▬TRISH'S POV
/ "hello-ooo..." /sagot ni Trix mula sa kabilang linya. Halatang antok na antok siya. Well, anong oras na nga naman. Malamang naistorbo ko ang tulog niya. Pero gustong-gusto ko na kasing sabihin sa kanya yung nalaman kong impormasyon!!! Napaka interesting kasi to the point na gusto ko na kaagad ikwento sa bestfriend ko!!! Waaaaaaahhhhh!!!
"Trix!" I called in a very lively voice. Para naman mabuhayan at magising ang diwa nitong kausap ko!
/ "Ohh...bakit? Tutulog... haauuuggghhhh... pa ko eeehhh..." / sagot na naman niya while yawning. Pambihira! Para akong kumakausap ng zombie! Antok na antok talaga itong babaeng to! Pero kelangan niya ng malaman ang latest at hottest chika!!!
"May chikacheness ako!!!" I said.
/ "Ano yun?? Haauuugggghhhhhhh..." / Nyek! Hikab ng hikab!!! Pero sa kabila ng paghikab niya ay nagpatuloy siyang magsalita. / "Nakakain ba yon?" / tanong niya. Eh kung sigawan ko kaya to ng pagkalakas lakas at nang tumino naman siyang kausap! Abe parang tungeks lang eh!
"Seryoso ako! Meron akong interesting na balita sayo!" pangungulit ko sa kanya.
/ "Oww? Ano yun? Fresh na si Sandra Bullock?! HAHAHAHA!" / sabi niya at saka humagalpak ng tawa.
May kausap akong baliw! Help! 911! 8-7000 Jollibee Delivery!XD Argh! Nadadala ako ng kabaliwan ng kausap ko! Madalas niyang sabihin sakin na baliw daw ako pero nako lang ha! Saksi kayong lahat kung sino talaga ang tunay na baliw! HAHAHA! Kanina lang antok na antok siya tapos ngayon biglang magjojoke ng saksakan ng korni!
"Hindi! Tumanda na si Lauren Young at tao na si kokey! HAHAHAHA!" hirit ko naman habang tatawa-tawa din! Abe nagkakalokohan na rin lang eh lubus-lubusin na! Hahaha! Oh well, kaya kami nagclick ng sobra dahil pareho kaming baliw! HAHAHA! ^_____^
/ "Bebs, sabihin mo sakin kapag tapos ka na magjoke ha. Para alam ko kung kelan ko kikilitiin sarili ko." / she commented.
"Wow ha! Nagsalita ang hindi corny magjoke! Hmp! Magseryoso na kasi tayo!" I demanded.
/ "Haayy... Sige na sige na. Ano ba yang breaking news mo na yan at nambulabog ka pa ng 12:30 am! Susme! Binubuksan ko na kanina yung pinto ng dreamland kaso bigla kang tumawag! Naudlot tuloy!" / Trix said.
"Well... Alam mo ba?--" nag-iintro pa lang ako pero itong baliw kong bestfriend sumasagot na kaagad.
![](https://img.wattpad.com/cover/742297-288-k99862.jpg)
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?