The next thing his jealous. After an hour I dont exist in his world.
Isang linggo na akong naghihintay every morning sa labas bahay ng mga Presston, sa una at pangalawang araw lumalapit ako sa kotse nya paglabas ng gate at kakatok sa bintana. Hindi nya ako pinagbubuksan at haharurot nalang.
On my third day, naupo lang ako sa labas ng gate nila. Hindi ko alam kung napansin nya ako, pero dumadaan lang ito.
On my fourth day. Pinagalitan ako ni Mommy at Daddy. Muntik ng batuhin ng bato ni Mommy ang bahay ng mga Presston. Buti, nadala ito sa pakiusap ni Ninong Brix.
Ngayon ay Fifthday ko na, 7:00am palang nakaupo ulet ako sa labas ng gate nila. Nakayuko lang ako, nahihiya kasi ako dahil ayokong makasalubong ang masamang tingin ng pamilya ko.
Hindi ko alam kong matatawa ako kay Mommy. Nakaupo ito sa hood ng kotse ni Daddy, naka cross legs pa at naka sunglasses. Yung tatlong Adonis ng bahay namin nakapose pa, nakapamulsa si Court, naka cross arms si Case nakasandig silang dalawa sa kotse. Habang si Daddy nakaupo katabi ni Mommy habang hawak ang payong.
"Ate, total para ka namang namamalimos dyan samahan mo nalang kaya ng sayaw at kanta para naman may pandagdag gasolina ako?" Natatawang sabi ni Case.
Siniko naman sya ni Court. "Ate, nagiging negra kana! Hindi pa summer pero na update mo na ang kulay mo!" Mga damuho kung kapatid.
Napatingin ako kay Mommy, nanghihingi ng tulong dahil sa panloloko ng mga kapatid ko. Maarte nitong tinanggal ang shades at tinaasan ako ng kilay. Napakagat ako ng labi, si Daddy naman ang tiningnan ko pero nagkibit balikat ito at pinaikot-ikot ang susi ng kotse sa bakanteng kamay nya.
Hindi ko sila masisisi, alam kong sagad na ang pacensya ni Mommy sakin. She's giving me cold stares and blank expressions.Sinaway nya ako pero hindi pinigilan. Hindi ko pa nakitang magalit si Mommy pero binalaan na ako ni Daddy.
Tumabi ako, dahil bumukas ang gate ng mga Presston. Si Vander. Nakatayo lang ako at naghihintay na pasakayin nya ako. Hindi ko inalis ang tingin sa kotse nyang nakatigil lang.
Himala.
Maituturing na himala ng bumukas ang bintana nya. Naiiyak ako sa sobrang antisipasyon at tuwa. Nilingon ko ang pamilya ko. Umayos ng tayo ang dalawa kong kapatid at maigting nakakatitig kay Vander. Nakatingin lang si Mommy at Daddy.
"Sakay." May diing sabi nya. Tumango ako at nagmamadaling umikot sa passenger side.
Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Kung maari lang magpapadaan ako sa simbahan para mag.usal ng panalangin.
Naiilang ako sa katahimikan. Ngayon lang ako nawalan ng masasabi sa kanya. Diretso ang tingin nya sa daan, habang ako pinaglalaruan ang daliri at patingin sa kanya.
"Uhm....s-salamat...." Hindi ito umimik. "S-sa ano... Uhm
...dahil pinasakay mo ako...nga...ngayon."He didn't say a word. Kaya natahimik nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Pinapahiya mo ako kayla Tita."
"Huh?" Kunot noo akong bumaling sa kanya.
He remove his glasses at sandaling nilingon ako. "You know what? I'm so tired of your drama Anika. Really. Yung pag-abang mo sakin every morning na alam mong hindi kita pwedeng isabay? Alam mo bang pinapagalitan na ako ni Daddy dahil sa ginagawa mo?"

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...