Dahil super Happy ako pag check ko nasa #711 tayo sa teenfic makakapag-update tuloy ako!
MARAMING SALAMAT ULET SA INYO!!!
Sa linggo-Prom night.
Nakakatawang makita ang excitement sa mukha ng buong senior at junior students. Yung may nagtitiliti, nagyayabang at naglalandian.
Si Chammy napadaan lang at nakisilip kung bakit nag-iingay ang mga estudyante. Pangarap nya rin yun, balang araw magsusuot ng magarbong gown, isasayaw ng kanyang prinsipe sabay patong ng tiara sa ulo nya. Nag-uumapaw na kaligayahan.
"Hoy Anika! Bakit ka nakatunganga dyan?" Lumapit sa kanya si Zayn na may bitbit na kulay asul na sobre.
"Ano yan?" Nginuso nya ang hawak nito.
Nanlaki ang mata ni Zayn At mabilis na tinago sa likod ang sobre. "Aahh... Wala... Wala lang pinamimigay ni Pres."
Gustong matawa ni Anika, alam nya naman kasi kung para saan yun.
"Wag ka ng magkaila, invitation yan diba? Ang envelope na yan ay may lamang spell." Napahagikhik pa ang dalaga.
"Ah kwan....paano mo nalaman yan? At spell? Bakit?"
Hinila nya si Zayn sa bandang gilid yung hindi madadaanan ng ibang estudyante.
"Prom spell. Malaki ang paniniwala ng taga Delavin University na yang envelope na yan ay may lamang destiny spell. Inaabangan ng lahat ang buwan ng Marso kung saan gaganapin ang Prom night." Habang nagpapaliwanag sya ay pagkamangha ang masasalamin sa mukha nito.
"Ang envelope na yan ay napakahalaga. Kayong mga seniors na lalaki ang tanging nabibigyan nyan. At ibibigay nyo ito sa taong gusto mo o sa babaeng gusto mong makasama habang buhay. At talagang nagkakatotoo maraming Alumni ang magpapatunay."
Napakibit balikat si Zayn. "Talaga ba?" Tumango sya. "O sayo na."
Nagulat si Anika dahil inabot sa kanya ni Zayn ang envelope.
"Ano kaba!" Imbis na abutin ay pinalo nya ang kamay nito. "Hindi mo ba naiintindihan? Ibibigay mo lang yan sa taong gusto mo."
"E anong problema mo? Gusto naman kita."
"Gusto? Madali lang yun. Pero gugustuhin mo rin bang makasama ako habang buhay?!" Pinandilatan nya ito.
Pinasadahan sya ng tingin ni Zayn. "Well hindi na masama. May itchura ka din naman. Hindi na ako lugi. Sige na sa'yo na to. At Anika, wag kang magpapaniwala sa sabi-sabi na ganyan."
Hindi nya inabot ang sobre ng muli itong inabot sa kanya ni Zayn.
"Zayn hindi. Kabaliwan man pero naniniwala ako. At wag kang mag-alala, hindi naman agad-agad na dapat ibigay yang sobre maari mo itong itago at pagdating ng takdang araw na sigurado kana sa pagbibigyan mo tsaka mo na ibigay yan."
Mataman itong nakatitig sa kanya. "Tingin mo hindi ka karapat-dapat na mabigyan nito?"
"H-hindi...hindi naman sa ganoon Zayn."
Naghugot ito ng malalim na hininga at napabuga ng hangin tsaka sya ulit bumaling sakin. "Bakit Anika? Umaasa ka pa ba? Umaasa ka na baka makasalubong mo sya at ibigay nya sayo ang Prom spell nya? Hindi ka ba nag-iisip? Ha Anika?"
BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...