lakas ng loob na aminin sa akin na mahal mo rin ako mas gugustuhin ko na lang na parati mo na lang akong awayin para palagi ko ding maririnig sayo na mahal mo ako"aniyang pinindot ang dulo ng ilong nito.
"hindi ko na kailngan pang awayin ka para lang marinig mo na mahal kita,araw-araw ko na yong ipaparamdam sayo magmula ngayon.... mahal kita Dawn" nag pouty lips pa ito na para bang gustong magpahalik sa labi.
" mas mahal kita Richard,magmula noon magpahanggang ngayon" natukso naman siyang halikan ang nakangusong labi nito
matapos maglayo ang labi nilang dalawa muling nagsalita si richard.....
"are you ready for round 2??" pilyong sabi nito na tila nang aakit pa
"PERV------!!!!!" napatili siya ng sundutin nito ang tagiliran niya doon nya namalayan na kapwa parin pala silang hubo't hubad nakaramdam tuloy siya ng hiya.
"sige na mahal bitin eh!! "
"tumigil ka nga richard!! " pagkuwa'y hinampas nya ang dibdib nito pero hindi naman ganon kalakas,saka hinila niya ang makapal na kumot at ibinalot iyon sa kanyang katawan
"oyy kunwari pa siya alam ko gusto mo" may panunuksong sabi nito sa kanya
"umayos ka nga" sumimangot siya atnaupo para isandal ang ulo sa headboard ng kama,gumaya din si richard
"oh? ang sungit naman binibiro ka lang eh" paglalambing nito,sumeryoso ang mukha ni Dawn
huminga siya ng malalim bago nagsalita "chard papano natin sasabihin ang tungkol sa atin kina mommy@daddy?,natatakot ako na baka hindi nila ito matanggap" may pag aalinlangang sabi ni dawn.Nag aalala siya sa magiging reaksyon nila claire at francis kapag nalaman nila ang tungkol sa kanila ni richard,paano kung magalit ang mga ito at itakwil sila gayong sa paningin ng nito ay magkapatid sila,napakalaki ng utang naloob niya sa mga magulang ni richard ayaw naman niyang bigyan ang mga ito ng sama ng loob.
"shhhhhh"pinigil ni richard ang pagsasalita ni dawn gamit ang daliri niya
"huwag kang mag alala ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila ,sabay nating haharapin ang kahihinatnan ng relasyong ito ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makasama at maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal Dawn" mahigpit na niyakap ni richard si Dawn gusto niyang iparamdam sa papamagitan ng yakap na iyon na wala itong dapat ipangamba......
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...