Nagpunta si Dawn sa kaibigan nyang si Vivian na ngayon ay isa ng doktora,magpapacheck-up siya dahil nga sa madalas niyang pagkahilo at pagduduwal,naikwento nya na rin ang tungkol sa babae ni richard habang hinihintay nila ang resulta ng test na isinagawa sa kanya.
"tahan na friend kanina ka pa iyak ng iyak tignan mo namamaga na iyang mata mo" mula kay Vivian na hinahagod ang likod ni dawn awang-awa siya dito iyon kasi ang unang pagkakataon na nakita nyang umiyak ito ng todo habang nagkwekwento sa kanya
"hindi ko mapigilan viv.ang sakit talaga eh,malaki ang tiwala ko sa kanya kaya hindi ko talaga inakala na magagawa nya iyon sa akin" naisandal niya ang ulo sa balikat ni vivian kasabay ng pag iyak
"kinausap mo na ba sya tungkol doon?" hinaplos niya ang balikat ni Dawn
"hindi pa,di ko pa sya kayang harapin pagkatapos ng nalaman ko"
"pero friend hangga't hindi kayo nag-uusap ng masinsinan hindi nyo mareresolba iyang problema nyo,paulit-ulit ka lang na masasaktan ang mabuti pa'y tanungin mo sya kung anong dahilan bakit nagawa nya yon ,marahil may pagkukulang ka na di mo maibigay sa kanya at sa iba nya iyon nakita" tumingin si dawn kay vivian
"anong pagkukulang??lahat naman ginawa ko para maging mabuting asawa sa kanya" sandaling natahimik si dawn animo'y may malalim na iniisip
"viv.alam ko na kung ano iyong pagkukulang na yon" dagdag pa niya
"ano naman yon?" umayos ng upo si vivian halata sa mukha nito na interesado itong malaman kung ano ang sasabihin ni dawn
"ANAK viv. iyon ang hindi ko maibigay kay Richard sa tingin mo ba iyon ang dahilan kaya sya ngbabae?"
"tama!!! iyon nga siguro friend"
"ilang beses na naming sinubukan pero wala talaga" napayuko na lang si dawn pagkasabi niyon
"nagpatingin na ba kayo sa doktor?baka naman isa sa inyo ang may problema" Natigil ang usapan nila ng lumapit ang nurse kay vivian
"excuse me dok. heto na po ang resulta ng ginawa nyong test sa pasyente" anito na merong ibinigay na ilang papeles kay vivian,kinuha iyon ni vivian at tinignan,nakatingin lang si dawn sa kanya.
"viv. anong nginingiti-ngiti mo dyan?" nakita ni dawn ang maluwag na ngiti ni vivian habang nakatingin sa papel na hawak nito.sinulyapan siya nito
"tignan mo ito dali!!! " kaagad na ipinakita ni vivian ang resulta ng kay dawn
"ano namang ibig sabihin nito?' sabi niya na nakakunot pa ang noo,nagulat na lang siya ng bigla siyang yakapin ni vivian
"Friend CONGRATULATIONS!!!!!!" na i-excite na sabi nito
"ha?para saan" takang tanong niya rito
"hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sobra akong natutuwa para sayo !!" naguguuhan na siya sa pinagsasabi ni Vivian mangiyak-ngiyak pa nga itong nakatingin sa kanya
"ano nga kasi iyon viv.naguguluhan na talaga ako" huminga ng malalim si Viv. bago pa ito nagsalita
"pasensya ka na,sobra lang kaso akong natutuwa..................................ano kasi Friend.................pano ba ito? ummmmmm............................mag iisang buwan ka ng nagdadalang tao!!!!!!, iyong pagkahilo mo ng madalas at iyong pagsuduwal mo sintomas yon ng pagbubuntis mo" pinagpawisan pa si vivian habang sinasabi iyon.natulala na lang si dawn pagkarinig sa sinabi ni Vivian,tama nga ba ang narinig nya na buntis siya??hindi kaya nana-naginip lang sya?......
"hoy friend natulala ka na dyan okay ka lang ba?" hindi na sya nakaimik pa nayakap nya na lang si vivian ng mahigpit at napaluha sa labis na kaligayahan
"viv.totoo ba ang narinig ko na buntis ako?" mangiyak-ngiyak na sabi niya,niluwagan niya ang pagkakayakap kay vivian saka hinarap ito
"oo totoo ang narinig mo hindi ka nana-naginip,masayang masaya para sayo finally magkakababy na kayo ni richard!" ang masayang mukha ni dawn ay unti-unting napawi
"oh?bakit ka na naman sumimangot?hindi ka ba natutuwa na magiging mommy ka na?"
"masayang-masaya ako viv.kaya lang hindi ko pa alam kung paano ko ito sasabihin kay richard ayoko muna syang makita naiinis pa rin ako sa kanya" kinuha ni vivian ang dalawang kamay ni dawn at pinisil iyon
"makinig kang mabuti sa akin, ang mabuti mong gawin umuwi ka na,kausapin mo si richard at makipag ayos ka malay natin bumalik na ang dating richard na nakilala mo kapag nalaman nya ang tungkol sa pagbubuntis mo at isa pa magmula ngayon iwasan mo na ang mainis,magalit at lahat ng mga negatibong bagay makakasama iyan sayo at sa baby mo,kumain ka ng masusutansyang pagkain para maging healthy yang si baby paglabas nya" hinaplos pa ni vivian ang tiyan ni dawn
"osige makikipag ayos ako kay richard para sa baby namin at simula ngayon hindi na ako magagalit o maiinis sa kanya .Viv. salamat ha dahil sayo gumaan ang loob ko mabuti na lang at nariyan ka palagi,pangako susundin ko lahat ng bilin mo" ngumiti na ulit siya
"good,dapat isa ako sa magiging ninang ng baby na yan ha"
"oo naman!,makakalimutan ba kita?"
"yun oh!! o siya marami pa akong ipapaalala at ituturo sayo ng sa ganon ligtas ang pagdadalang tao mo" Matapos ng ilang paalala ni vivian kay dawn umuwi na ito.................................
-----end of chapter 44--------
:)
'
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...