Dedicated to:
Chardaw_forever,launionbullshark,eighteenfinity_01,mykacj14,lightskyblue,patriciajeanVentosa.....
Anton: Richard??!!
Richard: (hindi nya narinig na may tumatawag pala sa kanya abala kasi siya sa pagttxt)
Anton: Richard! (ulit niya sa pagkakataong iyon tumingin na si richard)
Richard: (nag angat ng mukha saka ibinulsa ang cellphone na hawak) dawn????.... si dawn nga ba itong nakikita ko hindi kaya namamalikmata lang ako (kinusot ang mata nya pero nasa harapan nya pa rin ang babaeng kaytagal niyang hinintay at hinanap,nakatitig lang din ito sa kanya,Kung noon maganda na talaga ito,ngayon ay mas naging kaakit-akit ito sa kanyang mga mata ni minsan hindi sumagi sa isip nya na sa lugar na iyon sila magkikita hindi nya nga alam na doon pala ito nagtratrabaho at may kasama pa itong lalake na medyo familiar sa kanya ang hitsura ano kayang relasyon ng dalawang ito?hindi kaya ito ang boyfriend nya?,hindi maintindihan ni richard kung ano ang nararamdaman niya habang naglalabanan sila ng tingin ni dawn nasasabik siyang muli itong mayakap at muling marinig ang boses nito) ....D-Dawn?? ....(mahina lang ang pagkakasabi niya ng pangalan ni Dawn wala na syang pakialam kung sino itong lalakeng tumatawag sa kanya basta't ang nakikita nya lang ay si Dawn)
Dawn: (hindi rin nakapagsalita,nakatitig lang kay richard) Ano ba itong nararamdaman ko hindi ko maintindihan pra bang may naguudyok sa akin na yakapin ko sya?,dyos ko ang puso ko parang gusto ng tumalon sa sobrang kaba ko ngayon... ano bang gagawin ko?...(titigan pa din sila ni richard)..... Napakatagal na ng panahon na lumipas pero wala pa ring nagbabago sa hitsura nya kung meron man siguro ay iyong naging matured lang syang tignan...nanaginip lang ba ako?? totoo bang kaharap ko ngayon ang taong naging dahilan ng paglayo ko....bakit ngayon pa kami nagkita??....bakit????.....dyos ko !anton magsalita ka na nga parang umurong ang dila ko...(protesta ng isip niya)
Anton: magti-titigan na lang ba tayo? Richard natatandaan mo pa ba ako?(nagsalitan ang tingin nya sa dalawa)
Dawn: (tahimik pa din) salamat naman at nagsalita ka na din anton!!
Richard: ah oo Mr.Anton Lagdameo kung hindi ako nagkakamali ikaw iyong successful businessman na kapatid ng business partner kong si Kian Lagdameo tama ba? (ibinaling ang tingin kay Anton)
Anton: tama ako nga iyon magkakilala pala kayo ng kapatid ko?(magsasalita pa sana si Anton pero tumunog ang cellphone niya).... Dawn,Mr Richard sandali sagutin ko lang to
Dawn: (tumango lang at nag-iwas ng tingin sa gwapong lalakeng nasa harapan niya)
Anton: (lumayo ng bahagya sa dalawa para sagutin ang tawag)
Richard: k-kamusta ka na?(ibinalik ang tingin kay dawn kahit na medyo kinakabahan pa)
Dawn: nakikita mo namang okay lang ako diba??....ano ba yan bakit iyon ang nasabi ko?(maski siya nagulantang sa lumabas sa bibig niya ,mukha atang may pagkamataray ang sagot niya,bahala na nga papanindigan nya na ang pagtataray niya kaysa naman mapahiya siya,mabuti na lang at palapit na sa kanila si Anton ligtas na siya)
Anton:(lumapit sa dalawa) Dawn pasensya ka na talaga,importante kasi iyong tumawag----
Dawn: (hindi na pinatapos sa pagsasalita si anton nahuhulaan nya na kung anong sasabihin nito pero bakit ngayon pa?? wrong timing naman!!!akala pa naman nya ligtas na siya kay richard)....o-okay lang puntahan mo na (pilit ang ngiting tumingin kay anton)
Anton: Mr. Richard next time na lang tayo mag-usap wrong timing eh maiwan ko muna kayo (tinapik ang balikat ni richard)...dawn pasensya ka na talaga ha babawe ako sa susunod
Dawn: (tumango lang ulit...pagka alis ni Anton nagkatitigan sila ulit ni richard).....Mauna na ako..(lalakad na sana)
Richard: sandali lang,pwede ba kitang makausap?
