28

2.3K 37 2
                                    

*Hating gabi na ng magpasyang umuwi si jestony bago siya umuwi nagpaalam muna siya kay dawn*

Dawn; sige mag iingat ka salamat sa pag punta (aniya matapos ihatid si jestony sa labas ng gate)

(nanatiling nakatayo si jestony sa labas ng kanyang sasakyan para bang may nais itong sabihin kay dawn,kung kelan nakatalikod na si dawn  saka naman nagsalita si jestony)

Jestony: dawn sandali (humarap si dawn sa kanya)

Dawn: bakit? may nakalimutan ka ba

Jestony: ano kasi ummmm (para bang umurong na ang dila niya)

Dawn: ano ba yon sabihin mo na (napalunok si jestony hindi nya kasi alam kung papano nya sisimulan ang kanyang sasabihin)

Jestony: Dawn kung okay lang sayo pwede ba kitang ayain bukas na lumabas? (kinabahan si jestony ang tagal kasing sumagot ni dawn,tatangihan sana ni dawn ang alok ni jes.pero naisip niya na kailngan nya ding maglibang simula kasi ng dumating siya sa manila parati na lang siyang nasa condo unit ni richard panahon na rin siguro para maglibang siya)

Dawn: sus yon lang naman pala okay sige

Jestony: talaga pumayag ka? (abot tenga ang ngiti nito sa sinabi ni Dawn)

Dawn: oo nga osige na jes papasok na ako sa loob 

Jestony: salamat ulit dawn susunudoin na lang kita bukas (ngiti at tango lang ang isinagot ni dawn.Hinintay ni Jestony na makapasok si dawn bago niya pinaadar ang kanyang sasakyan)..

*May mangilan-ngilan pang mga natirang bisita pero pauwi na rin ang mga ito kaya nagkaroon na ng pagkakataon si dawn na hanapin si Richard,gusto nya itong kausapin at tanungin kung bakit bigla na lang nag iba ang timpla nito,mabuti na lang at nasalubong ni dawn si claire*'

"mommy nakita nyo po ba si richard?" 

"umalis anak ang sabi nya sa akin doon muna siya uuwi sa condo niya hindi ba siya nagpaalam sayo?" (nagtaka si dawn kung bakit hindi nagpaalam sa kanya si richard hindi naman ugali ni richard na umalis ng hindi nagpapa alam sa kanya maliban na lang siguro kung meron silang hindi pagkakaunawaan kaya nabahala na si dawn naisip nya na galit nga talaga ito sa kanya)

hindi kaya galit sa akin si richard? pero bakit wala naman akong maalalang ginawa na alam kung ikakagalit nya? (sa isip ni dawn)

"hindi po eh,sige po mommy mauna na akong umakyat maiwan ko na po kayo" (humalik siya sa pisngi ni Claire bago nya ito iniwan)

(hindi mapakali si dawn sa kanyang kwarto isip siya ng isip kung ano ba ang nagawa niyang mali,tinawagn niya si richard para matapos na ang mga katanungan sa isip niya pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya kaya ,nagpasya na lang siya na magpahinga na lang muna nang sa ganon maaga siyang magising at maagang mapuntahan si richard hindi kasi talaga siya sanay na meron silang tampuhan,hindi siya matatahimik hanggat hindi nya ito nakakausap.Kinaumagahan maagang nagpunta si dawn kay richard pero nabigo siya na makita ito ayon sa caretaker ng condo unit nito maaga daw itong umalis inaakala ni dawn na pumasok lang ito sa opisina kaya nanlulumong umuwi siya sa bahay nila hindi na kasi siya makapag antay na makausap si Richard,muntikan nya na ring makalimutan na may lakad nga pala sila ni jestony mabuti na lang at tinawagan siya nito kaya naalala niya pero parang nagdadalawang isip na siya kung sasama pa ba siya gayong si richard ang nasaisip niya alam nyang hindi nya rin niya maeenjoy ang pamamasyal nila ni jes hangga't meron siyang inaalalang problema)

--nagulat si dawn ng katokin siya mula sa loob ng kanyang silid malalim kasi ang iniisip niya kaya hindi nya namalayan na kanina pa pala tawag ng tawag ang isa sa mga kasambahay nila--

"tuloy ka manang bukas po iyang pinto" marahang pumasok ang matandang babae sa kanyang kwarto " iha may naghihintay sa iyo sa ibaba" sabi nito "si richard po ba manang?" kaagad siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang malambot na kama  "hindi jestony daw ang pangalan iyon bang kasama mo kagabi?" nadismaya si dawn hindi naman kasi si jestony ang inaasahan niya "osige manang pakisabi na susunod na ako salamat" pagkalabas ng matandang babae kaagad na nagbihis si dawn bahala na kung anong mangyari sa lakad nila nakakahiya naman kasi kay jestony kung ngayon nya pa ito tatangihan ngayon pang naroon na ito sa bahay nila para sunduin siya..

(matapos na mamasyal nila jestony@dawn kumain muna sila) 

Jestony:(napansin ni Jestony na parang wala sa sarili si dawn hindi kasi nito ginagalaw ang nakahaing pagkain at para kasing hindi naman ito nakikinig sa mga kwento niya at malalim ang iniisip)..Dawn may problema ba?

 Dawn: huh? w-wala naman jes.(pagkakaila niya kay jestony ayaw nya kasing malaman nito na iniisip niya si richard)


Jestony: napansin ko kasi na malalim ang iniisip mo

Dawn: wala,tara kumain na lang tayo

Jestony: sabihin mo lang kung gusto ng umuwi para maihatid na kita

Dawn: pasensya ka na jes sakin ha,may inaalala lang kasi ako ( ngumiti si jestony na para bang naiintindihan siya nito)

Jestony: okay lang iyon naiintindihan ko,gusto mo na bang umuwi?

Dawn: oo jes umuwi na lang tayo,pasensya ka na talaga sakin pangako babawi ako sa susunod

Jestony: wala 'yon halika na

*Tahimik pa rin si dawn habang nasa byahe sila ni ni jestony hindi na rin siya kinukulit ni jestony hinayaan na lang muna siya nitong manahimik ,si dawn ang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila ni jestony *


Dawn: jesss..

Jestony: (lumingon kay Dawn)... ano yon?

Dawn:  pwede bang doon mo na lang ako ihatid sa condo ni Richard? kailangan ko kasi siyang makausap (nahihiya man siya pero naglakas loob na siyang sabihin kay jestony )

Jestony: oo naman pwedeng,pwede

Dawn:  salamat

*pagkatapos niyon nanahimik na ulit sila,isinandal ni dawn ang ulo niya sa bintana ng sasakyan at tahimik na pinagmamasdan ang bawat madaanan nila.. saka lang muling nagsalita si jestony ng makarating na sila*

Jestony: nandito na tayo Dawn

Dawn: (umayos ng upo ,tumingin siya sa labas ng sasakyan nang makita niyang naroon na nga sila saka lang niya tinaggal ang seatbelt ) saamat ulit sa paghatid jes,pasensya ka na talga ha

Jestony:  ano ka ba kanina ka pa hingi ng hingi ng pasensya okay lang iyon sa akin,teka ako na ang magbubukas ng pinto sandali lang (lumabas ng kotse si jes para pagbuksan ng pinto si dawn.Saktong paglabas ni dawn ng sasakyan saka naman dumating ang isang sasakyan lulan niyon si richard kaya nakita nito ang pag alalay ni jestony kay Dawn....

end of chapter 28..

aminin na kaya ni richard ang nararamdaman niya para kay dawn ?? ABANGAN NA LANG... 

Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon