Chapter 55

2K 32 5
                                    

 ^Hinihintay na lang ni Richard na matapos na si Lucy sa pagbibihis,sabay na silang pupunta sa venue kung saan gaganapin ang launching ng infinity wine nila.Alam niyang mga kilalang tao ang dadalo doon kaya medyo kinakabahan siya.Maraming agam-agam ang bumabagabag sa kanya paano kung hindi pumatok sa masa ang infinity wine nila?masasayang ang pinaghirapan nila pero ganon talaga sa isang negosyo kailngang sumugal kahit na hindi mo alam kung magiging maganda ba ang kalalabasan nito sa huli.^

Richard: babe hindi ka pa ba tapos? (kinatok nya si lucy hindi pa din kasi ito lumalabas sa kwarto nila)

Lucy: malapit na babe!! (sagot nya mula sa loob ng kwarto,patapos na siyang mag make-up nang mag ring ang celphone niya unregistered/unknown number ang tumatawag)....hello? (kinuha ang cellphone na nasa tabi ng make-up kit niya at sinagot iyon)

Mateo: hi mabuti't sinagot mo nandito ako ngayon sa tapat ng bahay mo (nasa kabilang linya)

Lucy: (nanlamig bigla).....b-bakit ka nandito anong kailngan mo?paano mo nakuha ang number ko? (nanginginig ang boses)

Mateo: hindi na iyon mahalaga,gusto lang kitang makita pati na rin ang anak natin

Lucy: pakiusap umalis ka na mateo! huwag mo ng guluhin ang buhay ko! (binabaan nya ito ng cellphone).... a-anong gagawin ko hindi sila pwedeng mag abot ni Richard! (nagpabalik-balik ng lakad dahil sa sobrang taranta)

Richard: babe! anong oras na oh! (medyo naiinis na)

Lucy: (nag inhale,exhale pa bago binuksan ang pinto)...babe hindi na lang ako sasama (di makatingin ng diretso kay Richard)

Richard: bakit? nakabihis ka na rin naman 

Lucy: ano kasi biglang sumama ang pakiramdam ko,wag mo ng isama si Liam dito na lang kami sa bahay

Richard: pero Lucy importante sa akin yon gusto ko nandun kayo ng anak ko (hinagod ang noo)

Lucy: sorry talaga babe,ewan ko ba bigla na lang sumama ang pakiramdam ko nahihilo ako (umarteng masakit ang ulo)

Richard: (napabuntong hininga)...naiintindihan ko magpahinga ka na lang (sa malamig na tono)...ikaw na ang bahalang kumausap kay Liam kailangan ko ng umalis(Tinalikuran si Lucy)

Lucy: ihahatid na kita sa labas (sumunod kay Richard gusto nya kasing makasiguro na hindi nito makikita si Mateo)

****

^nasa may garahe na sila^

Lucy: (palinga-linga,hinahanap kung nasaan banda si Mateo isang itim na SUV ang nakaparada sa tapat ng bahay nila ang nahagip ng kanyang mata maaring iyon na nga ang sasakyan ni Mateo)...babe bilisan mo na baka maabutan ka na traffic

Richard: ano bang tinitignan mo dyan? (tumingin din sa direksyong tinitignan ni Lucy)

Lucy: w-wala babe para kasing may dumaang pusa,sige na sumakay ka na ako ng bahala kay Liam

Richard: okay(humalik muna kay Lucy bago sumakay sa kotse nya)..bye(isinara na ang tinted window ng kanyang sasakyan)

Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon