Chapter 60

2.4K 46 6
                                    

-Lumipas pa ang ilang mga araw napapadalas na ang pagbisita ni Richard sa kambal,mabuti na lang at nakaisip sila ng palusot kaya hindi na nagtatanong ang mga ito kung bakit hindi sya doon nakatira sa bahay ni Dawn.*

 *Kakauwi lang ni Richard galing kina Dawn,nakagawian nya ng dumaan muna roon pagtapos ng trabaho nya para makita ang dalawang bata.Pagkarating nya sa bahay nila naabutan nyang nag iimpake si Lucy*

Richard: Lucy....bakit ka nag iimpake saan ka pupunta?

Lucy: (huminto sa ginagawa)...sorry babe kung hindi ako nagpaalam sayo balak kong mag bakasyon muna isasama ko si Liam pero mga ilang linggo lang naman kaming mawawala

Richard: ano??? isasama mo si Liam paano ang pag-aaral ng bata?

Lucy: naipaalam ko na siya sa teacher nya pumayag naman malapit na rin naman ang bakasyon nila

Richard: pero bakit biglaan? hindi mo man lang ako tinanong kung papayag ba ako!

Lucy: alam ko naman hindi ka papayag kapag sinabi ko sayo..wala ka ng magagawa nakapag pabook na ako ng flight papuntang Davao mamayang madaling araw ang flight namin.

Richard: ano bang problema ?nitong mga nakaraang araw hindi ka mapakali,palagi kang tahimik at malayo ang iniisip akala mo ba hindi ko 'yon napapansin? sabihin mo nga may tinatago ka ba sakin?

Lucy: w-wla akong tinatago sayo gusto ko lang talagang mag bakasyon 'yon lang ang dahilan maniwala ka sakin

Richard: siguraduhin mo lang na wala kang nililihim sakin dahil oras na may malaman ako hindi ako magdadalawang isip na iwan ka nagkakaintindihan ba tayo?

Lucy: wala nga akong tinatago sayo....

Richard: puntahan ko lang si Liam ..(lumabas ng kwarto)

Lucy: (para syang nauupos na kandilang naupo sa kama)...patawarin mo ako Richard kailangan kong lumayo pansamantala ayokong madamay kayo ni Liam sa gulong kakaharapin ko oras na bumalik ulit si Mateo,hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng taong 'yon natatakot ako sa maaari nyang gawin...

********

KINAUMAGAHAN

*Humihikab pa si Dawn ng madatnan nya si Richard sa Living room*

Dawn: R-Richard?! (nanlaki ang mga mata)

Richard: hi good morning! (smile)...grabe ang sexy! gaganda talaga ang umaga kung ganyan kaganda at kasexy ang una kong makikita

Dawn:(nakapantulog pa)...gosh!!!!! (nasambit nya ng mapagtanto na ang nipis-nipis ng suot nyang nighty dress tapos wala pa syang suot na bra...nakasanayan nya na kasing lumabas ng kwarto na ganon ang suot maliban sa driver nya na hindi naman doon nakatira, si Chardy lang ang lalake doon sa bahay nya, kaya hindi sya nahihiyang rumampa na ganon suot)....b-bakit ba kasi ang aga mo!! (nayakap ang sarili)....nakakahiya talaga!

Richard: (pinipigil ang tawa,hindi kasi magkanda-ugaga si Dawn sa pagtakip sa katawan nya)...heto oh isuot mo...(hinubad ang suot nyang jacket...at sya mismo ang nagsuot 'non kay Dawn)

Dawn: (medyo nailang sa ginawa ni Richard)...ang aga mo naman tulog pa 'yong mga bata..(inayos ang pagkakasuot ng jacket)

Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon