------MAKALIPAS ANG LIMANG TAON-------
Tahimik at masaya si Dawn sa bagong kabanata ng kanyang buhay kasama ang cute na cute na kambal na anak niyang lalake't babae na sina Chardy at Dawnesse na ngayon ay mag aanim na taon na,napaka bibo ng kambal kaya naman tuwang-tuwa talaga siya kapag kasama ang dalawang anghel ng buhay niya hindi maikakailang anak nga ang mga ito ni Richard manang mana kasi ang kambal sa ama nila lalong lalo na si chardy na animo'y batang richard ang mukha. Kahit na limang taon na ang lumipas hindi pa rin maiwasan ni Dawn na maisip ang ama ng mga anak niya may pagkakataon pa rin na sumasagi ito sa isipan niya pero hanggang doon na lang iyon hindi na siya umaasa na muli pa silang magkikita,wala na siyang balita kay Richard magmula noong putulin niya ang koneksyon rito.Marahil maligaya na rin ito kasama si Lucy at ang anak nila dahil hindi na siya hinanap ni Richard matapos niyang iwan ito mabuti na rin siguro iyon para maging tahimik at simple ang pamumuhay nilang mag-iina.Di na rin muling umibig si Dawn kahit pa marami ang nag naghahabol sa kanya sapat na sa kanya ang dalawang niyang supling para maging buo at masaya siya.
"MAMA!!!!!" patakbong sinalubong si Dawn ng Kambal,kakauwi nya lang galing sa kompanyang pinagtratrabahuan na pagmamay-ari ng high school classmate niya noon na si Anton Lagdameo
"babies ko! pakiss nga si mama" yumukod siya para hagkan ang mga ito sa noo at sa pisngi,nagpakarga pa sa kanya ang kikay at bibong si Dawnesse.
"how's your school?" tanong nya sa dalawa,habang karga ng isa niyang kamay si dawnesse at ang isa namang kama'y ay hawak ang xerox copy ang mukha kay richard na si chardy,Naupo sila couch,sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho nakagawian na ng kambal na magkwento sa kanya tungkol sa buong maghapong ginagawa ng mga ito.
"mama tignan mo po" mula kay dawnesse na ipinakita nag kanang kamay na maytatak ng stars tanda ng pagiging active nito sa mga school activities nila.
"wow! very good pala ang baby girl ko" sagot nya na pinisil pa ang pisngi nito
"kasi po mama,very good daw ako sabi ni teacher,nag color po kami ng mga books and then nag sing and dance po kami" buong pagmamalaking sabi nito
"mama ako din po merong stars" singit naman ni chardy na yumakap pa kay dawn
"very good pala ang mga baby ko eh,dahil dyan may pasalubong si mama!" niyakap nya ang dalawa
"yehey!!!!" sabay na nasambit ng kambal na nagtaas pa ng dalawang kamay
"mama diba po nag promised ka na kapag lagi po kaming very good sa school igragrant nyo po yung wish namin?" si dawnesse ang nagsalita
"yes baby ano ba yung wish nyo ni chardy?" nagkatinginan ang kambal na para bang nagsisinyasan kung sino ang magsasabi
"chardy tell it to mama"
"why me? ikaw dapat ang magsabi kay mama"
"sige na chardy ikaw na" Natawa na lang si dawn habang nagtuturuan ang dalawa
"go baby tell it to me don't be shy"
"sige na nga,Mama diba po malapit na ang birthday namin ni dawnesse?"
"oo anak ,i guess you want some new toys noh?" umiling ang dalawa
"hindi po mama,gusto po namin si papa pwede po ba sa birthday namin nandun sya?please po gusto na namin syang makita sabihin mo po sa kanya na umuwi na sya" ang alam kasi ng mga ito nasa ibang bansa ang papa nila,iyon ang sinasabi nya kapag nagtatanong ang mga ito kung nasaan ang ama nila,kahit na inilayo ni dawn ang mga anak niya kay Richard ipinapakita nya naman ang mga litrato nito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...