Ang susunod na eksena ay maaring merong rated SPG.... :D chos
Richard: doon ka na lang matulog sa kwarto ko,dito na lang ako matutulog sa sala (sabi ni richard kay dawn)
Dawn; ano ka ba okay lang kahit doon ka na matulog sa kwarto mo mahihirapan kang makatulog kung dito ka hihiga sa sofa matangkad ka pa naman kaya siguradong hindi ka magkakasya.
Richard: eh pano ka saan ka matutulog?
dawn: saan pa nga ba syempre sa kwarto mo din
richard: sigurado ka okay lang sayo na matulog tayo sa iisang kwarto?
dawn: oo naman diba noong mga bata pa tayo minsan naman doon ka natutulog sa kwarto ko?
richard: noon yun dawn kasi mga bata pa tayo pero ngayon mga binata't dalaga na tayo
dawn: anong masama kung matutulog tayo sa iisang kwarto? bakit may gagawin ka bang hindi maganda?(pabirong sabi niya kay richard)
richard: ano ka ba syempre wala akong gagawing masama sayo
dawn: yun naman pala eh kaya halika na matulog na tayo (naunang pumasok si dawn sa loob ng kwarto ni richard)
-mas maganda nga kung may gawin ka sa akin pabor na pabor iyon sa akin richard.. ano na naman ba itong naiisip ko?? dawn behave.. (sa isip ni dawn)
- - - - - - - - - RICHARD'S POV- - - - - - - - - --
Sumunod ako kay dawn papasok sa loob ng kwarto,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang tinitignan ko syang naglalakad ng nakatalikod sa akin palapit sa kama ko hindi ko rin maiwasang mapatingin sa napaka kinis at maputi niyang binti lalo pa't nakasuot siya ng maikling shorts,nakaramdam ako ng panginginit sa aking katawan nang makita kong humiga na si dawn sa kama iba ang naging epekto sa pagkalalaki ko ng suot niyang manipis na sleeveless bakat na bakat kasi ang suot niyang itim na bra napalunok na lang ako habang tinititigan ko sya ,pilit kong sinasaksak sa kokote ko na kapatid ang turing ko sa kanya kaya hindi pwedeng merong mangyari sa aming dalawa..
dawn: richard ano pang tinatayo-tayo mo dyan? heto ang unan at kumot ilatag mo sa sahig dyan ka matulog(ihinagis ni dawn kay richard ang makapal na kumot at dalawang unan,doon lang nagbalik sa katinuan si richard nang matamaan siya ng unan ng ihinagis sa kanya ni dawn)
richard: d-dito ako matutulog sa sahig dawn??
dawn: oo naman ! alangan namang magtatabi tayo
richard: s-sabi ko nga dito ako matutulog sa sahig (inilatag na lang ni richard ang kumot at nahiga doon ang akala talaga niya ay magtatabi silang matulog ni dawn parang napahiya tuloy siya sa kanyang sarili)
*Nakatagilid si Dawn sa kama kung ano-ano kasi ang iniisip nya kaya hindi sya makatulog,At hindi siya mapakali dahil nga nasa ibaba lang si richard, kaya dahan-dahan siyang umusog sa gilid ng kama para silipin si richard pero nakatagilid din ito patalikod sa kanya kaya hindi nya makita kung natutulog na nga ba ito.Ang hindi alam ni dawn pinapakiramdaman lang din pala ni richard ang mga kilos niya*
-tulog na kaya sya??,richard wala ka bang gagawin sa akin kanina pa kita hinihintay na gumawa ng moves!! (nabatukan na lang ni dawn ang kanyang sarili kung ano-ano na kasi ang pumapasok sa isip niya kababae pa naman din niyang tao) :D
dawn: c-chard gising ka pa ba?
richard: oo ang likot-likot mo kasi dyan kaya hindi ako makatulog (tumihaya siya)
dawn: ako pa talaga ang sinisisi mo?
