"mukhang may problema ka yata" laking gulat na lang ni lucy pagkalingon sa lalakeng nasa tabi niya
"M-Mateo? a-anong ginagawa mo rito?" namutla siya.hindi nya inaasahang magpapakita sa kanya ang lalakeng nakabuntis at nanloko sa kanya. ano kaya ang binabalak nito??
"bakit parang gulat na gulat ka hindi ka ba natutuwa na nandito na ulit ako?,matagal na kitang sinusundan mabuti na lang at natyempuhan kita ngayon" sabi nito na may nakakalokong ngiti
"pagkatapos ng lahat ng ginawa mo may lakas ka pa ng loob na magpakita sakin?" sasampalin nya sana ito pero nahawakan ni mateo ang kamay niya
"lucy huminahon ka,nandito ako para itama ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sayo" binawe ni lucy ang kamay niya kay mateo
"umalis ka na hindi kita kailngan!!!" pasinghal na sabi ni lucy kahit na pinagtitinginan na sila ng mga taong nasa paligid nila
"gusto kong makita ang anak natin" natigilan si lucy
"ANAK NATIN???? wala tayong anak mateo umalis ka na nga!" maang maangan niya
"huwag ka ng mag sinungaling,buntis ka noong iwan kita kaya napaka imposible ng sinasabi mo"
"hindi ako nagsisinungaling ,pinalaglag ko ang bata kung ayaw mong umalis ako ang aalis (bago siya tumayo pinanlisikan niya ng mata si mateo saka muling nagsalita)..at itong tatandaan mo ayaw na kitang makita ulit,kaya pwede ba huwag mo ng guluhin ang buhay ko" tumayo na siya saka tinalikuran si mateo
"hindi ako naniniwala sayo gagawa ako ng paraan para bumalik ka sa akin kasama ng anak natin" walang lingong lumabas ng bar si lucy sinundan lang sya ng tingin ni mateo hanggang sa makalayo siya.........
*sa kotse ni lucy*
"hinding hindi ako makakapayag na makabalik ka pa sa buhay ko mateo!!at lalong hindi ko hahayaang guluhin mo ang buhay ko at ng anak ko sisiguraduhin kong hindi malalaman ni Richard ang katotohang hindi nya tunay na anak si liam" napahigpit ang paghawak ni lucy sa manebela at walang humpay ang pag tulo ng kanyang mga luha....
***********
Kaba-baba lang ni dawn sa kotse ,papasok na sana siya sa loob ng gusaling pinagtratrabahuan niya ng marinig nyang may tumatawag sa kanya hindi kalayuan sa kinatatayuan niya lumingon-lingon siya para hanapin kung saan nanggagaling ang familiar na boses,napangiti siya pagkakita sa taong tumatawag sa kanya
"Anton !!??"
"mabuti't narinig mo ako kamusta na?ang tagal din nating hindi nagkita alam mo lalo ka pang gumanda"
"sus! pag nagkita ulit kailangan mangbola?,heto okay naman ikaw? kailan ka pa dumating ilang buwan ka ring out of town biglaan naman ata ang pagbabalik mo maguguluntang ang mga empleyado nyan"
"kailan ba kita binola?totoo naman lahat ng sinasabi ko sayo ayaw mo lang maniwala,kahapon lang ako nakauwi gusto ko nga iyong biglaan ang pagdating ko eh para magulantang sila..(siya lang ang natawa sa sinabi niya)...sya nga pala dawn kamusta ang pamamalakad ng kapatid ko sa kompanya?"(bawi niya,medyo napahiya kasi siya sa pagtawa niya na wala namang nakakatawa)
"maayos naman ang pamamalakad ni kian,professional na din magtrabaho tulad mo" na ang tinutukoy nila ay ang nakababatang kapatid ni Anton na si Kian Lagdameo
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...