Dawn: nagmamadali ako pasensya na(tinalikuran nya si Richard at nagmadaling lumakad palayo rito) dyos ko bakit ba ako kinakabahan?....(sabi nya pagkapasok sa elevetor)
Richard: sandali wag mo muna isara(ihinarang ang kamay niya sa pintuan)
Dawn: (naiinis na hindi nya maintindihan ang nararamdaman,nagdadalawang isip tuloy siya kung lalabas ba siya o mananatili sa elevetor kasama si Richard)
Richard:(pumasok na sa elevetor,nagkatitigan pa sila ni dawn bago siya tumabi dito)
Dawn:(bumuntong hininga na lang) nakakainis naman oh! bakit kaming dalawa lang ang nandito sa elevator?(hinihintay nya kung sino sa kanilang dalawa ang pipindot para isara ang pintuan) ako na nga lang!! (ipre-press na sana niya ang button pero parehong nagkasabay sila ni richard at parehong number pa ang napindot nila,kaagad nyang inalis ang daliring natabunan ng daliri ni richard ewan ba niya pero parang nakuryente siya sa pagkakadikit ng balat nila).....ikaw na ang mag press..
*pagkasara ng pinto ng elevator parang may dumaang anghel sa pagitan nilang dalawa kaya si richard na ang bumasag sa katahimikan nila*
Richard: dito ka nagtratrabaho?
Dawn: hindi ba ovious? (tinaasan nya ito ng kilay)
Richard:Matagal ka ng nagtratrabaho dito?
Dawn: hindi naman (kunware diretso lang ang tingin niya pero kitang-kita sa kabilang gilid ng mata nya pasulyap-sulyap sa kanay si richard)...i-ikaw anong ginagawa mo dito?
Richard: meron kaming meeting ni Mr.Kian dito
Dawn: ahh(na speechless bigla)
Richard: nandito na pala tayo (sabi nya pagkabukas ng pinto,pinauna nyang lumabas si Dawn)....Masaya akong nagkita tayo ulit sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita (nakatalikod na si dawn sa kanya pagkasabi nun)
Dawn: (napahinto sa paglakad,nilingon nya si Richard) wish mo lang....Anong sabi mo?(kunware hindi nya narinig ang sinabi ni Richard pero malinaw pa sa crystal clear ang pagkakarinig nya sa sinabi nito)
Richard: a,e sabi ko dito na ako (ngumiti ng pilit,at saka umiba ng direksyong lalakaran kung saan hindi sila magkakasabay ni Dawn) ano ba richard sinayang mo ang pagkakataon tadhana na ang naglapit sa inyo para magkita kayong muli pero sinayang mo ang pagkakataon!!(bulong ng isip nya).....magkikita pa tayong muli,sisiguraduhin kong sa susunod nating pagkikita lalakasan ko na ang loob ko..(pagkasabi nun nilingon nya si Dawn pero nakatalikod na ito,pinanuod nya ang paglakad nito)....wala ka pa ring ipinagbago,lalo ka pang gumanda sayang at hindi ko naitanong kung ano ng nangyari sayo sa loob ng limang taong nagkalayo tayo,may iba ka na rin kaya? o baka may anak ka na rin marami akong gustong itanong sayo pero hindi pa siguro ito ang tamang pagkakataon..(tumalikod na rin siya)
Dawn:(Nilingon nya si Richard pero nakatalikod na ito)...masayang-masaya din akong nagkita tayong muli,sana nga magkita pa tayo,gusto kong malaman kung kayo pa ba ni Lucy,kung kamusta ka na? anong naging buhay mo noong iniwan kita....(sinaisip nya iyon habang pinapanuod ang papalayong si richard hindi nya namalayan na tumulo na pala ang luha nya).....ang arte talaga nitong mata ko...(nagpunas siya ng luha at lumakad na rin..)
----end of chapter 51---- :D
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...