Makalipas ang isang linggo hindi na muling nagpakita si Lucy kay Richard.Ang akala ni richard ay ibinaon na rin nito sa limot ang nangyari sa kanila noong magising sila na pareho na silang hubo't-hubad.
Naririndi na Lucy sa kakatalak sa kanya ng manager niyang si Analou galit na galit ito sa kanya nang sabihin niyang 3 weeks na siyang buntis.
"ano na ang ang mangyayari sa career mo oras na maisapubliko iyang pagbubuntis mo? hindi mo man lang ginamit iyang kokote mo bago ka nagpakasarap! sige nga sabihin mo sakin anong mangyayari sa inyong mag ina ngayong tinakbuhan ka na ng lalakeng nakabuntis sayo?" palakad lakad si Analou sa harap ni Lucy,kung makasermon ito animo'y siya ang ina ni lucy.
"Analou wala ka ng dapat ipag alala may naisip na akong paraan,may kikilaning ama itong batang ipinagbubuntis ko" yumuko si lucy at hinawakan ang kanyang tiyan
" at sino naman?" napahinto sa paglakad si analou,humarap ito kay lucy at nameywang
"ang ex boyfriend kong si richard,hindi nya alam na 2 weeks na akong nagdadalang tao noong isagawa ko ang plano" tumingin ng diretso si lucy kay analou
"sa tingin mo ba ay paninindigan nya iyang batang hindi naman sa kanya?" humalukipkip si analou na nakataas ang kanang kilay
"sisiguraduhin kong pananagutan nya ako kung kinakailngang gamitin ko itong anak ko para magkabalikan kami gagawin ko analou disperada na ako,at kung kinakailangang ding agawin ko si richard sa asawa niya gagawin ko bumalik lang siya sa akin" taas noong sabi ni lucy
"paano ang career mo?,masisira ka kapag ginawa mo iyon tandaan mo lucy unti-unti ng nakikilala ang pangalan mo"
"matagal ko ng pinag isipan ito analou iiwan ko na ang magulong mundo ng showbiz itutuon ko na lang ang lahat ng oras ko dito sa magiging anak ko at kay richard at ipinapangako kong hinding-hindi nila makikilala ang tunay na ama nitong nasa sinapupunan ko" unti-unting bumagsak ang mga luha ni lucy nagsisisi siyang nagpaka tanga siya sa lalakeng niloko lamang siya at ipinuslit pa nito nag mga naipon niyang pera.Ipinagpalit nya ang lahat ang pamilya nya,trabaho at pati na rin ang lalakeng nagmahal sa kanya ng lubos na si richard nagawa nyang ipagpalit ang lahat ng iyon ng dahil sa isang walang kwentang lalake.
-----RICHARD'S POV--------
Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako pinapatahimik ng konsensya ko sa tuwing nakikita ko si dawn lalo kong naiisip ang kagaguhang ginawa ko hanggang kelan ako maglilihim sa kanya? Nagpasya na akong kausapin si Lucy kailngang malaman ko ang katotohanan kung totoo nga bang may nangyari sa aming dalawa para matapos na itong problema ko.tinawagan ko si lucy upang makipagkita sa kanya.
*sa isang restaurant na dating kinakainan nila nila lucy@richard*
hindi ako mapakali habang hinihintay ko si lucy nasabi nya sa akin kanina noong magkausap kami sa telepono na meron din daw siyang sasabihin sa akin lalo tuloy akong kinakabahan, sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan na kanina pa pala tawag ng tawag sa akin si dawn pagkatingin ko sa cellphone ko naka 5 missed calls na siya mabuti na lang at tumawag sya ulit kaya dali-dali kong sinagot
"hello honey?" inililibot ko ang tingin ko sa buong paligid ng resto baka dumating na si lucy
"honey nasaan ka na ba? kanina pa kita tinatawagan bakit hindi mo sinasagot kanina pa tapos ang office hour mo ah" nag aalalang tanong sa akin ni misis.
BINABASA MO ANG
Mahal pa rin kita(chardawn fanfic) *FINISHED*
FanfictionNoon pa man iniibig na ni Dawn si Richard kaya lang mas pinili nya na lang na ilihim iyon dahil meron ng karelasyon ang lalaking minamahal niya.. Si dawn ang naging karamay ni Richard noong maghiwalay sila ng kasintahan nito at iyon din ang naging...