33

2.4K 39 4
                                    

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang tumunog ang cellphone ni Dawn ,Richard was calling,.

"hello honey, i miss you"

humagikgik siya "para kang sira! "

"ilang minutes pa lang tayong nagkakalayo missed na missed na agad kita" kinilig naman siya sa sinabi nito

"basta tumawag ka lang kapag free ka na ha ,i love you i'll be waiting for you"

"gusto mo bang umuwi na lang ako honey?"

"sira ka talaga nandyan ka na sa byahe tapos uuwi ka pa? kaya ko pa namang maghintay sayo eh "

"talaga? alam ko namang miss na miss mo na ako" may panunuksong sabi nito

"oo na miss na kita kaya uwi ka ng maaga ha" pababby talk na sabi niya rito

"opo misis ko, uuwi ako ng maaga para sayo basta mamayang gabi ha "

"anong mamayang gabi ka dyan?" pinipigilan nyang huwag matawa

"basta alam mo na yon"

"ewan ko sayo sige na ibaba ko na nasa byahe ka eh! "

"sige na nga i love you"

" i love you too take care"  pipindotin nya na sana ang end call button pero may pahabol pang kiss itong si richard..

Ganadong-ganado si Richard na magtrabaho ng araw na iyon basta't marinig nya lang ang boses ni Dawn pakiramdam nya full of energy siya kahit tambak ang trabaho niya sa opisina,Nahinto siya sa kanyang ginagawa nang katokin siya ng kanyang sekretarya

"bukas yan tuloy ka" aniya na tumingin sa may pintuan

"sir pasensya na po sa abala,may naghahanap po kasi sa iyo" 

"sino?" kumunot ang noo niya wala naman kasi siyang inaasahang bisita 

"kung hindi po ako nagkakamali sir sya po yung bagohang artista,hindi ko lang po alam ang pangalan basta't ang sabi nya po matalik daw po kayong magkaibigan" napaisip tuloy si Richard wala naman kasi siyang ibang kakilala na artista na kaibigan niya bukod sa ex girlfriend niyang si lucy imbis na magisip pa siya sinabi nya na lang sa sekretarya na papasukin na lang ang bisita niya.Maya-maya pa'y pumasok ang isang maputi at seksing babae.

" hi richard long time no see how are you?"para itong modelong rumampa palapit sa table niya

"L-Lucy?????" napatayo si richard sa kinauupuan niya ,hindi nya talaga inaasahan ang biglaang pagdating ng ex girlfriend niyang si lucy napakatagal na panahon na ang lumipas noong huli nya itong nakita ng personal kadalasan ay sa mga tv commercials nya na lang ito nakikita magmula noong putulin na niya ang ugnayan nilang dalawa

" bakit parang hindi ka yata masaya na makita ako?" may pang aakit ang tingin nito sa kanya

"nagulat lang ako,a-ano nga palang ginagawa mo rito?" 

"hindi pa ba halata? binibisita lang kita" 

"pasensya ka na lucy pero pwede bang sa susunod na lang tayo mag usap? may trabaho pa kasi ako" nag iwas siya ng tingin rito hindi nya kasi gusto ang nakikita niya expose na expose ang maumbok nitong dibdib ,sa nakikita niya ngayon napakalayo na ng lucy na kilala niya noon kaysa lucy na kaharap niya ngayon ang pagka conservative nito noon sa pananamit ay ibang iba na sa ngayon na halos gusto na nitong ipakita ang mga masisilan nitong bahagi sa katawan.

"so it means you want me to leave?"  nag taas ito ng kilay

"hindi naman sa pinapaalis na kita,ang sabi ko saka na lang tayo mag usap pagtapos ng trabaho ko" mahinahon niyang sagot rito

"hindi mo ba ako namiss?"  hindi nakasagot si richard

SHIT!! ANO BA ITONG NARARAMDAMAN KO ??BAKIT ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO NGAYONG KAHARAP KO ANG BABAENG MINAHAL KO NOON,BAKIT PARANG NASASABIK AKO NA YAKAPIN AT HAGKAN SIYA? MALI ITONG NARARAMDAMAN KO HINDI KO DAPAT ITO MARAMDAMAN MAY ASAWA NA AKO AT MAHAL KO SIYA...

"chard?????"  napansin kasi nito ang biglaang pananahimik ni richard

"ha?" napalunok si richard

" i said namiss mo ba ako?"

"makakalabas ka na lucy,pasensya ka na talaga"  hindi niya sinagot ang tanong nito

"okay fine kung hindi ka pa handang kausapin ako babalik ako ulit dito para magkausap tayo"

padabog itong lumabas ng opisina niya,saka lang nakahinga ng maluwag si richard noong maka alis na ito,malamig naman sa silid na iyon pero bakit bigla siyang pinawisan??..Nawala na ang konsentrasyon niya sa pagtratrabaho nang dahil kay lucy hindi nya maalis sa isip niya ang itsura nito,merong bahagi sa puso niya ang may pananabik pero pilit niyang isinasaksak sa kokote nya hindi nya dapat iyon maramdaman sa babaeng basta basta na lang siyang iniwan sa ire....Wala pang alas nuwebe na karaniwang oras ng uwi ni richard, pero umuwi na siya sa bahay nila naisip niya na baka makalimutan na niya si lucy kapag nakita na niya si Dawn..

" honey!!" masiglang salubong ni Dawn sa kababa lang ng sasakyan na si richard, isang halik sa labi ang isinagot niya kay Dawn

"ang aga mo ngang umuwi" yumakap ito sa kanya

"sabi ko naman sayo diba uuwi ako ng maaga?" sa noo nya naman ito hinagkan

"tara na sa loob tamang tama kakaluto ko lang ng paborito mong ulam" 

" talaga? osige na nga,parang bigla akong nagutom honey" binuhat niya ito na para bang bago silang kasal

" honey ibaba mo na ako kaya ko namang maglakad eh! "

"hayaan mo na lang ako hon." parang maliit na bata niya itong kinarga patungo sa loob,hindi na nagreklamo si Dawn dahil pabor na pabor naman sa kanya ang pagbuhat sa kanya ng asawa.

Matapos nilang kumain wari'y kapwa silang sabik na magtungo sa kwarto

" are you ready??" aniya ni Richard matapos mailapag si Dawn sa kama

"ikaw naman para kang may lakad msyado kang nagmamadali i wil take a bath first para naman mabango ako" akmang babangon na sana si Dawn pero dinaganan siya ni Richard

"huwag ka ng maligo honey mabango ka naman eh!" hinalikan niya ang  leeg nito

" sige na honey please gusto ko munang maligo promise bibilisan ko lang"

" osige basta bilisan mo lang ha"  tumango lang si Dawn,pinagbigyan naman siya ni richard kahit na napipilitan lang ito.pagkapasok niya sa C.r sumunod sa kanya si Richard

"oh?? anong ginagawa mo labas na hon"

"gusto ko ding mag shower" pilyong sagot nito 

"mamaya ka na ako muna,dali na lumabas ka na" natatawang itinulak nya pa ito palabas ng banyo

"kiss muna bago ako lumabas" pinagbigyan nya na lang ito para matapos na ang pangungulit nito sa kanya....

end of chapter 33...

ahemmm aheemm kotang kota na tayo nito sa Spg!!! :D 

readers antayin na lang muna nating matapos si Dawn maligo :D

Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon