Chapter 23 --- Exchanging Thoughts

294 8 5
                                    

▬ TRIXIE’S POV

Kahit kabado na ko, kinuha ko pa rin yung handouts na pinapakuha sakin ni Ma’am Lei. Palabas na ko ng faculty at sabay din naman ang paglabas ni Sir Darrel sa Dean’s Office.

“Trix!” tawag nya nung makita nya ko.

“Hi Sir.” bati ko habang tinatago ang kaba at pag-aalala.

“Nakausap ko yung dean.” sabi nya. Sh*t! Ayan na po...

“May panibago na naman tayong invitation from outside the university. Grabe. In demand pala talaga ang Outstanding Performers! Haha!” balita nya.

And there! Nakahinga na ko ng maluwag! Phew! Akala ko kung ano na! Akala ko sinita na ng dean ang closeness namin ni Sir! Ang paranoid ko pala! >____<

“Ganun talaga Sir! Haha!” I said.

“Mamaya sa practice, ibibigay ko sa inyo yung revised schedule natin. Final na siguro yon. Lahat-lahat na ng invitation pinagsama-sama ko na. Inside and outside the school.” paliwanag  nya.

“Ah okay po Sir. Sige po balik na ko sa klase ko. May pinakuha lang po sakin si Ma’am Lei eh.” paalam ko. Baka sabihin ni Ma’am ang tagal ko eh.

“Okay.” sabi ni Sir.

With that, pareho na kaming umalis. Bumalik na ko sa classroom.

Nag-proceed na kami sa lesson. Mabilis na natapos ang klase kaya naman yung mga bebs ko eh nagsiuwi na para kumuha ng damit since mag-o-overnight nga sila sa bahay namin. Babalik din sila kaagad dito sa campus kasi may practice pa ang org namin later at after ng practice, sabay-sabay na kaming uuwi sa bahay sa QC.

Nag-decide akong sumama kay Trish na kumuha ng damit sa bahay nila. Wala naman akong gagawin sa school e. Kaya heto kami ngayon, nagchichikahan sa jeep.

“Trix, pano kung gusto ka na ni Sir?” biglang tanong sakin ni Trish.

“Ha? Asa naman ako dun! Haha!” I answered. Imposible naman talaga yun eh.

“Eh what if nga?” pangungulit nya.

“Imposible yun.” I said.

“Trixie Jade R. Lopez, alam kong alam mo na minsan sa buhay natin eh kailangan nating i-consider ang mga ‘what ifs’ ng mundo kasi merong mga bagay na nangyayari nang hindi natin inaasahan.” paliwanag nya.

“Okay, okay fine. Haaayy. Oh well, sobrang imposible pero IF EVER man mangyari yang sinasabi mo eh hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Mahirap magsalita nang tapos. Siguro sabihin na lang natin na kung merong mga bagay na nangyayari nang hindi natin inaasahan, meron din namang mga desisyon na hindi natin akalaing magagawa natin.” sabi ko na lang.

“Daming alam! Pero infernishey, may point ka.” she said.

“Abangan na lang natin ang mga susunod na pangyayari.” I said.

Ilang ikot pa nung gulong ng jeep na sinasakyan namin eh nakarating na rin kami sa bahay nila Trish. 15 minutes lang siyang kumuha ng damit at nagpaalam kaya naman mabilis na kaming nakabalik ng school.

Nandatnan na namin sa OP room sina Lucy, Lea, Camile at Nessa. Nakabalik na rin pala sila agad.

“Oh si Zarah na lang kulang satin. Tagal naman nung babaeng yun.” --- Lucy

“Kaya nga, mag-start na practice wala pa siya.” --- Lea

4 pm na kaya nag-start na ang practice. Dumating naman si Zarah pero 4:30 na. Pero nagtataka kaming anim kasi parang may kakaiba sa kanya. Sa buong time na binibigay samin ni Sir Darrel yung schedule ng lahat ng performances namin eh parang lutang yung babaeng yun. Tapos habang nagpa-practice naman na kami eh ang lalim ng iniisip! At ang pinakanakapagtataka sa lahat ay NAPAKATAHIMIK NYA! Hindi kami sanay.

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now