▬ZARAH'S POV
Busy ako sa paglalaro ng temple run pero eto biglang may nagtext sakin na hindi ko alam kung sino. Istorbo.
-_______________-
From: 0927.........
Hi!
(End)
Sino kaya tong nilalang na to? Number lang e. Matanong nga.
To: 0927........
Who's this?
(End)
Wala pang 1 minute nagreply na.
From: 0927.......
Stalker mo.
(End)
Pinagtitripan ako nito kung sino man siya.
To: 0927.......
Ay wow ha. Ang ganda ko pala.
(End)
Nagreply ulit.
From: 0927.......
I know. :)
(End)
Lululuh! Sino ba kasi to?!
To: 0927.......
Sino ka ba ha? Pag di ka pa nagpakilala tutubuan ka ng pigsa sa ilong!
(End)
Magpapakilala na to. For sure.
From: 0927.......
Si Bj to. Grabe naman sa pigsa. Di man lang pimple.
(End)
Yun! Edi nagpakilala ka rin! Hahahaha! Gusto pa yung tinatakot eh. Problema nitong si Bj? Bakit bigla-biglang nagtetext? At pano niya nakuha number ko? Aaah. Kay Trix siguro. Sige mai-save ko na nga rin number nitong taong to kahit lagi ako nitong pinagtitripan.
To: Bj
Problema mo? Bakit bigla ka napatext?
(End)
At mabilis ulit siyang nagreply.
From: Bj
Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin.
(End)
Sus! Gusto lang akong asarin nito eh!
To: Bj
Ganun ba? Okay naman ako.
(End)
At nagpatuloy ang pagpapalitan namin ng texts tungkol sa mga random na bagay for who knows how long.
▬TRIXIE'S POV
Natapos na ang gig. Hinatid na ako ni Sir pauwi. The usual thing. Kwentuhan habang nasa byahe.
"Kelan ka nag-start magbanda, Sir?" tanong ko.
"Nung college ako. 1st year pa lang kami nung binuo namin yung banda." He answered.
"Ahh... Ang tagal nyo na rin palang magkakasama." komento ko nang biglang tumunog ang phone ni Sir.
May tumatawag. Tinignan niya kung sino. Kumunot yung noo nya tapos he just cancelled the call.
Sino kaya 'yun?
Nag-ring ulit yung phone nya. Pero di nya pinapansin. Tahimik lang siyang nagda-drive. Syempre ang forever curious na ako eh hindi napigilang magtanong.
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Genç KurguA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?