▬DARREL'S POV
Why did she sing that song? I can't help but get bothered. I hope it has nothing to do with me.
We chatted for a little more minutes until the girls decided to go to sleep.
Ako, si BJ and Zack eh naiwan pa with a few drinks.
"BJ, wala pa ba talagang boyfriend si Trix?" Zack suddenly asked.
"Wala pa. Bakit?" pagbabalik naman ng tanong ni BJ.
"Pwede ko ba siyang ligawan?" Zack asked again.
"Nako pare! May nauna na sayo eh!" BJ answered.
"Oh? May pag-asa ba naman yun kay Trix?" tanong na naman niya.
"Malaki." sagot ni BJ.
"Tsk! Ano ba yun! Di bale. Susubukan ko pa rin! Haha!" Zack said as he drank the remaining drops of beer in his bottle.
"Osige, ikaw bahala." sabi naman ni BJ.
"Yun! Ayos! Haha! Osiya, mauuna na ko sa inyo ha. Goodnight pips!" paalam ni Zack at saka umalis na.
"Oh pano ba yan, Darrel... May karibal ka na! Haha!" sabi ni BJ.
"Tss..." I have no comment. I'm still worried about the person behind Trixie's song a while ago.
▬TRIXIE'S POV
"Bebs. Alam ko kung para kanino yung kanta mo kanina." kumento ni Camile.
"Yeah Bebs. Alam ko rin." --- Zarah
"Ha? Kanino naman?" maang kong tanong.
"Sus! Wag mo kaming andaran Bebs. Di epek samin yang paganyan-ganyan mo." --- Lucy
"Oo nga! Kami pa ba?" --- Trish
Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Dapat talaga matutulog na kami dahil madaling araw na at medyo inaantok na rin kami. Pero eto, we end up chatting na naman.
"Kawawa naman si Sir Darrel..." --- Nessa
"Tingin mo Beb alam nya na para sa kanya yung song?" --- Lea
"Feel ko hindi." --- Trish
"Bebs, ayaw mo ba kay Sir Darrel? Sabihin mo saking ayaw mo, sasakalin kita." --- Lucy
Tamo tong babaeng to! Di pa ko sumasagot me pambabanta ng kasama!
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayaw ko sa kanya Bebs. Ultimate crush ko nga siya diba? Kaso ayoko ng magkaroon pa ng something more than that feeling towards him." paliwanag ko.
"Eh ano? Iwas iwas na lang forever, ganun?" Nessa asked.
"Ewan ko..." I answered.
Hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin ko. Sa ngayon ang naiisip ko lang ay ang iwasan ang pakiramdam na DAPAT talagang iwasan.
Napunta na sa ibang topic ang kwentuhan namin at after ilang minutes nakatulog na rin kami ng hindi namin namamalayan.
Kinabukasan, 12 pm na kami nagising. Kinatok na kami ni kuya BJ at sinabing uuwi na kami maya-mayang konti. Nagsimula na kaming mag-ayos ng sarili at ng mga gamit.
Ready to go na kami bandang mga 3 pm. Kasabay na naming umuwi sa Manila si Sir Darrel pero syempre nandoon siya sa kotse niya. Lahat din ng tao nagsiuwian na.
At iyon na ang the end ng kwentong ito.
Pero joke lang syempre.
^___________________^V
Back to normal na naman ang lahat after a fun and relaxing weekend. Monday na ngayon at katatapos lang ng klase namin eh nandito na naman kami sa isang Central Gym sa Makati. Magpe-perform.
Di namin kasama si Sir Darrel kasi may importanteng meeting daw siyang pupuntahan ngayon. He knows na we can do well naman daw kahit nandon man siya o wala. Bola pa siya no? Shoot ko kaya siya dito sa puso ko? Ay este, sa basketball ring pala! Ay wag na. Baka ma-miss ko lang siya.
Ay ano ba tong mga kalokohang naiisip ko! >///<
"Huy! Ba't mo naman pinupukpok yang ulo mo? Sira na nga lalo mo pang sinisira!" biglang sabi ni Trish nung nadatnan niya kong pinupukpok ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay dahil sa kung anu-anong laman ng utak ko.
Wow. Bait niya no? Bestfriend ko yan.
-________________-
"Salamat naman dyan sa mga sinabi mo Trish ah. Na-appreciate ko sobra." sabi ko.
Nag-peace sign lang sakin ang luka at saka ako inaya sa backstage. Kami na daw kasi ang magpe-perform.
Our performance went well. At after nung event gumala na kami.
▬DARREL'S POV
I'm still here in an emergency board meeting my parents asked me to attend. Partial owner kasi sila ng isang Hotel somewhere here in Ortigas. Ako na ang pinapunta nila since nasa Cebu sila. They visited our relatives on my mom's side.
Gabi na, nakauwi na kaya yung mga students ko? Ang huling text nila sakin eh tapos na daw sila mag-perform at mag-gagala lang daw sila sandali. Kanina pang 6pm yun pero 10pm na ngayon eh wala pa silang sinasabi sakin kung nagsiuwian na ba sila. I texted them and even tried to call them but I didn't get an answer from any one of them. Nasaan na kaya yung mga yun?
Kasalukuyan pa ring nagaganap ang meeting nang biglang tumunog ang phone ko. Si Trix tumatawag. I excused myself and quickly answered the call.
I suddenly felt like I was strucked by a lightning because of what I have just heard.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!! WAG MO KONG HAWAKAN!!!! LUMAYO KA!!! LUMAYO KAAAA!!!! AAAAAAAAAAAHHHH!!!!! UMALIS NA TAYO DITO DALI!!!!!" Trixie is sobbing hysterically and screaming on the other line.
SHIT!
I went to the parking lot as fast as I could and drove all the way to Makati.
~~~~~~~~ AUTHOR'S NOTE ~~~~~~~~
Super sorry ulit sa napakatagal na update. T_T Loaded na naman sa school works eh. Sana po maintindihan nyo. T_T
I'll update again as soon as possible. ^__________^
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?