You make this crazy heartbeat of mine, Boom!
****
Dumiretso kami ni Zayn sa kusina ng mga Presston. Doon naabutan namin sila Mommy at Ninong Brix na nagtatawanan. Bilib din naman ako sa Nanay ko mataas pride nyan di yan makikipagbati pag minsan ng nagbanta, pero ngayon nilunok na nya talaga ang tampo kayla Ninong.
"Oh! Anika? Oh gosh,mas lalo kang pumuti at gumanda!" Natatawang niyakap ko din si Ninang Kate.
"Tita talaga...kayo rin po mas lalong bumata. Parang tumigil ang ikot ng kalendaryo at parang tweenteen lang kayo."
"Ay bolerang bata!" Ninang slap my butt.
"She's telling the truth Babe!" Sabat ni Ninong.
They continue talking, at nawala narin ang atensyon nila sa akin kaya nilibot ko ang tingin.
Asan kaya sya?
"Uhurm!" Napa angat ang tingin ko kay Zayn. "Ang likot ng mata mo Day!" Umismid ako at natawa nalang din.
"Anika, maupo na kayo ni Zayn."
"Tara"
Ipinaghila ako ng upuan ni Zayn sa tabi ni Mama, sa tabi ko rin naupo si Zayn.
"Asan na ba sila Tish? Aling Dorita natawag nyo na ba?" Kate.
"Opo Ma'am, nagising kasi si Baby kaya pina dede muna."
"So? Mauna na siguro tayo? Baka matagalan pa ang mag-asawa." Suhestyon ni Ninong.
Tumango naman si Ninang at nagsimula ng mag serve ng rice sa plato nya.
"Gusto mo to?" Alok sa akin ni Zayn sa tinolang manok. Tumango naman ako.
"Teka sandali!" Pinigil ni Mama ang kamay ni Zayn na nakasandok sa bowl ng Tinola. "Chammy..." Pinanlakihan nya ako ng mata.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit Ma?"
Pabebe itong tumawa. "Hihihi, diba ang bad manners naman tayo pag nauna na tayong kumain at wala pa sila Vander?" Muli itong lumingon sa akin at ngumisi. "Ano ba naman yung sunduin ulet sya doon sa silid nya? Diba Kumpare?" Baling nito kay Ninong na agad tumango.
Kaylan pa yung tawagan nilang Kumpare? Mama talaga!
"Diba Anika?"
"Po? Ma?"
Kinurot ako ni Mommy sa tagiliran. "Aray Mama!" Bulong ko.
"Sunduin mo na kaya si Vander, anak."
"PO?!" Gulat na gulat ako. Sa tuwa. Oo. Hindi ko inaasahan yun ah. Si Zayn naman ang kumulbit sa tagiliran ko.
Lihim itong napangiti kaya tinapakan ko ang paa nya. Tuwang tuwa sya e.
"Ah...ako t-talaga Ma?" Sus kunwari. "Ok po..."
Mabilis akong lumabas ng dining at tinunton ang kwarto ni Vander. Alam na alam ko kaya! Kumatok mun ako ng ilang beses, naghintay ako pero hindi bumukas. Nagpalinga-linga ako baka may tao pero wala naman.
Wala rin akong narinig na iyak ng bata. Baka tulog sila? Oh! Magaling para si Vander lang ang kailangan kong gisingin hahayaan nalang na mamaga ang mata ni Tish sa tulog.

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...