Chapter 22 --- Sudden Anxiety

332 9 4
                                    

▬ TRIXIE’S POV

>///<

Ano ba naman si Sir! Hindi ba niya alam na kinikilig ako sa mga sinasabi niya?! Napapangiti ako ng wala sa oras! Geezzz!

EHHH!!! Nako Trix! Wag ka pahalata!

“Sana tumawag ka na lang Sir! Sus! Nag-effort ka pang magpunta dito eh gabing-gabi na.” I said.

“Gusto ko nga kasing makasigurado na safe kang makauwi. Ang tigas pa naman ng ulo mo. Kung tatawagan lang kita baka kahit wala ka pa sa bahay eh sabihin mo saking nakauwi ka na.” komento niya.

“Hala! Hindi ko naman yun gagawin Sir! Isa pa, hindi matigas ang ulo ko no! Ang bait ko kaya.” pagpoprotesta ko.

“Talaga? Sinabi ko nga sayo kanina na hintayin mo ko pero umalis ka pa rin mag-isa.” Sabi naman niya.

>_______<

Oo nga pala! Umalis ako kahit sinabi niyang hintayin ko siya. Tsk! Na-guilty tuloy ako bigla!  Eh kasi naman…

“Akala ko kasi magtatagal ka Sir. Alam ko naman na marami kayong issues ni Ma’am Natalie na kailangan linawin.” I explained. Nakisandal na rin ako sa kotse niya. Kaya naman magkatabi na kaming nakasandal sa kotse niya. Buti na lang walang masyadong tao ngayon.

“Yes, you’re right. Marami kaming dapat pag-usapan. Pero hindi naman kita paghihintayin kung alam kong magtatagal ako.” He said.

Ayaaaaaannn! Nagi-guilty na ko talaga!

“Uhmmm… Sorry na po Sir…” sabi ko sabay pout. Paawa effect! HAHA!

Tinignan niya ako at nginitian!

AYOS! EFFECTIVE!!! Pero that smile… WAAAAAAAAAAHHHH!!! Napahawak ako bigla sa chest ko sa may bandang heart. Feeling ko kasi sa ngiti niyang yun eh tatalon na lang bigla-bigla yung puso ko!!!

“Anong oras ang pasok mo bukas?” tanong niya.

Eh? Bakit kaya niya biglang natanong yun?

“12 pa, Sir.” sagot ko.

Pagkasabi ko nun, bigla niyang binuksan yung pinto ng passenger’s seat.

“Tara. Let’s have some midnight snack.” paanyaya niya.

“H-ha? Now na Sir?” I asked. Nagulat naman kasi ako sa pang-aaya niya no! Mag-aalas dose na kaya! Sabagay… sabi niya nga ‘midnight snack’ diba? Kung minsan hindi rin talaga ako nag-iisip eh.

“Ayaw mo?” tanong niya tapos bigla siyang nalungkot.

Awww. </3 Sige na nga! Hindi na ko magpapakipot! Hehe!

“Wait lang Sir. Magpapalit lang ako ng damit.” I said sabay takbo na papasok sa bahay.

Nakapantulog lang ako kaya kailangan kong magpalit. Dumukot lang ako ng jeans sa cabinet and then yung kanina kong sinuot na cardigan eh pinalitan ko ng jacket.

After 10 minutes, lumabas na ulit ako at nag-lock ng bahay. Hindi na ko nagpaalam sa mommy ko kasi wala siya ngayon. Nandun ulit sa Bulacan and as far as I know, may business silang pinaplano nung mga tita ko doon. Something like a grocery store yata. Di ako sure kasi sabi naman ng mommy ko eh balak pa lang daw. Hindi ko alam kung may progress na yung plano nila na yun. Sabi  lang niya mas mapapadalas daw ang pagpunta niya sa Bulacan dahil sa planong business. Kaya naman binigyan niya na ako ng duplicate na susi ng bahay.

Anyway, nandito na kami ngayon sa KFC along Commonwealth highway lang din.

Syempre, prinsesa ako. Si Sir ang nag-order! Hehehe!

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now