Chapter 47

2.2K 38 11
                                    

*Sa opisina ni Richard*

Abala siya sa pagtipa ng keyboard ng kanyang laptop nang pumasok si lucy,madilim ang mukha nito.

"babe ikaw pala bakit hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka dito?" tumayo siya sa kinauupuan niya upang lapitan ito

"pupunta ako dito kung kelan ko gusto,anong dahilan bakit ilang araw ka ng hindi bumibisita sa akin? ni tawag wala man lang!" mariing sabi nito

"sshhhhh hinaan mo ang boses mo baka may makarinig,pupuntahan naman kita kaya lang hindi muna ngayon nagpapalamig pa ako sa asawa ko nakakahalata na siya kailangan kong bumawe sa kanya"

" so kung hindi pa kita pinuntahan dito hindi ko malalaman na wala kang balak na puntahan ako? wala akong pakialam kung kailangang bumawe ka kayy Dawn,Ang gusto ko lang tuparin mo ang responsibilidad mo sa amin ng magiging anak mo"

"lucy hindi ko naman kinakalimutan yon, ang akin lang intindihin mo rin naman ako,hindi naman pwedeng lahat ng oras ko ilaan ko sayo,asawa ko pa rin si dawn may mga responsibilidad pa din ako sa kanya bilang asawa nya"

"ang ibig mo bang sabihin pinipili mo si dawn kaysa samin ng anak mo?"

"hindi yon ang ibig kong sabihin"

"mamili ka kami ng anak mo o iyang asawa mo na hindi ka mabigyan ng anak?"

"wala akong pipiliin pareho ko kayong mahal"

"kung ganon, pwes kalimutan mo ng may anak ka!!" tinalikuran sya nito at lumabas ito ng kanyang opisina

"lucy!!" gusto nyang habulin ito kaya lang tiyak na maiiskandalo sila at baka makarating pa iyon kay Dawn,nasabunutan na lang ni richard ang kanyang sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Lucy.Pagkatapos ng trabaho sinubukan niyang kausapin si lucy pero mainit pa din ang ulo nito ang pag-uusap nila ay nauwi lang sa away kaya nag inom na lang siya para panandaliang makalimot sa problema niya.

Nagising si Dawn dahil sa pagpasok ni Richard sa kanilang kwarto

"honey? bakit ngayon ka lang" hindi ito umimik,dire-diretso itong nahiga sa kama nila ng hindi pa nakakapag bihis,amoy na amoy ni dawn ang alak pagka higa ni richard sa tabi niya na nakadapa pa

"uminom ka?" tanong nyang muli rito

"oo"

"pero bakit?'

"bukas na lang tao mag-usap gusto ko ng matulog"

"sabihin mo nga sakin may problema ka ba?" hindi na nakasagot pa si richard dahil nakatulog na ito bumangon si dawn para bihisan si Richard.Habang pinupunasan nya ito ng maligamgam na tubig tumunog ang cellphone na nasa bulsa nito kinuha nya iyon,nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita ang litrato at pangalan ni lucy sa screen,sinagot nya ang tawag nito pero hindi siya nagsalita.

"hello babe! sorry kanina kung inaway kita mainit lang talaga ang ulo ko,alam mo naman ang buntis paiba-iba ng mood,hindi kita matiis kaya tumawag ako akala mo ba nakalimutan ko na birthday mo na bukas? syempre hindi kaya bukas na bukas pumunta ka sa condo may surpresa ako para sayo tska doon na natin icelebrate ang mo birthday mo ha" Nanginginig si Dawn habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Lucy na para bang gusto na niyang ibato sa natutulog na si richard ang cellphone nito sa tindi ng galit na nararamdaman niya

"napakawalang hiya mo lucy!!" sagot niya na nanginginig pa ang boses

"d-dawn?,bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni richard?" halata sa boses ni lucy na nagulat ito pagkarinig sa boses ni Dawn

Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon