Chapter 5 --- Unexpected Substitute

400 7 3
                                    

▬ TRIXIE'S POV

Hindi pa rin ako makaget-over sa pangyayari kagabi. Hanggang ngayon feeling ko nananaginip lang ako. OA ba? Ganun talaga eh. Tinamaan talaga ako ng karisma ng prof ko! Tss...

Nandito na ako sa skul ngayon, naglalakad papunta sa classroom. Nang makarating ako, naupo na ko kaagad at sumalubong sa akin ang bestfriend kong parang ang dami-daming kinikwento sakin. Pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya kasi parang lumilipad pa rin ang utak ko.

"Huy!!! Anu?! Nakikinig ka ba?!" sigaw ni Trish sakin with matching mahinang sampal.

"Ha? Anu yun?" tanong ko. Hindi ko naman talaga naintindihan eh. >.<

"San mo ba naiwan utak mo? Sabihin mo sakin kung saan at susunduin ko para sayo! Kanina pa pala ako kumakausap ng taong wala sa sarili!" pagrereklamo sakin ni Trish.

"Hehe! ^_______________^ Eto na bumalik na mag-isa yung utak ko. Natakot yata sayo. Ano na nga ba yung sinasabi mo?" I asked with a smile.

"Teka... parang yung ngiti mo ngayon hindi yung ngiting masaya..." komento ni Trish sabay lapit sa mukha ko na para bang pinag-aaralan niya iyon.

"Ha? Anong sinasabi mo naman diyan? Ikaw naman yata ngayon ang wala sa sarili eh!" I said with a smile on my face again. Bakit ganun? Di ko mapigilang hindi ngumiti. Automatic akong nangingiti. Kung anu-ano tuloy napapansin nitong bestfriend ko!

"Hoy babae! Sabihin mo sakin. Bakit ka kinikilig? Yang ngiti mong yan ngiting pangkinikilig eh!" sabi ni Trish.

"Eh? Imbento ka Trish!" I denied it. Pero alam ko namang hindi ako titigilan ng lukaret na bestfriend kong ito. ^___^

"Aba! At sakin ka pa nagdeny ha! Kwento na! Dali!" pangungulit niya.

No choice na ko. Wala naman kasi akong naitatago kay Trish eh! ^__^

"Kinuha kasi ni Sir Darrel yung number ko kagabi..." I said while blushing. >///<

"WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!! TOTOO?! TRIX KUNG AKO IKAW BAKA DI NA KO NAKATULOG KAGABI AT HANGGANG NGAYON WALA PA AKO SA SARILI!!!" sigaw niya.

"Naiintindihan mo na kung bakit ako lutang?" tanong ko.

"GRABEEEEEEEEEEE!!! BAKA NAHIMATAY NA KO KUNG AKO YUNG HININGAN NIYA NG NUMBER!!!" sigaw pa rin ni Trish. Napansin ko namang lahat na ng mga classmate kong maaga pumasok eh nakatingin na sa samin. Mabuti na lang at wala pa yung ibang girlfriends namin, kundi siguradong sa mga panahong ito eh pinupuntahan na kami ng security guard!

"SSHHHHH!!! Wag ka naman maingay diyan! Eksena?! Tsk. Hiningi lang naman niya yung number ko kasi kailangan niya ng contact sa klase natin. Ayokong kiligin!" paglilinaw ko.

"Wuuuuuu! Naku Trix! Magtigil ka diyan! Kahit sino kikiligin kapag ang tulad ni Sir Darrel ang kukuha sa number nila! KAHIT WALANG IBANG MEANING!!!" sigaw na naman niya.

AAARRRGGGHHHH!!! HINDI MAPIGILAN NG BESTFRIEND KO ANG BUNGANGA NIYA!!!

"SSSSHHHHHHHHH" pagpapatahimik ko sa kanya.

"ANYARE?!" oooppsss...Si Lucy. Di ko namalayang dumating na pala siya. Ku po! Lalo na kong makocorner nito! Tsk!

"Wala lang...hehe! ^_______^ Gumaganda ka lalo Lucy!" pang-iiba ko sa usapan. Ayokong ma-hot seat! >.<

"Anong kaguluhan to? Ang aga aga Trix bumabanat ka ng joke diyan? Haha!" biglang sabi ni Zarah na kakarating lang. Nasa likod naman niya si Nessa.

HALA! Joke daw yung compliment ko kay Lucy! At isa pang HALA! Unti-unti na kaming nabubuo! Kukulitin ako ng mga ito eh!

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now