▬TRIXIE'S POV
"Huy! Bakit na kay Sir yung cellphone mo?!" pabulong na tanong ni Trish sakin habang ako ay unti-unti nang natutunaw sa makahulugang titig ng buong klase sa akin.
Sh*t! Sana maglaho na lang muna akong parang bula dito sa classroom!!!
"Yung totoo Trix, may something na ba kayo ni Sir Darrel?!" pabulong ding tanong naman ni Camile.
"Hiniram niya ba yung cellphone mo?" --- Lea.
OMG!!! Ayan na! Nagsisimula na kong bagyuhin ng mga tanong!!!
Yung mga classmates ko nakatingin pa rin sakin! PARANG HINIHINTAY PA YATA NILANG MAGPALIWANAG AKO KUNG BAKIT NA KAY SIR YUNG CELLPHONE KO!!!
Di ko alam gagawin ko! WAAAAAAAAHHHHH!! HELLLPPP!!!
"Ahh... Class..." biglang tawag ni Sir. Napansin niya yatang pinagpipyestahan ako ng tingin ng buong class.
"Nakasabay ko siyang pumasok kaninang umaga. Sa sobrang pagmamadali niya yata eh di niya na namalayang nalaglag na yung cellphone niya." ayan! Si Sir Darrel na ang nagpaliwanag.
PHEW! Ligtas na ako! Buti na lang! ^________^
TAMA! Sobrang nagmamadali kasi ako kanina kaya di ko na naalala tong cellphone ko. Pero... nalaglag ko ba talaga ito o naiwan sa kotse ni Sir? Sa pagkakaalam ko kasi nilapag ko to nung kumain ako eh. Ay ewan! Di ko na maalala sa sobrang pagmamadali! Hayaan na! Ang importante eh ligtas na ko! Safe na ko sa kung anumang nabuo sa isipan ng mga kaklase ko kanina.
Mukhang convinced naman silang lahat pati na yung mga girlfriends ko sa paliwanag ni Sir. Kaya naman case closed na! Inalis na nilang lahat yung 'anong-meron-bakit-na-kay-sir-yung-cellphone-mo' look nila sa akin.
Nag-start na mag-lesson si Sir.
About releasing creativity ang discussion today. ^___________^
Lesson....
Lesson...
And then sulatan time na! Yep. Ganito si Sir magpa-activity. Lagi kaming may written output na pinapasa! I kinda like it nga eh. Alam nyo naman ako. Frustrated writer. ^______^
"Alright. Today, I want you to write about what a blind person sees." Sir Darrel said.
WOAH! Ang exciting at ang interesting ng topic!!! ^__________^
I soooooooo like it!
Maraming nagreklamo sa topic. Pero ako tahimik lang. Mga ganun kasi ang gusto kong isinusulat.
Nagsimula na kong magsulat. After an hour and ten minutes, nakatapos na ko kasabay din ng pagtatapos ng period. Break time na ang sunod. Well, wala naman masyadong nangyari. Kumain lang kami at as usual, nagkwentuhan. Nakita rin namin ulit si Sir Darrel kasama yung ibang mga ka-faculty niya. ^________^
Last period na. General Statistics. Nakasunod ako sa lesson kasi tinuro na yun sakin ni Sir Darrel. Haha!
After ten years... Ay este! After 2 hours, natapos na rin ang period. Napakabagal kasi ng oras kapag General Stats ang subject!
"May practice nga pala tayo sa OP room ngayon diba?" --- Camile
"Oo. Araw-araw na yun." --- Trish
"Nakakatamad!" pagrereklamo ko.
"Bebs! Hindi ka na tatamarin kung nandyan ang presensya ni Sir Darrel." sabi ni Lucy.
"Baka nga nagsasawa na yun sa pagmumukha ko eh buong weekend-- OMG!" hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko kasi na-realize kong di pa pala nila alam yung tungkol sa pagiging close ko kay Sir. Di ko pa nga pala nakekwento sa mga girlfriends ko na nakasama ko si Sir Darrel buong weekend. Di rin nila alam yung tungkol sa pagtulog ko sa condo unit niya. Napatakip na lang tuloy ako sa bibig ko! Nadulas ako! Napakadaldal ko! Wala pa kasi akong balak ikwento sa kanila yun eh! Ikekwento ko rin naman kaso, not now.
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?