ANG BOYFRIEND KUNG...

490 15 3
                                    

Masayang masaya sya.

Nakakapit ito sakin na parang butiki na naputulan ng buntot. Tatalon-talon ito at sasayaw-sayaw na lumakad.


Hiyang hiya ako.

Nakayuko na nga e.

Pero sya todo ngiti. Labas gums.

"Psst!" tawag nya sa estudyante nadaanan.

Napalingon naman ito sa kanya na nakakunot noo. "Boyfriend ko." sabi nya na nakapaskil ang ngiti sa labi at hinila na ako.

Nilingon ko ang babae, nakatulala lang ito. Hindi sa ang gwapo ko kundi dahil sa 'anong paki ko' ang mababasang reaksyon ng babae.

"Chamilla Sumpil!" pigil ko.

"Bakit?" tumigil sya at humarap sakin.

"Tigilan mo nga yan! Para kang sira...atsaka, wala maniniwala sayo na Boyfriend mo ako. Kaya gumising kana sa panaginip mo." ginulo ko ang buhok nya.

Nakangiwing pinalo nya ang kamay ko. "Bakla kaba?!"

"Na naman?!" nanlaki ang mata ko. Bunganga ng babaeng to.

"Gusto mo yung royale blue na highlights ko ano?" malapit na...babatukan ko na to. "Kanina ko pa na papansin panay gulo at himas mo ng buhok ko." sabay cross arms.

"Parang buhok ng kabayo..." bulong ko. "Bakit ba bakla ka ng bakla dyan? Nakakairita na yan e."

"E bakit ka magagalit kung hindi naman pala totoo?" napaisip ito. "Naku....bakla ka talaga ano? Kasi ayun nga sa kasabihan ang matamaan ay wag magalit." tumaas baba ang kilay nito.

"Aist! Tama na nga yan Chamilla! Hindi. Ako. Bakla! Kaya tumigil kana!" sabi ko.

Kinagat nito ang labi at nagpatango-tango. Kapagkuway nilingon nya ako. Nakakatakot ang ganung galawan ni Madam Sumpil.

"Kung ganun...."

Napalunok ako ng laway. "K-kung ganun?"

"Kiss mo nga ako, Boyfriend ko!" malakas na pagkakasabi nya kaya napatigil ang naglalakad, napalingon ang may stiffneck, lumapit ang mga lumpo, nakakita ang bulag, nakinig ang bingi.

"Pangilabutan ka nga Chamilla!!" pulang-pula na ang mukha ko. Pinapahiya talaga ako ng babaeng ito.

Lumapit pa ito at niyugyog ang balikat ko. "Kiss mo ako!" hirit nya.

"Tumigil ka ah!" tikom labi kong sabi.

"Isa lang...please..." sama beautiful eyes.

"Ayaw!" ako.

"Bakla!" sigaw nya.

"Ano?!" sigaw ko.

"Bakla ka!!" sya.

"Paano aber?!" ako.

"Hindi ka marunong humalik! Bakla lang ang hindi marunong huma-----"

 ̄ˍ ̄ TSUP ╰_╯


SYA O_o

(⊙o⊙)

AKO @( ̄- ̄)@


SYA ULET....(*^﹏^*)


Tinalikuran ko at mabilis na naglakad palayo. Nayuko ako at mas binilisan ang lakad.

K-niss ko na. Lalaki ako e, kaya nagalit ako noong tinawag nya akong Bakla.

KDot.

"SALAMAT PO!!!" sigaw ni Chammy.

"BOYFRIEND KO HINTAY! MAY LIPSTICK PA YANG LABI MO!!!"

Napatigil ako noong sumigaw sya. At automatic na napahawak ako sa labi ko. Ba't ang tamis? Ganun ba talaga pag lips to lips? MAtamis?

****

MAEJESTY







SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon