"Everybody wants to steal your GIRL! Everybody want to take her heart away, count people in a whole wide world find another one cause She belongs to him...."
Pagbagsak kong binaba ang libro. Parang daga na nakangisi at nakangatngat sa labi si Chammy. Kulang nalang tumakbo ako sa munsterific at bumili ng Raquimin.
"Pwede ba Chammy mga one hour lang tumahimik ka?! Kung gusto mong mag videoke doon ka kay Aling Tsuke." naiiritang sabi ko.
"Ayoko! Puro tambay ang naroon..." ingos nya.
"E, ikaw anong ginagawa mo dito sa bahay namin? Diba tambay karin dito?"
Pinalo nya ang balikat ko. "Ikaw naman! Gusto mo bang mabastos ang Girlfriend mo doon? Di mo ba ako Love?" inipit nya ang mga labi at maluha luha pa ang mga mata.
Inismiran ko ito. "Bakit sino ba nagsabi na mahal kita? Ikaw lang naman ang nagpumilit sa sarili mo sakin tapos maka react ka dyan kala mo niloko kita." mahina kong sabi.
"Bakit mo ba ako pinapabayaan? Alam mo ba na marami ang may gusto sakin? At marami sila ang gustong agawin ako sayo? Kaya dapat alagaan at mahalin mo ako!" sabi nya.
Noon pag aaral lang ang problema ko. Hindi ko alam na dadagdag pa si Chammy at ang pagpipilit nya na maging Girlfriend ko.
"Pwede ba Chammy!! Nag re-review ako! At wala akong paki alam sa gagawin mo! Pwede ba mawala ka na sa paningin ko!!!" sigaw ko sa kanya.
Napanganga si Chammy at nagtubig pa lalo ang mata nya. Napalunok naman ako, bigla kasing tumaas ang init ng ulo ko lalo at may pinag aaralan akong hindi ko makuha plus kinukulit ako ni Chammy.
"C-chamz...." hinawakan ko ang kamay nya.
Yumuko sya at tiningnan ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"Sorry." sabi ko.
Nag angat ng Tingin si Chammy at nakapaskil ang malaking ngiti sa labi nya. "Okay lang." nagulat ako sa sagot nya.
Nagtaka ako kung bakit hindi man lang sya nagalit sakin dahil sa binitawan kong salita.
"Sige na mag aral kana..." tinuro nya ang libro ko nakatitig lang ako sa kanya. "Uuwi na siguro ako..." humigpit ang hawak ko sa kamay nya. "Kakain lang ako, nahiya na ako sa Nanay mo dito na ako kumakain halos maghapon...uuwi lang ako ha? Baka palayasin na ako nila Mama...ikaw din mas lalo kang maiinis dahil makakasama mo ako sa iisang kwarto."habang sinasabi nya yun hindi nawala ang ngiti nya.
Tumayo na si Chammy at lalabas na sana ng pinto ng pigilin ko ito dahil alam kong may nasabi akong masakit.
"Chamilla, sorry na...babawi ako." nakatalikod sya sakin pero ilang sandali lumingon ito at tumango. "Okay lang naiintindihan ko." sabi nya at tuluyan ng lumabas ng silid ko.
Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ngunit hindi pa ako muling natututok sa libro ay naiisip ko si Chammy.
Madadaanan ang videokehan ni Aling Tsuke bago marating ang bahay nina Chammy. At oo, maraming lasing at parokyano ang nandoon. Baka....!
"SHIT!!!" i curse. At madaling lumabas ng aking silid. Patakbo akong bumaba ng hagdan.
"Lupre! Dahandahan lang!" sigaw ni Nanay pero hindi ko sya pinansin.
Nagmamadali akong lumabas ng pinto. Nadapa pa ako dahil nakalimutan ko may dalawang hakbangan pala ang labas ng pinto namin. Hindi ko na inintindi yun at mabilis na lumabas ng gate. Tinanaw ko ang daan wala na kahit anino ni Chammy.
"Shit! Naka pekpek short pa naman yun!" bulong ko.
"ARRRGHHH!" napasabunot ako ng buhok. Mababastos talaga yun pag napadaan sa videokehan!
"CHAMMY NAMAN EH!" frustrated kong sigaw sa daan.
"Bakit Boyfriend ko?" napanganga ako ng may magsalita sa likod ko.
Dahan dahan akong lumingon. "CHAMMY?!"
Ngumiwi si Chammy. "Grabi ako nga, yung reaksyon naman nong nakita ako parang nagka amnesia at bigla akong naalala." sabi nya. "O bakit ka nasa labas?"
Bumaba ang tingin ko sa legs nya. Nagulat ako dahil wala na ang legs nya. Dahil nakasuot ito ng saya.
"Hoy! Anong tinitingnan mo dyan?" sabi nya.
"Huh?" ako.
"Lupre my Love so sweet, diba dapat nag re-review ka? Anong ginagawa mo dito sa kalsada?" nag cross arms sya at pinagtaasan ako ng kilay.
"Ha? Wala...wala..." "Weh?" sabi nya. "Tsk." Nag iwas ako ng tingin. "Akala ko kasi umuwi kana." sabi ko.
"Oh, anong konek nun kung bakit nandito ka sa kalsada? Diba nga pina alis mo ako?" "Teka...." napalunok ako at hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na sya.
"Huwag mo sabihin na hinabol mo ako?! Oy...." tinusok tusok nya ang tagiliran ko.
"Tumigil ka nga!" ako.
"Aminin mo na kasi..." tudyo nya.
"Aminin ang?" ako.
"Nakakatampo ka na talaga Lupre." ismid nya.
Tinalikuran ko sya. Dahil malakas ang apog nyan! Makapal ang mukha. Kaya ayokong aminin na...
Ayokong umuwi sya na naka maikling shorts lang alam ko sadya nyang ipinakita sa akin ang legs nya kaya ayokong irampa nya ito sa iba. Ako lang dapat ang makakita sa legs ni Chammy dahil seloso akong Boyfriend at ayokong may tumitingin sa pag aari ko!
"WAAAHHHH! TOTOO BA YUNG SINABI MO BOYFRIEND KO?! NA FOR YOUR EYES ONLY ANG LEGS KO?"
May ilalaki pa ba tong mata ko? Akala ko nasa utak ko lang yun. Nasabi ko ba?
"OO NAMAN BOYFRIEND KO! SAYO LANG AKO! ALL OF ME IS YOURS!"
Patakbo akong umalis ng bahay ngayon patakbo rin akong bumalik papasok.
Sabi na nga ba makapal ang mukha ng babaeng yun!
****
MAEJESTY

BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
JugendliteraturSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...