Chapter 19 --- Mr. Bully

316 6 7
                                    

▬BJ'S POV

Lumabas na lang muna ako ng kwarto at sumandal sa pinto. Anak ng tokwa naman talaga oh! Bakit kasi hindi nagla-lock ng pinto?! Nagbibihis tapos hindi nagla-lock? Ano bang klaseng pag-iisip meron yung babaeng yun?!?!

Buti na lang may undergarments pa siya! Kundi nako! Nakita ko na lahat!

Sayang naman! Tsk!

Hahahaha!

Oi joke lang! Baka isipin nyo pervert ako! Medyo lang uy! Hahaha! Joke lang ulit!

Good boy to no!

Kapag tulog! Haha!

Eto, seryoso na talaga. Mabuti akong tao! Mabait ako at sweet sa LAHAT ng mga babae! Proven and tested na yan boy!

"AY P*CHA!" biglang bumukas yung pintong sinasandalan ko kaya naman muntik na kong mapahiga sa sahig. Buti na lang eh na-control ko yung weight ko!

Badtrip tong babaeng to ah! Nananadya ata!

"AY! Sorry! Sorry po!" sabi niya.

'PO'? Mukha na ba akong matanda sa paningin niya?

"24 pa lang ako. Di pa ko gurang. Wagas ka naman maka-po dyan. -____-" I said.

"EDE SORRY! SORRY AH!" sigaw niya. Nainis yata. HAHA! Para lang tong si Trix. Napakadaling mapikon!

Mas masarap tuloy asarin! Haha! Makakapaghintay naman ang shoot eh. Aasarin ko lang muna sandali ang isang to. Hahaha!

"Di katanggap-tanggap ang sorry mo." sabi ko.

Bigla nya akong tinignan ng masama.

"Ganun ba? Sige, WAG MO NA LANG TANGGAPIN! BINABAWI KO NA!" sigaw na naman niya.

Alam ko Zarah ang pangalan nitong kaibigan ni Trix na kaharap ko ngayon eh. Matagal ko nang kakilala yung barkada ni Trix. First year pa lang siya nung ipakilala niya sakin itong mga sinasabi niyang mga 'bebs' niya. I've seen them a lot of times pero I don't hang out with them that much. Pero kahit ganun eh medyo close na rin naman ako sa kanila.

Kaya nga inaasar-asar ko na lang tong si Zarah eh! Haha!

"Relax lang. Sige, tinatanggap ko na. Nga pala Zarah, next time eh i-try mo naman mag-lock ng pinto kung magbibihis ka." I said.

"WAAAHHH!!! ANONG NAKITA MO?!?!" tanong niya.

"Lahat." sagot ko naman. Biglang nanlaki yung mga mata niya. Kaya naman nagsalita na ulit ako.

"Wala ka nang maitatago sakin! Hahahaha!" pang-aasar ko.

"HOY TEKA LANG MISTER HA! SA PAGKAKAALAM KO KASI EH HINDI NAMAN AKO NAGTANGGAL NG UNDERGARMENTS! KAYA IBIG SABIHIN, WALA KANG MAKIKITANG HINDI MO DAPAT MAKITA!!!" pasigaw niyang paliwanag.

Grabe! Akala ko si Trix lang ang laging naka-loud speaker! Doble pa pala siya nitong babaeng to! Basag na yata eardrums ko eh!

"Yan na ba ang minimum volume ng boses mo? Pambihira! Pwedeng pwede kang gawing alarm clock ng buong barangay sa lakas ng boses mo! Yung tipong isang sigaw mo lang ng 'gising na!' eh magigising na nga yung buong barangay!" sabi ko.

"Kung hindi lang kasalanan ang mambasag ng mukha, kanina ko pa sana ginawa!" sabi niya sabay talikod na. Naglakad na siya papunta sa rooftop.

Hahaha! Bakit kaya ang sarap mang-asar ng pikon? Haha! Kukunin ko na nga yung camera at nang masimulan na yung photoshoot.

Pagbalik ko sa rooftop, si Zarah kaagad ang kinausap ko! Haha! Hindi ko alam kung bakit di ko mapigilang asarin siya! Natapos na siyang ayusan nung kinuha kong make-up artist at nandun siya sa may bench na nasa corner nitong rooftop.

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now