richard; matulog ka na nga lang (kinuha niya ang isang unan na nasa ulunan niya at ihinagis iyon kay dawn)
dawn: ano ba richard!! ( nailagan niya ang unan na ihinagis nito sa kanya, sa inis ni dawn bumangon siya para pitikin sa tenga si richard)
richard: aray ko dawn masakit yun ah! (hinila nya ang kamay ni dawn para gantihan ito pero dahil sa lakas ng pagkakahila niya naging dahilan iyon para mahulog ito sa kanya,napadapa si dawn sa nakatihayang si richard kaya muntikan ng maglapit ang kanilang mga labi,bumilis ang tibok ng puso ni dawn nang magkatitigan sila ni richard hanggang sa bumaba ang tingin ni richard sa labi ni dawn hindi na niya napigilan ang kanyang sarili hinaplos niya ang magkabilang pisngi ni dawn at masuyo itong hinalikan,wala man lang pagtututol si dawn sa ginawa sa kanya ni richard tumugon pa nga siya sa halik nito kaya lalong nag init at naging mapusok si richard sa paghalik kay dawn.Ang halik ni richard ay unti-unting bumaba sa leeg at sa sa dibdid nito napasinghap na lang si dawn ng maramdaman niya ang kamay ni richard sa tuktok ng kanyang dibdib pero hindi nya ito sinaway napapikit pa nga siya.Nang mga oras na yon handa na si dawn na ibigay ng buong puso sa lalakeng minamahal niya ang kanyang buong pagkatao bahala na kung anong kahihinatnan pagkatapos noon ang mahalaga kay dawn maiparamdam niya kay richard na handa siyang ibigay ang kanyang sarili dito at tanging ito lang ang lalakeng makaka angkin sa kanya...
-richard ano bang ginagawa mo? nakalimutan mo na ba kapatid ang tingin mo kay dawn pigilan mo ang sarili mo!!( natauhan si richard ng marinig niya ang kanyang konsensya,muntikan na niyang makalimutan na si dawn ay itinuturing na niyang kapatid kailangan niyang igalang ang pagkababae nito)
richard: d-dawn im sorry hindi ko dapat ginawa ito sayo nadala lang talaga ako ng emosyon ko.
(mahigpit niyang niyakap si dawn)
dawn: c-chard wala kang dapat ihiningi ng tawad ginusto ko rin ito,handa akong ibigay ang sarili ko sayo dahil MAHAL kita (tinitigan nya ito sa mata)
richard: ibig sabihin totoo yong sinabi mo sa akin noon na mahal mo ako?
dawn: oo richard totoo yon natakot lang ako na aminin sayo
richard: pero dawn magkapatid tayo
dawn: hindi tayo magkapatid richard,hindi nga tayo magka dugo diba?
richard: pero dawn ang turing sa atin nila mommy@daddy magkapatid kaya hindi pwedeng mahalin mo ako,kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa akin walang patutunguhan yan dawn masasaktan ka lang, hindi tamang maramdaman mo yan MAGKAPATID tayo.
dawn: sinubukan ko ng pigilan ang nararamdaman ko richard pero hindi ko kaya hirap na hirap na nga akong ilihim ito sayo,kahit ba konti wala kang nararamdaman para sa akin? (yumuko si richard)
richard: dawn mahal din naman kita pero bilang kapatid@kaibigan lang
(parang binagsakan ng sangkaterbang bato si dawn dahil sa narinig niya napakasakit na marinig mismo iyon kay richard,hindi nya na hinintay ang susunod na sasabihin nito tumayo siya at patakbong lumabas ng kwarto)
richard: dawn saan ka pupunta (naabutan nya ito sa main door ng condo unit niya)
dawn: huwag mo akong sundan pa richard gusto kong mapag isa!! (hindi na niya napigilan ang luhang kanina pa gustong tumulo)
richard: dawn !! (hinayaan nya na lang muna si dawn na maglabas ng sama ng loob kaya hindi nya na ito sinundan pa.)...........
OUCH!!!! END OF CHAPTER 22... T-T
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...