----RICHARD'S POV-----
Pinagmamasdan ko si Dawn habang kumakain kami,nakokonsenysa ako sa ginagawa kong pagtataksil at pagsisinungaling hindi sya karapatdapat na masaktan dahil napakabuti nyang asawa pero ako itong gago na nagpapaiyak at nanloloko sa kanya,pinilit ko namang huwag mainlove ulit kay lucy kaya lang tuso itong puso ko ang hirap pigilan ayoko mang aminin sa sarili ko pero mahal ko pa din si lucy hanggang ngayon.
"honey baka matunaw na ako nyan kan ina ka pa nakatitig sakin" kaagad akong nag iwas ng tingin noong mapuna nyang nakatitig ako sa kanya
"Ang sarap mo kasing panuorin habang kumakaen" sagot ko
"ewan ko sayo, alam mo hon. sobrang namimiss ko na yong ganito iyong sabay tayong kumakain tapos nag kwekwentuhan"
"oo nga,pasensya ka na kung nitong nagdaang linggo hindi kita nasasabayan sa pagkain pipilitin kong makabawi sayo"
"talaga sabi mo yan"
"oo hon.pangako"
"huwag kang mangako gawin mo na lang, o siya tapusin na natin itong pagkaen at ng makapag pahinga na tayo"....
--------------DAWN'S POV--------------
Nakahiga na kami ni richard,pinapikramdaman ko lang siya na nasa tabi ko dati-rati'y yakap-yakap nya ako kapag matutulog na kami pero heto't nakatagilid siya sa akin ng nakatalikod yayakapin ko sana sya pero bigla akong nahiya,hinaplos ko na lang ang labi ko na kanina lang ay madiin nyang hinahalikan,sinubukan kong ipikit ang aking mga mata pero hindi talaga ako makatulog para bang nasa tabi ko lang si lucy paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya sa akin,ang ipinagtataka ko bakit naroon si lucy sa trabaho ni richard? hindi kaya palihim silang nagkikita???, naku! lord sorry po talaga pinaghihinilaan ko ang asawa ko paano ba naman kasi binibigyan nya ako ng motibo para paghinalaan sya....Maya-maya pa'y tumunog ang cellphone ni richard pinakiramdaman ko lang sya habang nakapikit ako, naramdaman kong kumilos siya hmmmmm sino naman kaya ang tatawag sa disoras ng gabi magtulog-tulugan nga ako para marinig ko ang usapan nila!
"hello babe bakit ka tumawag?mabuti na lang at tulog na si dawn" pabulong na sabi niya sus akala nya naman hindi ko naririnig malinaw kaya ang pandinig ko,shocks tama ba ang narinig ko babe ang tawag nya sa kausap nya?( >.< )parang gusto kong bumangon at agawin ang cellphone nya ng sa ganon malaman ko kung sino iyong kausap nya,Dawn kalama lang cge ka pag ginawa mo yon malalaman ni richard na gising ka pa :D
"ikaw talaga miss mo ko kaagad kagagaling ko lang naman dyan kanina" dagdag pa nitong si richard! anak ng ********* !!!,Iyong kausap nya kaya ang pinupuntahan nya kaya gabing-gabi na sya umuwi???Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa usapan nila
"ibababa ko na babe i love you" Nagpantig ang tenga ko pagkarinig sa sinabi ni richard totoo nga ang tsismis may babae ang asawa ko,nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib hindi ako makapaniwala na matagal nya na pala akong niloloko ang sakit sakit naman ng nararamdaman ko ngayon!! T,T nag iinit na ang mga mata ko nagbabadyang tumulo ang aking mga luha kaya't napabalikwas ako ng bangon
"kanina ka pa gising?" tanong nya sa akin pero hindi ako sumagot konting-konti na lang tutulo na ang luha ko,dali dali akong nagtungo sa banyo at doon na ako napahagulgol di ko lubos maisip kung bakit nagawa nya akong lokohin lahat naman ginawa ko para maging isang mabuting asawa sa kanya tapos heto ang igaganti nya, ang sakit sakit na malaman mong niloloko ka lang pala ng taong minamahal mo parang ayoko na ngang lumabas ng banyo hindi ko kayang makita si richard..
"dawn ! buksan mo itong pinto" nagpunas ako ng luha bago ko binuksan ang pinto kahit labag sa loob ko ng sa ganon hindi nya malamang umiiyak ako
"ang akala ko napano ka na kanina pa kita kinakatok eh" nagbaba ako ng tingin
"sumakit ang tyan ko kaya medyo natagalan,maiwan na kita babalik na ako sa pag tulog" di ko na inantay na sumagot siya,lumabas ako ng kwarto namin mas pinili ko na lang na doon ako matulog sa kabilang kwarto kahit na medyo mainit don kaysa naman makatabi ko pa sya.Buong magdamag akong umiyak ng umiyak dahil sa sama ng loob magulo ang utak ko sa kakaisip para na akong mababaliw....T.T
*Kinaumagahan nagtaka si richard dahil nga hindi na bumalik si dawn sa kwarto nila kagabi at sa pagbaba niya nanibago rin siya dahil wala si dawn sa kusina nasanay na kasi siya na sa tuwing nagpupunta siya roon ay palagi niyang naabutang nagluluto ito doon,sasalubungin siya nito at magtatanong ng "HONEY GUTOM KA NA BA?HALIKA KAIN KA NA" pero ngayon ni hello wala man lang siyang naririnig talagang nakakapanibago kapag nakasanayan mo na ang isang bagay tapos bigla na lang mawawala.
"good morning sir! nagugutom na po ba kayo?" mula sa kasambahay na nasa likuran niya
"manang nasaan ho si dawn?"
"hindi ba sya nag paalam sa inyo?maaga pong umalis si maa'm"
"umalis siya ng hindi nagpapa alam sa akin?"
"masama daw ho kasi ang pakiramdam nya magpapacheck-up siguro sir" naisip ni richard na baka nga nagpacheck-up lang ito dahil kagabi nga ay masakit raw ang tiyan nito pero kahit na dapat ay nagpaalam pa rin ito sa kanya para nasamahan nya ito.
"baka ho sir ayaw nya lang na istorbohin ang pagtulog mo kaya hindi na nagpaalam"
"siguro nga po manang salamat.." Sinubukang tawagan ni richard si dawn pero hindi nito sinasagot kaya hinayaan nya na lang ito, Sinamantala nya rin ang pag alis ni dawn para puntahan si Lucy....
------End of chapter 42-------
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...